P/S: Boring ito promise :) Pero kailangan niyong basahin para malaman niyo kung ano ba ang nangyari dati.
JANE POV:
FLASHBACK:
Nung masaksihan ko ang gabi kung saan pinagtaksilan ako ni Axel ay para akong dinurog para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak, pakiramdam ko noon ay wala na akong kakampi at wala na akong karapatan pang mabuhay. Peron hindi ako nawalan ng pag-asa dahil naisip kung nandyan pa si Ariyah, nandiyan pa ang bestfriend ko.
Isang gabi pumunta ako sa kanilang bahay, wala akong pasabi kaya alam kong mabibigla siya pero siya lang ang matatagpuan ko ngayon. Siya lang ang makapagpapayo saakin, habang papalapit ako ng papalapit sa lugar na tatahakin ko ay nakaramdam ako ng kaba. Kaba na kakaiba, pero hindi ko yun pinansin tuloy-tuloy lang akong pumunta doon.
Nasa harap ako ng pinto ng bahay nila Ariyah ng may marinig ako dalawang boses na nag uusap.
"Nagawa mo ba?" tanong ng isang boses na babae, sinilip ko kung sino ang nagsasalita at nakita kong si Ariyah iyo. Pilit kong kinikilala ang kausap niya ngunit hindi ko ito makita ng maayos, dala narin siguro ng panlalabo ng mata ko.
"Oo naman! Kung nakita mo lang sana siya. Iyak siya ng Iyak!" sagot naman ng kanyang kausap.
"Mabuti kong ganun. Walang dapat na makaalam nito maging si Axel" agad akong napahawak sa bibig ko upang takpan ito ng marinig ko ang sinabi ni Ariyah, ano ang kinalaman niya sa lahat ng nangyayari.
"Oo naman sis!" sabi nung kausap niyang babae saka bumeso sakanya.
"That's good to know Aina" agad akong nabigla sa narinig ko, alam kong hindi ko alam lahat ng istorya pero sapat na ang narinig ko para makapagpatunay na may kinalaman si Ariyah sa nangyari.
Nung gabi din na yun ay hindi na ako tumuloy sa bahay na yun, dala narin siguro ng mga nadiskubre ko. Hindi ako makapagisip ng mabuti, hindi ko lubos maisip na magagawa saakin iyon ng aking bestfriend.
Lumipas ang mga ilang araw ay dumating sa bahay si Ariyah, hinarap ko siya na kunwari'y wala akong narinig o nalama. Alam kong sa mga panahong iyon ay nagpapanggap siyang kaibigan ko parin pero sa loob loob ko ay galit na galit ako. Gusto ko ng sumabog!
Nangako saakin noon si Ariyah na babaguhin niya ako, tinanggap ko dahil yun ang umpisa ng lahat. Binago niya ako, sinabi niyang magiging tulad niya ako isang babaeng PALABAN at walang INAATRASAN, pero isinumpa ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya magiging kagaya dahil hihigitan ko pa siya.
Matagal-tagal din ko siyang nakasama at loob ng matagal na yun, ay diring diri ako sakanya. Pinapakita niyang concern siya saakin kahit hindi. Lumipas ang madaming araw kasaba'y ng papapalit ko at pagiging maldita ay napagdesisyunan niyang lisanin ang Pilipinas, tinatanong ko siya kung bakit pero ang tangi niyang isinasagot ay DAHIL YUN ANG GUSTO NG PARENTS KO. Akala niya siguro ay napaniwala niya ako, pero hindi! Alam kong kaya siya aalis dahil nalaman niyang umalis na rin si Axel at Aina.
Hindi naman niya talaga ako iniwan, yun lang ang ipinalabas ko para hindi malaman ng sino man ang plano ko. Hindi niya ako iniwan, dahil siya ang dahilan kong bakit ako nagbago. Siya ang puno't dulo ng lahat.
END OF FLASHBACK:
Ang pagkakaroon ko ng Amnesia oo HINDI TOTOO ang lahat ng yun, lahat ng yun ang isang malaking kasinungalingan para mapabalik ko ng Pilipinas si Ariyah. Kilala ako ni Ariyah kaya madali sakanyang makita kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Sa totoo lang pinakiusapan ko ang doktor na palabasin na nagkaamnesia ako, pati mga magulang ko ay hindi alam ang tungkol dito dahil sila ang pinoprotektahan ko. Kilala ko si Ariyah alam ko kung ano ang plano niya, at alam kong hindi parin siya nagbabago.
Si Ariyah o Emerald Dela Serna ang anak ng dating katulong ng Daddy ko, OO magkapataid kami sa ama. Pero ay ang akala niya ay hindi ko alam, ipinalabas kong hind ko alam para malaman ang binabalak niya. Namatay ng nanay dahil sa hindi pagtanggap sakanya ng Daddy ko sakanila, ginawa niya ang lahat para bumalik. Dahil narin siguro sa pag-ampon sakanya ng kanya ng mayaman na pamilya kaya ko siya nakilala. Way back 7 years old doon ko siya unang nakilala, at dun ko siya naging bestfriend. When we are 14 kinuwento niya saakin na ampon lang siya, pero hindi pa ako noon naghinala. Pero nung nalaman ko na siya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Axel dun ko piangtagpi-tagpi ang lahat ng nangyari. At nalama kong si Ariyah ay si EMERALD.
Bestfriend kami nila AINA childhood friendships pero mas close silang dalawa pero nawala ang lahat ng yun ng kunin si Aina ng parents niya at dalhin sa ibang bansa. Doon kami mas naging close ni Ariyah. Alam kong ginamit lang ni Ariyah si Aina para buoin ang kanyang plano.
Siguro dati TANGA AKO pero hindi na ngayon. Matagal ko na siyang pinaghandaan at hindi ko hahayaang guluhin niya ako.
A/N: Tantananan.....! Ang saya saya clap your hand XD vote lang ng vote guys :)
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)