AMKG 46

695 25 0
                                    

A/N: Sorry kung ngayon lang ako ulit nakapgupadate :)

JANE POV

“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Rhean habang sinasabi ko sakanya ang lahat.

“I’m sorry pero alam kong maiintindihan mo ako kaya ikaw ang una kung kinausap.” Paliwanag ko sakanya.

“Oo pero bakit biglaan naman yata? Akala ko ba tatapusin mo itong sem?” tanong naman niya.

“Rhean alam kong alam mo ang dahilan.” Sagot ko sakanya saka hinawakan ang kamay niya.

“Dahil parin ba kay Jeron? Akala ko ba okay na kayo?” tanong nitong muli.

“Kahit anong gawin namin ni Jeron darating parin sa puntong hindi kami okay, at matagal bago kami maging okay.” Paliwanag ko sakanya.

“Naiintindihan ko naman yun eh pero Jane kaibigan mo kami, at ayaw naming nasasaktan ka pero wag naman sana ganito.” Paliwanag niya.

“Rhean hanggang ngayon nasasaktan parin ako at hanggang ngayon habang nakikita ko siya nagsisisi akong pinakawalan ko siya. Ayokong pahirapan ang sarili ko kaya gusto ko ng umalis, nang sa gayon ay mabawasan na yung bigat na dinadala ko.” Paliwanag kong muli.

“Jane paano na ako? Wala na akong bestfriend” parang bata niya tanong.

“Nandito parin naman ako eh! Malayo nga lang, at alam kong nandyan si Sabrina para maging kaibigan mo rin.” Sagot ko sakanya.

“Ahy! Pasalamat ka mahal na mahal kita eh! Kung hindi, hindi talaga ako papayag na umalis ka.” Sagot nito saka ako niyakap ng mahigpit.

Ahay! Tama ba talagang umalis ako, ngayon pang alam kong kailangan ako ng bestfriend ko?

“Ang drama mo na ngayon? Yan naba ang natututunan mo sa Redinto nay an?” pagbibiro ko.

“Yuck! Don’t call him Redinto! Ang pangit.” Arte naman niya, boyfriend naman niya tsk!

Pagkatapos naming magusap ni Rhean ay sumunod kong hinanap si Raz at Red. At tama ako dahil ditto ko sila mahahanap sa cafeteria, mga patay gutom talaga itong mga ito. Hahaha!

“Hey! Ms. Sungit!” bati agad saakin ni Raz.

“Jane? Anong ginagawa mo dito” tanong agad ni Red.

“I need to talk to you guys! Can I?” sagot ko naman.

“Oo naman sungit! Ano bang sasabihin mo?” sagot naman ni Raz habang kumakain ng spag.

“Aalis na ako!” mabilisan kong sagot, halos maibuga ni Raz ang kinakain niya.

“Joke bayan? Hahaha!” tawang-tawang sagot ni Red.

“I’m not kidding! Aalis na talaga ako.” Sabi kong muli.

“Oo nga Ms. Sungit pero diba matagal pa yon?” chill naman tanong ni Raz .

“Oo…. Sana pero mas pinaaga ko na eh.” Sagot kung muli. “Sorry pero kailangan ko talagang umalis.” Dagdag ko pang muli.

“Pero bakit Jane? Iiwan mo kami? Anong dahilan?” sunod-sunod na tanong ni Raz, halatang sersyoso sila ngayon.

“Kung bakit? Dahil kailangan kong gawin ito para sa sarili ko, at kailangan ko itong gawin para tuluyan ng mag move-on.” Paliwanag ko saka ngumiti.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon