JERON POV:
Maaga kaming dumating ng school lahat, sabay sabay na kaming pumasok except kay Jane na mukhang gustong magsolo flight.
“Ang tagal naman ni Janey!” pagmamaktol ni Rhean, January na at umpisa na ng pasok.
“Darating din yun.” Paliwanag naman ni Red saka nilambing ito.
“Ayan napala eh!” sabi ni Raz, sabay nguso dun sa paparating.
“Sorry I’m late.” Bunga nito agad.
“So ano? Bakit kami nandito?” tanong ni Raz.
Anyway, kaya pala kami nagtipon tipon dahil may announcement daw si Jane.
“So excited!” pagbibiro nito.
“Ano nga ba ang sasabihin mo Jane?” tanong ko sakanya, pero biglang nawala ang ngiti niya. Akala ko ba okay na kami? Tsk! Bipolar.
“So guys! I would like you to know na magstay na ako ng KOREA for good.” Huwat? FOR GOOD? Hindi ata pwede yun.
“FOR GOOD?” Gulat na tanong ni Ram.
“Yes. For good! Kailangan ko ng magstay doon dahil yun ang gusto ng parents ko.” Masaya pa niyang sagot.
Sabi niya hindi niya iiwan ang mga kaibigan niya, so anong pinagsasabi niya ngayon?
“Paano na kami Ms. Sungit?” tanong ni Raz na mukhang apektado din.
“Ano ba kayo! Syempre dadalaw pa din ako dito, tyaka diba nga ditto ko icecelebrate ang 18th birthday ko.” Paliwanag naman niya.
“Akala ko ba hindi mo kayang iwan ang mga kaibigan mo?” sabat ko sakanya.
“Wala akong sinabing iiwan ko sila, ang sinasabi ko aalis lang ako. Wag mo nga akong igaya sayong basta basta nalang ng iiwan.” Sagot niya saakin, na halatang nainis.
“Sorry!” tanging nasabi ko nalang.
“Anyway! Madami pa naman akong aasikasuhin kaya don’t worry makakasama niyo parin ako.” Paliwanag niyang muli.
Aalis siya ng hindi man lang nalulungkot?
“Jane mukhang may maikailangan sayo!” agad kaming napatahimik sa sinabi ni Sabrina.
JANE POV:
“Jane mukhang may maykailangan sayo!” pagputol ni Sabrina.
Agad akong lumingon, at kitang kita ko sa mata niya ang galit.
“ARIYAH! Anong masamang hangin ang nagdala sayo ditto?” malademonyo kong tanong sakanya.
“Ang lakas din naman ng loob mong magtanong ng ganyan! Tell me? Anong bang problema mo!” singhal niya saakin.
“IKAW!” Sagot ko naman, napatayo naman si Rhean at Sabrina at pumunta sa likod ko. Samantalang yung mga boys ay nanununod lang.
“Akala mo ba natatakot ako sayo? Ano bang kaya mong gawin?” tanong niya na halatang nagmamatapang.
“Ano nga ba ang kaya ko? Yun lang naman yung mga bagay na hindi mo kayang gawin. Ano nga ba ang ginagawa mo ditto? Para sabihin saakin na babagsak na ang kompanya niyo?” sarcastic kong sagot sakanya.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)