AMKG 37

706 32 1
                                    

RAM POV:

Masaya ako dahil nakasama ko siya ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Masaya ako dahil nakita ko siyang ngumiti ng ganun. Gustong gusto ko na siyang angkin, gustong gusto ko siyang pasayahin. Alam kong malapit niya siyang bumalik at natatakot ako kapag bumalik siya at maetchapwera nanaman ako. 

Kilala ko si Jeron at alam kong mahal niya parin si Jane hindi ganun ka daling mag move lalo kung anong babaeng yun ay nakatatak na sa puso mo. At ang masakit ay alam ko ding hindi pa nakakamoveon si Jane alam kong mahal niya pa rin si Jeron. 

Alam kung hindi malabong magkabalikan sila, pero ang gusto kung gawin ngayon ay ang magpakalalaki. Gusto ko ng sabihin sakanya ang lahat lahat para wala na akong pagsisisihan sa bandang huli. 

Ipinapangako kong makita ko lang siyang masaya magiging masaya na din ako para sakanya. Mahal na mahal ko si Jane ayoko nakikita siyang nasasaktan dahil lang sa nagmahal siya. Mas okay na na ako ang nasasaktan. Pero proprotektahan ko siya kahit hindi niya ako mahal, kahit bilang kaibigan niya manlang magawa ang lahat ng yun. 

.

.

.

.

Sa sobrang lalim ng pagiisip ko ay hindi ko na namalayang nakapikit na pala ako. At doon nagflashback ang mga sinabi saakin ni Red.

"Kaibigan natin si Jeron! At alam mo babalik siya" sabi nito saakin. "Tandaan mo Ram, mahal din ni Jane si Jeron." dagdag pa nito.

"Kahit isang araw lang Red maiparamdam ko lang sakanya na mahal ko siya." sagot ko.

"Malapit na siyang bumalik, kaya ayokong umasa ka. Mas mabuting sabihin mo ang lahat ng yan kay Jane at para matapos na at hindi na kayo magkagulo ni Jeron." huli niyang payo saakin bago tuluyang umalis.

Tapos na ang araw na ito, ibig sabihin ba nito balik na ako sa pagiging kaibigan ni Jane. Tama kayo alam ni Red ang lahat ng ito, dahil mula umpisa palang kilala na niya ako. Siya din ang nagpayo saakin na tumigil na sa pagmamahal kay Jane dahil sila na ng  kaibigan namin. Pero hindi ko ginawa yun dahil hindi ko kaya. Pero ngayon ang dapat kung isipin ay kung paano ko sasabihin kay Jane ang lahat ng hindi niya ako nilalayuan.

JANE POV:

Nagising akong may ngiti sa labi, hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan kong paano kami ipinagtabuyan ni Ram sa sinehan kahapon. Isa na siguro yun sa unforgetable happenings sa buhay ko.

Bzzt! Bzzt! umagang umaga may nagtext.

FROM: Ram

Hoy! Gumising kana! :) 

 


Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos ni Ram parang may kakaiba sakanya kagaya nung sinabi niya kagabi. Hindi ko nalang pinansin yun, dahil alam kong gusto niya din ako mapasaya dahil kaibigan niya ako.

Maaga akong nagising kaya mahaba ang oras ko para magayos. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Isang shirt short denim cute converse and a vintage outware tee shirt. I bond may hair pataas. Okay na ito.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon