AMKG 31

747 26 2
                                    

JANE POV:

Nandito ako ngayon sa harap ng magulang ko, hindi alam kong ano sasabihin ko. Hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag ang lahat lahat. Gusto kong dahan-dahanin ang lahat, ayokong magalit sila saakin.

“So Jane tell me! Bakit mo kami niloko!” Tanong ni Daddy na halatang galit na galit.

Hindi ako makatingin sa kanya ng direst, alam kong pati si Mommy galit saakin ngayon.

“Dad I’m sorry!” yun nalamang ang naisagot ko.

“Hindi kita pinalaki para maging sinungaling! At mas lalong hindi ka naming pinalaki para maging isang manloloko!” singhal saakin ni Daddy.

Naramdaman ko na unti unti ng babagsak ang luha ko pero pinipigilan ko lang ito.

“Hindi ko po sinasadya” sagot ko."Magpapaliwanag po ako."

*Pak*you disappoint me!” ng marinig ko ang sabi ni Daddy ay hindi ko na pigilan pa ang lumuha.

“Dad hindi mo lang ba ako pakikinggan? Hindi mo lang ba ako tatanungin kong bakit ko ginawa ang lahat ng yun?” tuloy tuloy kong tanong sakanya.

“Ginawa mo ang lahat ng yun dahil ginusto mo! Ganyan kana ba kadesperada at lahat ng bagay kaya munang gawin! Anak ba kita!” halos malaglag ang puso ko sa binitawang mga salita ni Daddy. Alam kong mali ako pero ang ipamukha niya saaking parang wala akong karapatang maging anak niya. Isang masakit na bagay.

“OO DAD! ANAK MO NGA BA TALAGA AKO? KAHIT KAILAN HINDI KO NARAMDAMAN ANG MAGKAROON NG AMA! KAHIT KAILAN HINDI KO INAKALANG MAY AMA PARIN PALA AKO. BAKIT DAD NUNG NAGAKSIDENTE BA AKO NAGWORRY KA TALAGA? O ISA NANAMAN YUN SA MGA PAGPAPANGGAP MO! OO NAGPANGGAP AKO PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN AY MASAMA NA AKONG TAO! DAD KUNG ALAM MO LANG SANA AT KUNG PINIKINGGAN MO MUNA SANA AKO EDI SA NAIINTINDIHAN MUNA AKO NGAYON. PERO HINDI! HINDI MO AKO PINAKIKINGGAN DAHIL ANG INIISIP MO AY ISA AKONG WALANG KWENTANG ANAK! ISA AKONG WALANG KWENTANG TAO. “ tuloy-tuloy ko sagot sakanya. “YOUR RIGHT DAD! GANUN NA AKO KADESPERADA! OO GANUN NA GANUN NA! DESPERADA NA AKONG ILIGTAS KAYONG LAHAT!” Dagdag ko pa, agad naman lumapit saakin si Ate at niyakap ako.

“Ano bang pinagsasabi mo? Ah Jane?” tanong ni Mommy.

“Anong pinagsasabi ko? Wake up mom, anong akala niyo saamin TANGA? Anong akala niyo hindi naming alam ang mga nangyari noon? Anak niyo kami but you didn’t tell us.”        Pagmamatigas ko.

“Ang ano?” pagmamaang-maangan ni Mommy.

“Bakit ma hindi mo ba talaga alam? O Baka naman nagkukunwari ka rin katulad ni Dad.” Tanong ko sakanya. “Mommy bumalik na ang anak ni Daddy sa maid! At alam mo bang ako ang nagbabayad sa mga kasalanan ng magaling mo asawa! Ako ang nagbabayad sa kasalanan hindi ako gumawa!” this time ay nakita kong nagiba ang ekspersyon ng mukha ni Daddy at mommy. “Bakit ko nga ba kailangan pang sabihin sainyo, ni wala nga kayong pakialam diba?” dagdag ko pa.

“Anong ibig sabihin nito Rhean?” tanong ni Mommy kay Ate.

“YES MOM! LAHAT NG SINASABI NI JANE AY TOTOO!” Sagot ni Ate.

Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng yun ay umalis na ako at nagtatakbo palabas. Hindi ko alam paano, at kung saan nag-umpisa ang lahat basta ang alam ko lang kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito.

Nagagalit ako kay Dad hindi dahil ayaw niya akong paniwalaan, nagagalit ako sakanya, dahil hinayaan niya kaming maniwala sa mga kasinungalingan niya. Hindi niya sinabi saamin ang lahat, kung hindi ko pa nabasa ang diary ni Mommy noon at doon nakalahad ang lahat. Ang mga pagtataksil ni Dad sakanya. 

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon