JERON POV:
"Hoy! Okay ka lang?" tanong saakin ni Ram.
Kanina pa kasi siya kwento ng kwento pero hindi ako nakikinig dahil wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko yung nangyari kagabi, at hanggang ngayon nasasaktan parin ako.
"Bro! Alam mo na ba yung nangyari kay Jane?" tanong ni Red saamin na halatang hingal na hingal dahil sa kakatakbo.
"Ano namang pakialam ko?" tanong ko sakanya.
Napatahimik silang lahat dahil dun sa sagot ko. Kung alam lang sana nila.
"Okay ka lang ba Jeron? Si Jane yun!" paliwanag ni Raz saakin.
"So ano ngayon kung siya si Jane. I dont care! Hindi ko naman siya kaano-ano eh!" paliwanag ko naman sakanila. Susugod na sana si Red saakin para suntukin ako pero pinigilan siya ni Ram. Kung tutuusin nagmumukhang pakialamero lang dito si Red dahil wala naman talaga siyang alam.
"Ano susuntukin mo nanaman ako?" tanong ko sakanya. "Alam mo Red immune na ako sa mga sapak mo! Kaibigan nga ba talaga kita?" tanong kong muli sakanya.
"Alam mo Jeron kung may problema ka wag mo kaming idamay! At mas lalong wag mong idadamay si Jane!" singhal niya saakin.
Napangisi nalang ako sakanya, saka hinawakan ang kwelyo niya.
"Bakit Red may gusto ka rin ba kay Jane? Pinagpalit mo na ba si Rhean?" tanong ko sakanya, pero imbes na sagutin niya ako ay bigla niya nalang akong sinuntok.
Agad naman akong napaupo sa sahig.
"Alam mo kung anong problema sayo Jeron? Hindi ka marunong magsabi ng nararamdaman mo, hindi ka marunong magsabi ng mga nararamdaman mo. Kung nasasaktan kaman o kung may problema ka man. Kaibigan mo rin kami!" singhal niya saakin. Tumayo nalang ako.
"KAIBIGAN? Alam mo ba kung anong mga pinagsasabi mo ah Red? Ang kaibigan damayan! Ang kaibigan tulungan at mas lalong ang kaibigan ay unawaan. Bakit Red tinanong mo ba ako kung anong problema ko? No didn't! Kasi ikaw makasarili ka!" sigaw ko sakanya, saka ko hinablot ang bag ko para umalis.
GEOMETRY CLASS:
Nandito ako ngayon sa geometry class, kasama ko si Ram at Raz si Red? Ewan ko at wala akong pakialam. Magiging kaklase ko siya ngayon sa subj na ito, kung pwede lang sanang magditch ginawa ko na pero. Kailangan kong bumawi sa mga absences ko."Pwedeng umupo dito?" napatingin na lamang ako doon sa nagsalita. Hindi nalang ako umiik at tumingin sa bintana.
Maya-maya ay dumating na yung professor namin, pero siya tuloy parin sa pakikipagusap saakin pero hindi ko siya pinapansin.
"Jeron, sabay tayong maglunch ah" sabi nito saakin pero hindi ko siya sinagot.
"Oy!"
"Oy!"
"Oy!"
Kalabit siya ng kalabit pero hindi ko siya pinapansin.
"Jeron!" huli nitong kalabit saakin.
"Ano ba!" natahimik ang professor namin dahil sa pagsigaw ko. "Pwede ba Jane! Wag kang makulit! Kung gusto mo ng kausap mag hanap ka. Hindi yung ako yung kinukulit mo! Damn!" tuloy tuloy kong sabi sakanya, agad naman siyang napatahimik dahil sa sinabi ko.
"Anong nangyayari Mr. Teng and Ms. Oineza?" tanong nung prof namin. "Kung may problema kayo, mas mabuting mamaya niyo nalang pagusapan yan." dagdag na nito.
Agad din naman siyang nagbalik sa pagtuturo.
JANE POV:
Nandito ako ngayon sa may Garden, hindi ko lubos maisip kong bakit ako sinigawan ni Jeron kanina. Siguro nga naistorbo ko siya, pero ngayon ko lang siya nakitang nagalit saakin ng ganun.
"Okay ka lang?" tanong saakin ni Ram, na nandoon din ng mangyari yung pagsigaw saakin ni Jeron.
"Okay lang." sagot ko.
Bakit kailangang gawin saakin ni Jeron yun.
"Kausapin muna lang siya, baka naman may problema siya. Tapos hindi niya sinasadya yung nangyari kanina." paliwanag ni Ram saakin. Tumango nalang ako.
"Sandali lang ah!" pagpapaalam ko sakanila saka tumayo.
Dumiresto ako sa CR para umiyak, kanina pa ako naiiyak dahil sa mga nangyayari. Agad akong pumasok sa isang cubicle at doon umiyak. Napatigil nalang ako ng may marinig ako usapan.
"Alam mo bang sinigawan ni Prince Jeron si Jane."
"Oo nga daw eh! Kawawa naman."
"Baka naman break na sila?"
"Hahaha. Buti nga sakanya! Ang landi niya kasi.
"Tara na nga!"
Agad kung pinahid ang luha ko at lumabas ng cubicle. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na akong CR. Kailangan kong makausap si Jeron ngayon, kaya dumiresto ako sa GYM alam kong nandun siya. Pagdating doon ay nakita ko siyang nakaupo sa may bleachers.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko agad sakanya, agad naman siyang napatingin saakin. "Ano bang problema mo?" tanong ko ulit sakanya. Pero hindi niya ako inimikan. "Bakit ba ayaw mong sumagot?" tanong ulit sakanya.
"Pakealam ko sayo!" para akong tinusok ng karayom dahil sa sinabi niya.
"Kaibigan mo ako Jeron!" sagot ko sakanya, agad naman siyang napatawa.
"Kaibigan? Wala akong kaibigan na manloloko!" sagot niya, bigla nanaman akong kinabahan.
"Ano bang kasalanan ko sayo?" tanong ko din sakanya, na mayroong malakas na boses.
BIgla siya tumayo."ALAM MO KUNG ANO ANG KASALANAN MO SAAKIN? Una dahil SINUNGALING ka, Pangalawa dahil MANLOLOKO ka at Pangatlo dahil PINAGMUKHA MO AKONG TANGA! Ano Jane masaya kana ba sa mga achievments mo? Nahulog na ako! Ngayon ayos na ba ang lahat ng yun sayo? Mabuti nakakatulog ka pa sa gabi, samantalang ang dami mong niloko at ang dama mong kasungalingan!" bigla nanamang tumulo ang luha ko. Bago paman siya makaalis ay hinawakan na muna siya.
"Let me explain please!" pagmamakaawa ko.
"NO JANE! Let me tell you this. I dont wanna with you anymore, I dont wanna be friends with you again. Ginagawa mo akong TANGA! hindi ko alam kong mahal pa kita. Alam mo kung bakit, dahil sa ginawa mo palang parang sinabi mo na hindi mo na talaga ako mahal!" sabi nito saakin.
"Natatandaan mo? Nung tinanong kita? Nung paano kung yung taong mahal mo niloko ka mapapatawad mo ba siya? Diba sabi mo oo dahil mahal mo siya. Pero bakit ganito? Bakit hindi mo ako hayaang magpaliwanag." sabi ko naman sakanya.
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag! I dont need your explanation!" singhal niya saakin saka umalis.
HA HA HA HA! Sana nananaginip lang ako, sana hindi totoo ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)