AMKG 13

1.3K 28 1
                                    

A/N: Happy 6k reads <3 Salamat po. Sana patuloy niyo lang suportahan ang storyang ito.

JANE POV:

Its been 2 weeks since umalis si Jeron sa Pilipinas at until now wala parin kaming balita sakanya, hindi niya parin ako kinocontact. Minsan nga nawawalan nalang ako ng pag-asa, vacation na namin next week at inaasahan kung malapit na siyang bumalik.

"San tayo sa vacation?" tanong ni Rhean sakanila, andito kasi kami ngayon sa tambayan.Sila narin ang nakasama ko the day na umalis si Jeron.

"Sa resthouse namin sa Tagaytay gusto niyo ba?" pagpriprisenta ni Raz.

"Sa Palawan nalang." pagtutul naman ni Red.

"Bakit may resthouse ba kayo dun?" pangbabara naman ni Ram. Sa totoo lang ang sayang kasama ng mga kaibigan ni Jeron. Siguro kung wala sila ngayon dito sa tabi ko baka hindi ako masaya ngayon.

"Bakit ba kung wala kaming resthouse dun pwede namang maghotel ah!" sagot ni Red sakanila.

"Sa Palawan nalang, may resthouse kami dun. " simple kung aya sakanila. Yup! May resthouse kami dun and nagpaalam na ako kay Dad na baka dun muna ako magstay.

"Sige game! Tutal lastweek naman na natin ngayon." masayang paalala ni Red.

Pagkatapos naming pagplanuhan ang mga mangyayari nextweek ay napagdesisyunan naming sabay ng umalis ni Rhean.

"Hindi pa rin ba nagpaparamdam?"  tanong ni Rhean habang naglalakad kami papuntang starbucks.

"Ano siya multo?" okay! Waley ako dun.

"Last muna yan! Yung seryoso, wala parin bang text?" tanong niya ulit.

"Wala eh! Nakalimutan na ata niya ako" malungkot kung sagot sakanya. I hate my self! Kasi miss na miss ko na siya.

"Magpaparamdam din yun, baka naman busy dahil sa lolo niya" paliwanag niya saakin. Alam ko namang sinasabi lang nila yan para hindi na ako malungkot.

"Sana.." sagot ko sabay buntong hininga.










JERON POV:

Namimiss ko na siya, yung ngiti niya,yung tawa niya,yung pagiging maldita niya lahat yun gusto ka ng makita ulit. Habang minamasdan ko ang larawan niya mas lalo akong naiinis sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya magawang kumustahin.

Ilang linggo nang lumipas simula nung umalis ako ng Pilipinas, dinala namin dito ang lolo dahil gusto naming mapatanggal ang buhay niya. Gumaling na siya at akala ko babalik na kami ng Pilipinas pero hindi. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang ikakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal. Oo ikakasal ako at yun ang kahilingan ng lolo ko saakin, natatakot akong malaman ni Jane ang lahat ayokong iwan niya ako pag nalaman niyang ipapakasal ako sa iba. Si Jane ang mahal ko at gagawin ko ang lahat para lang kami ang magkatuluyan sa huli.

"Dad! Bakit ganito?" tanong ko sakanya.

"Intindihin mo nalang ang Lolo mo" paliwanag naman ni Dad.

"Dad! Mahal ko si Jane siya ang gusto kung makasama pang haban buhay" pagsusumamo ko kay Daddy alam kung naiintindihan niya ako.

"Sa sitwasyong ito, pasensya na Jeron pero wala akong magagawa." sabi niya bago niya ako iwan.

Just fuck this situation! 

Akala ko pa man din magiging masaya na kami ni Jane dahil uuwi na ako sa Monday pero hindi pa pala. Dahil ipapakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal.

"Jeron pinapatawag ka ng Lolo mo, nandyan na daw ang Fiance mo!" tawag ni Mama saakin. Kung pwede lang sanang wag ng sumipot ginawa ko na.

Sa mga oras na ito mas gusto ko pang lamunin ako ng Lupa. Pero wala na ata akong magagawa.






"Ayan na pala siya eh!" sabi ni Lolo dun sa kopadre niyang matanda "Jeron ito si Ernesto  at ang kanyang may bahay na si Ampher"  pagpapakilala sakanila ni Lolo agad din naman ako humalik sakanila. Dahil hindi naman ako bastos.

"Napaka gwapo naman pala ng Apo mo Roberto, bagay na bagay sila ng Apo ko!" paliwanag  naman nung Ernesto ata yun.





"Iho iyan ang Fiance mo! Si Aina Solano." pagpapakilala ni Lolo sakanya, maging ako nabigla sa nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali siya ang babaeng pinagiinitan si Jane.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon