AMKG 30

741 30 0
                                    

JANE POV:

“Jane, mahal na mahal kita gusto kong malaman mo yan”

Yan ang huli niya saakin sinabi bago matapos ang gabing yun, at 2 araw na ang nakakalipas pero hindi parin siya mawala sa isipan ko. Alam kong medyo OA ako pero hindi ko maiwasang hindi maging masaya dahil kahit pilit ko siyang pinagtatabuyan noon, mahal parin niya ako.

“Jane okay ka lang?” nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang tanong ni Rhean.

“Oo.” Simple kong sagot.

Kung alam mo lang Rhean, masaya ako hindi lang masaya KUNDI MASAYANG MASAYA.

“Alam mo para ka ng baliw!” sabi ni Rhean na halatang parang naiirita na saakin.

“Bakit?” tanong ko naman agad.

“Kahapon kasi para kang tanga na tago ng tago wala ka naman pinagtataguan, tapos kapag nandyan si Jeron lagi kang nagmamadali, tapos ngayon ngumingiti ka ng walang dahilan? Ano may problema ka naba sa utak?” dire-dereto niyang paliwanag.

Pasalamat siya dahil bestfriend ko siya dahil kung hindi baka naarmalite ko na siya at nabugbog.

“O baka naman inlove kana?” halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa sinabi ni Rhean. “Kanino kay Teng?” dagdag pa niya.

“Inlove din naman saakin yun eh” pagmamayabang ko.

“Sus! Kunwari galit sakanya, pero ang totoo umiiwas ka dahil alam mong kapag nandyan siya lagi kang namumula at kinikilig!” pang-aasar niya saka ako kiniliti.

“Alam mo ikaw! Nagkaboyfriend ka lang malandi kana!” sagot ko naman sakanya, saka inirap ng pabiro.

“Sabihin muna sakanya, ang totoo para maging official na kayo” payo niya with matching pataas taas pa ng kilay.

“Oo sasabihin mo na sakanya. Malapit na!” sagot ko habang nakangiti.

Oo nakapagdesisyon na ako sasabihin ko na sakanya, hinihintay ko lang na lumapit siya saakin at kausapin niya ako.

AXEL POV:

Bakit ba kasi kailangan ko pang bumalik dito sa Pilipinas, masaya na ako sa Canada. Ayoko na dito dahil kapag nakikita ko siya, feeling ko nasasaktan parin ako. Oo hanggang ngayon nasa MOVE-ON stage parin ako ang hirap naman kasing kalimutan ng babaeng nagbigay ng kulay sa mundo mo. Nasaktan ko siya sa mga bagay na akala ko tama noon, pero nung gusto kong bumawi saka naman nakita ko siyang masaya. Siguro kung iba sasabihing unfair pero dahil mahal ko siya gusto kong maging masaya siya.

“Alam mo Ariyah, hindi ko maintindihan kong bakit mo ginaganito si Jane.” Paliwanag ko sakanya, nandito kasi kami ngayon sa may cafeteria kasama naming si Aina, Princess, Jack.

“Paano mo nga ba malalaman kong ikaw mismo inayawan ang lahat ng ito!” sagot naman niya.

“Wala akong inayawan, sadyang hindi ko kayang sikmurain ang mga pinaggagagawa niyo.” Sagot ko naman sakanya.

“Hindi kayang SIKMURAIN? Nagawa mo nga diba? Nasaktan muna siya, bakit hindi mo ba kayang gawin ulit yun?” sagot naman din niya.

“Hindi! Dahil ang babaeng gusto niyong saktan ko ay ang babaeng MAHAL na MAHAL ko!” singhal ko sakanila. “ Bakit hindi si Jack ang utusan mo? Kapatid mo naman yan diba? And I’m sure na mas magaling pa siya kesa saakin.” Dagdag ko pa sakanya, kinuha ang bag ko at tuluyan ng umuwi.

Bago pa man akong makalabas ng gate na nakasalubong ko si Jane at si Rhean. Agad ko siyang hinawakan, kailangan niyang magingat.

“Ano ba Axel! Bitiwan mo nga ako!” pagsaway niya saakin.

“This is for your own sake Jane!” paliwanag ko sakanya, hindi naman na siya umangal.

“Mag-ingat ka sa mga taong lumalapit sayo, madami gustong manakit sayo dahil madaming naiingit. Wag kang basta-basta magtitiwala, dahil sa huli ikaw ang magiging kawawa. Mag-ingat ka Jane, hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan.” Paliwanag ko sakanya, agad niyang tinaggal ang pagkakahawak ko sakanya.

“What do you mean Axel?” tanong niya sakanya ng mahinahon, “Basta magiingat ka!” huli kung sagot saka umalis.

Gusto ko siyang protektahan pero mahirapan kalaban sila Ariyah, alam kong kaya niyang saktan ang pamilya ko at alam kong kaya ng mga magulang niya idamay ang mga ari-arian at negosyo namin.

ARIYAH POV:

“No! You will continue doing it, hindi pwedeng masira ang plano ko!” singhal ko dito sa kapatid ko.

“Ella! Hindi ko siya kayang lokohin, mabuti syang tao! Wag mo siyang idamay sagalit mo sa mga magulang niya!” sagot naman niya saakin.

*Pak*Stupid Jerk! Don’t tell me inlove kana sa babaeng yun?” hindi siya pwedeng mainlove kay Jane, dahil pag nangyari yun maagaw nanaman saakin ni Jane ang isang bagay na pinangangalagaan ko.“Tell me Jack Sebastian are you inlove with Jane?” tanong ko ulit sakanya, pero this time tinitingnan ko siya sa mata.

“Magkakapatid tayo! Remember kaya wag kang tanga!” sagot niya din saakin. Alam kong inlove na siya sa babaeng yun.

“Alam mo ang totoo. Seb, remember namatay ang nanay natin dahil sa pamilyang yan. If you like it or not gagawin mo ang plano.” Galit kong paliwanag sakanya.

Hindi ko hahayaang masira lahat ng plano ko hindi ako makakapayag na matalo nalang ako ng basta-basta. Ang kaaway ay kaaway! Sa laban na ito walang kapatid!

SEBASTIAN POV:

Alam kong galit kayo saaking lahat, oo ako nga ang kapatid ni Ariyah at ako ang ginamit niya para masaktan ulit si Jane. Sa totoo lang wala lang naman saakin nung una eh, pero naramdaman kong unti-unti napapalapit na ang loob ko sakanya. Alam kong wala siyang kasalanan sa mga nangyari, anak lang siya kaya siya nadadamay sa lahat ng ito.

“Ma! Tell Ariyah to stop please.” Bulong ko sa puntod ni Mama.

Namimiss ko na si Mama, yung mga ngiti niya hindi man niya nabantayan ang paglaki naming ni Ariyah alam kong mahal na mahal niya kami. Nung namatay siya ang huli niya lang sinabi saaming magkapatid ay ang matutong magpatawad. Pero hindi yun sinunod ni Ate dahil sagalit niya, alam ko na kung nabubuhay si Mama, pagsasabihan niyang itigil na ito ni Ariyah.

Bigla naman tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang paghampas ng isang malakas na hangin.

“Pagod na ako ma! Pagod na akong magalit. Ayoko ng manakit dahil naranasan kong masaktan. Alam kong dapat si Ate ang kinakampihan ko pero alam ko ring mali ang ginagawa niya. Isa lang naman ang pangarap ko sa mundong ito eh, na sana bago man lang ako pumanaw ay maging masaya ako” siguro pag may nakakita saakin iisiping baliw ako, mas mabuti mag mukhang tanga kesa naman mamatay sa sobrang sakit sa loob.

“Mama, pangako itatama ko ang mali.”

A/N: Intense :/ Vote naman kayo oh :(

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon