JERON POV:
Medyo nabadtrip din ako doon sa sinabi saakin ni Jane kanina, anong akala niya saakin MASAMANG tao. Buti nga tinanong ko pa siya kung anong problema, kung tutuusin dapat mag pasalamat pa siya! Haaaay mga babae nga naman.
"Dude! Hanggang mamaya mabubutas na yang bola!" saway saakin ni Raz na halos kanina pa ako binabantayan sa ginagawa ko.
"Badtrip kasi eh!" sagot ko sabay tapon muli ng bola.
"Bakit nag kasagutan nanaman ba kayo ni Oineza?" tanong niya saakin.
"Hindi ko alam pero parang may dinadala siyang mabigat na problema!" seryoso kung sagot sakanya.
Ayokong manghimasok sa buhay kasi kung tutuusin nakikipaglaro lang naman ako sakanya, pero hindi ko kasi kayang ipagsawalang bahala na lamang iyon.
"Wag mong sabihin na inlove kana dun sa malditang yun?" lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano ako? Si JERON TENG magkakagusto sa JANE OINEZA malabo naman ata yun.
"Ang dumi ng utak mo! Bakit naman ako mag kakagusto dun" paliwanag ko sakanya, pero ngumisi lang siya.
Satingin ko may dinadala talaga siyang problema, at kung ano man siguro hindi ko na dapat munang malaman. Pagkatapos kung magmokmok sa gym ay umuwi na ako, hindi nanaman ako nakapasok dahil sa pagiging badtrip ko sa babaeng yun.
Pasakay na sana ako ng kotse ng makita ko sa garden si Jane, magisa lang siya at mukhang umiiyak. Gusto ko sana siyang lapitan pero baka magalit lang siya, unti unti ko siyang pinagmamasdan, napaka amo ng kanyang mukha hindi mo aakalain na MALDITA siya. Alam kong may bait paring natitira mula sa puso niya, at lalabas din yun sa takdang panahon.
"Dude!" muntik na akong mahimatay sa gulat ng may kumalabit saakin, at pag harap ko ay si Red pala. "Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Wala tinitingnan ko lang si Jane" sagot ko naman, kaya agad din niyang sinilip. "Bakit kaya siya umiiyak?" tanong ko sakanya.
"Ganyan talaga yan. Akala mo sobrang TAPANG niya pero may tinatago rin naman palang sakit" sagot nito saakin, agad ko siyang hinila at dinala sa mya cafeteria.
"Ano bang nangyari?" tanong ko kay Red na parang napachismoso ko.
"Bakit gusto mong malaman? Siguro inlove kana sakanya nuh" pangaasar pa nito kaya agad ko siyang binatukan.
"Kwento na!" sagot ko ulit.
"Kasi ganito yun ...." sagot niya sabay tawa ng malakas.
"Ikukwento mo ba o hindi?" pagbabanta ko sakanya.
"Ito na napakaexcited mo naman kasi" paliwanag niya saakin, hindi na ako sumagot para matuloy na niya yung kwento niya.
"Dati raw hindi ganyan si Jane, SIMPLE, MABAIT, PALAKAIBIGAN, AT HINDI PALAAWAY, madami nga daw ang humahanga sakanya dahil bukod sa mayaman ay tumutulong pa sa kapwa. Hindi siya kinakikitaan ng mga bagay na hindi ikagugusto ng mga tao.Madami ngang humahanga sakanya niya eh. At mas lalo pa siyang minahal ng mga tao nung dumating sa buhay niya si Alexander David Torres naging masaya daw siya, pero yung lalaki rin daw ang naging dahilan kaya naging ganyan si Jane. Nagbago ang lahat, ang dating Jane ay nawala nalang na parang bula" kwento niya, medyo nagiging chismoso narin ata ako.
"Sino ba yan Alexander David Torres na yan?" tanong ko sakanya. Pero umili siya.
"Hindi ko siya kilala pero sabi nila at ayun sa mga kwento, yun daw yung first boyfriend ni Jane" huli na lamang sagot nito saakin.
"Paano mo nalaman ang mga yan?" tanong ko sakanya.
"Malamang yung mga babaeng nagkakandarapa saakin, yun ang sinabi nila" confident niyang sagot saakin. "Pero teka nga bat ba gustong-gusto mong malaman?" dagdag niyang tanong saakin.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Ficção AdolescenteUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)