AMKG 20

1K 28 0
                                    

A/N: Ito na....... :) Sorry kung late :P Babawi ako promise :)

Rhean Pov:

Isa na siguro sa isang masasayang pangyayari na naganap sa buhay ko, ay ang maging kaibigan ulit ako ng aking bestfriend. Oo tama kayo hanggang ngayon tinuturing ko parin siyang bestfriend kahit alam kong kinalimutan na niya ako. At ngayon na mayroon ng pagkakaton, I will grab that opportunity para lang maibalik ang bestfriend ko.

“Talaga babe?” hindi makapaniwalang tanong saakin ni Red, oo kinukwento ko sakanya ngayon yung nangyari kanina.

“Yup! Kaya nga masaya ako eh” sagot ko naman sakanya. Biglang sumimangot ang mukha niya. “Anyare sa mukha mo babe?” tanong ko sakanya.

“Wala. Baka kasi kapag nabalik yung dati niyong pagkakaibigan baka wala ka ng oras sa napakagwapo mong boyfriend” pagdradrama, agad ko naman siyang tinapik sa ulo. Hard ba? Ganyan kasi ang lambingan namin.

“Ang drama mo naman babe! Syempre hindi ko gagawin yun. Mahal kaya kita” paliwanag ko sakanya tas saka niyakap.

Siguro nagtataka kayo bakit kami sweet ng mokong na ito noh? Kami na kasi, since nung umuwi kami galang ng resthouse nila Jane. Ewan ko kung anong nagustuhan ko sakanya, parang bigla nalang akong naging masaya kaya yun.

Yung about naman kay Jane at Jeron, actually naaawa ako kay Jeron dahil nakikita ko naman sakanya, na mahal na mahal niya talaga si Jane. Balita ko nga eh, kinancel na niya yung wedding nila ni Aina para lang bumalik sa kanya si Jane. I know darating yung time na sila din sa bandang huli hindi pa nga siguro ngayon. Pero alam kong sila ang itinakda ni God na magmahalan.

JANE POV:

Kakatapos lang ng PRELIM namin at ang masakit ay mukha mababa ata ako ngayon. Ewan ko ba kung bakit, dahil ata sa bwesit na Sebastian na yon. Paano ba naman kung kailan ako nagrereview saka naman tatawag or kung dito naman sa school laging nakabuntot.Oo alam niya ang number ko, at ewan ko kung kanino niya nakuha.

FLASHBACK:

Busying-busy ako sa pagbabasa sa library ng magring ang phone ko.

“SILENCE! Turn off you phone!” sigaw nung librarian na siya na atang pinakamasungit. Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan kong sinong nagtext

From: 09*********

Hi. I got your number <3 J

Sino naman kaya ito.

To: 0909********

Who the hell are you? Wanna die?

From: 09*********

Ops! Why so sungit. Hanggang text ba naman napakaAMAZONA mo parin .

AKO AMAZONA! Sino kaya ito, pag nalaman ko lang talaga kung sino ito. Baka manghiram siya ng mukha sa magalis na aso.

To: 09*********

Ow really? Sorry sweety but I no time for you.

“Excuse me?” napatingala ako ng marinig kong may nagsalita. O-M-G nasa library nga pala ako. “Library ito at hindi kung ano mang lugar! Nandito ka para magbasa, magreview at matahimik. Kung nandito ka para makipagtext mas mabuting lumabas ka nalang. Nakakaistorbo ka ng mga estudyanteng gustong matahimik!” sigaw niya saakin, agad akong napatayo. Aba’y hindi ata ako kilala ng babaeng ito.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon