A/N: There's more <3 Syempre hindi ko naman hahayaang hindi happy ending :) So ito po ang gift ko sainyo dahil sobra ko kayong mahal na mahal.
EPILOGUE:
Isang pagmamahalan na nagumpisa sa hindi magandang pagsasabi at isang pagmamahalan na binigyan ng maraming pagsubok sa buhay. Saan hahantong ang pagiibigang nagsimula sa lokohan ngunit nagtapos sa totohanan?
Jane Pov:
“Ang tagal naman ni Jeron!” naiinis na sabi ni Sabrina kasama sila Rhean,Red,Ram, at Raz.
Nandito kasi kami ngayon sa mall at dito ishoshoot yung bago kung commercial, at kanina pa kami naghihintay kay Jeron pero hanggang ngayon wala padin siya. Sabagay hindi ko naman masisisi ang boyfriend ko dahil busy siya ngayon sa kompanya at syempre sa pagiging isang celebrity.
Dalawang taon na ang lumipas at lahat kami ay may kanya-kanya nang buhay na tinatahak, pero ang pagkakaibigan naming ay patuloy parin. Si Rhean bilang isang magandang may bahay ni Red, kakakasal lang nila last year. Si Red isa ng presindente ng kanilang kompanya. Si Ram isang sikat na businessman kilala siya sa buong mundo pero hanggang ngayon wala padding girlfriend madaming nalink sakanya pero wala pa siyang inamin ni isa sakanila. Si Raz isa na siyang sikat na Engineer, kasama ang architect niyang girlfriend na si Sabrina, OO tama kayo ang dating aso’t pusa ay siya na ngayong nagmamahalan ang sweet nga ng lovestory nila. Si Jeron naman o ang aking pinakamamahal na boyfriend ay siyang isa sa nagpapatakbo ng kanilang company at the same time siya rin ay sikat na celebrity ditto sa Pilipinas. At ako naman wala! Tambay lang ang saya diba? Hahah. Pero syempre nagbibiro lang ako, isa na akong sikat na modelo sa buong mundo at ang magiging tagapagmana ng Oineza Company pero hindi ko pa iniisip yan dahil madami pang pwedeng mangyari.
“Speaking!” inis na sabi muli ni Sabrina, ngumiti lang ako saka tumayo upang salubungin siya.
“Baby!” bati ko sakanya per ngumiti lang siya… Anong problema niya.
Dumiresto siya sa upuan na nakaassign sakanya sa inayusan samantalang ako ay nababahala sa kinikilos niya.
“Simulan na natin ito at madami pa akong gagawin.” Masungit nitong sabi kay direk. Pero parang wala lang kay direct, ano bang meron?
Hindi naman mahirap ang gagawin dahil yung mismong iaact namin ay yung mga nangyari noon nung una kaming magkakilala. Ang weird nga eh, nung tinanong ko naman kay direct sabi niya yun naman daw talaga, kaya naman pinabayaan ko na.
“Take one! Action!” sigaw nung isang staff.
Naghiwalay na kami at saka pumunta sa posisyon namin.
Naglalakad ako ng mahinahon dahil yun ang umpisa nito,
*Bogsh!*
“Ano ba!” sigaw ko sakanya.Hindi niya ako pinansin. “Hoy! Hindi ka man lang ba magsososrry?” tanong ko sakanya sa tunong maldita talaga. Humarap siya saakin.
“Bakit naman ako magsosorry sayo?” tanong nito na may pagkasupaldo.
“Hey you! Kung gusto mong makaalis ditto say sorry to me!” utos ko sakanya. Tinangnan niya ako ng isang malamig na tingin, ewan ko pero bakit parang totoo? Diba commercial lang ito.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)