AMKG 17 (First Half)

1.3K 18 2
                                    

JANE POV:

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing makikita ko yang Aina nayan ay bigla nalang umiinit ang ulo ko. Siguro dahil sa kasalanan niya saakin dati pero ewan nafefeel kung may nangyari noon. Anyways kanina pinacheck up nila ako, dahil bigla nalang sumakit yung ulo ko tapos may biglang nagflashback sa utak ko. Nasa isang lugar ako tapos may lalaki akong kayakap at nakita kung ang saya-saya ko that time. Hindi ko lang talaga makita kung sino yung taong nakakapagpasaya saakin. Sabi ng doctor common na daw yun na nangyayari sa kagaya kung nag suffer ng amnesia.

“Okay ka lang?” tanong saakin ng isang lalaking hindi ko kilala at hindi rin pamilyar, mukha siyang mabait.

“Do I know you?” pagmamaldita kung tanong sakanya, agad naman siyang napangiti na akala mo kung sinong ulol.

“By the way ako nga pala si Sebastian and you are?” pagpapakilala nito sabay abot ng kamay saakin. Tinapik ko lang ito dahil wala akong pakealam sakanya.

“Don’t talk to me!” sigaw ko sakanya, saka lumakad palayo. Agad din itong sumabay sa paglalakad ko na parang nang-iinis.

“So ikaw pala si Don’t talk to me? Ang unique naman ng name mo” pang iinis niya saakin. Ang sarap niyang hambalusin ng table,nang humandusay siya.

“Joke mo ba yun? Hindi ka kasi mukhang joker.” Pagmamaldita ko naman sakanya.

“Alam mo ngayon lang ako naka-encounter ng kagaya mo. you're so beautiful but at the same time napaka maldita mo. “ paliwanag niya saakin. As if namang tinatanong ko.

“You know what? I don’t need your opinion coz in first place were not even close! Kaya kong nakakaintindi ka, can you please get out of my side and In my way!” sabi ko sakanya saka ito binangga, hindi na ito nagtangka pang sumunod saakin. Siguro natakot kaya ganun.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Rhean na palabas na ng gate agad siyang huminto at hinitay ako.

“Sino yun?” tanong niya saakin habang nakatingin kay Sebas—aah ewan!

“I don’t know” sagot ko nalang saka nag start ng maglakad.

“Mukhang mabait ah, ang amo ng mukha” paliwanag niya na parang kinikilig.

“Odi lapitan mo.” Utos ko nalang sakanya.

“Hindi kana makakahanap niyan ng boyfriend kong ganyan ka mag maldita” paliwanag niya kaya napahinto ako.

“Alam mo Rhean hindi ko naman kasi kailangan ng boyfriend o lovelife para mabuhay, nabuhay ako ng wala yan at mamamatay ako na wala yan. And natry ko ng magkaroon niyan, napasaya lang ako niyan pero hindi yan ang naging dahilan para mabuhay ako. Ginamit ko ang bunganga, heart at lahat ng parte ng katawan ko para mabuhay. Walang FOREVER, DESTINY o kahit ano pa dyan. Ikaw ang gagawa ng Destiny mo at mas lalong ikaw ang makakaalam ng FOREVER MO!” mahaba kong litanya sakanya.

“Okay.” Maikli nalamang niyang sagot saakin. Tahimik kaming naglakad na magkasabay.

Hindi ako BITTER at mas lalong hindi ako TANGA, wala naman kasi talagang FOREVER siguro DESTINY meron pa. Yung mga nagsasabing hindi sila mabubuhay kapag nawala ang MAHAL nila? Mga tanga ang mga yun kayang-kaya nilang mabuhay kong gagamitin nila ang utak nila. Madami ng populasyon Ng TANGA sa pilipinas kaya hindi ko na kailangan pang dumagdag.

Sa kakadak-dak ko hindi ko napansing nakarating napala ako sa sala nang bahay naming.

“Bakit parang nakabusangot ang mukha ng kapatid ko?” malambing na tanong ni ate Rhea, simula nung nangyari yung aksidente ay nagkasundo na kami.

“Ang dami kasing tanga sa mundo!” sagot ko saka binagsak ang aking katawan sa sofa.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya saka tumabi sa akin.

“Ang daming naniniwala sa FOREVER at ang daming nagiging TANGA dahil lang sa LOVE hindi ba pwedeng magpakatotoo nalang sila? Ipakita nalang nila kung sino at ano sila hindi yung binabago nila ang tunay na sila para lang mahalin ng taong mahal nila.” Mahaba kong paliwanag kay ate. Tumawa lang ito na parang nang-iinis. “Alam mo minsan wala kang kwentang kausap!” sagot ko sakanya.

“Nakakatawa ka kasi Jane, parang dati lang isa ka sa mga sinasabi mong TANGA, parang dati lang isa ka sa mga naniniwala sa FOREVER at parang dati lang ay isa ka sa binigyan ng pagkakataong malaman kong ano nga ba ang LOVE. Alam kong naranasan mo ng masaktan, at alam ko ring naranasan mo ng maiwan. Pero hindi yun ang naging dahilan para mawala ang love diyan sa puso mo. Alam mo kung ano?” ano bang pinagsasabi niya pero interesting huh.

“What?” sagot ko sakanya.

“NagEXPECT ka nag ASSUME ka. Pinaniwalaan mo yung akala mong dapat, alam ko wala pa akong gaanong karanasan sa mga yan pero bilang isa na akong magulang masasabi kong. Ang love ay hindi hinihintay at mas lalong hindi pinaghahandaan, kusa ka nalang tatamaan niyan, magiging TANGA KA! Or worst magiging BALIW KA! Jane bata kappa madami kapang mararanasan at mapagdadaan . Ang tanging maipapayo ko lamang sayo ay ang magpakatotoo ka, wag mong isiping isang fairytale ang lahat. Wag kang gumawa ng sarili mong depenasyon ng LOVE. Love is always been a LOVE lahat ng taong nagmamahal nasasaktan at lahat ng taong nagmamahal ay nagpapakatanga. Siguro ng madaming tanga sa mundo pero hindi mo naman sila masisisi dahil ganun sila tinamaan ng pag-ibig. Jane isipin mo nalang na masarap magmahal, at masayang magmahal wag mong isipin ang sakit, dahil kung pangungunahan ka ng ganyan. Wala kang patutunguhan kundi ang pagiging malungkot.” Yung mukha ko o.o ate ko ba to? Nganga ako sa mga sinabi niya eh.

Sa haba ba naman ng pinagsasabi niya saakin ang naintidihan ko lang ay EXPECT THE UNEXPECTED. Aba’y ewan bahala na si Batman, kung dumating man yang pag-ibig edi bahala siyang umibig. Huli narin ng mapansin kong wala na pala ang ate ko. Anong trip niya? Iniwan ba naman akong nakatunganga.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon