AMKG 44 (Bye Palawan)

611 24 1
                                    

JERON POV:

Yung totoo gusto niyang maging magkaibigan nalang kami? Pareho naming mahal ang isa’t isa kaya malabong maging magkaibigan lang kami. Hindi ko kayang tingnan siya o ituring bilang kaibigan niya, dahil sa loob ko sobrang mahal na mahal ko siya.

Naramdaman ko natahimik siya, siguro tulog na kaya naman pinilit kong ipikit ang aking mga mata.

.

.

.

.

.

.

.

Nagising ako dahil sa tama ng liwag ng araw saaking mata, hayyy! Ang sakit ng ulo ko. Kung tutuusin wala namang kwentang Christmas vacation ito. Kinapa ko ang kung nandyan pa siya sa tabi ko.

PAGHARAP ko ay hindi pa rin siya gising, siguro nga napuyat siya.

Napakaganda niya, napakaaliwalas ng mukha niya, ang mapula niyang labi, ang mahaba niyang pilik mata at ang kanyang napakatangos na ilong. Hindi yan ang dahilan kung bakit ko siya minahal, minahal ko siya dahil iba siya sa lahat. Ibang iba siya, ang ugali niya, ang pananalita niya. Ang kilos niya, at ang pagmamahal na ipinaramdaman niya saakin. Maaring hindi kami panghabang buhay pero lagi siyang nasa puso, nakagulit, nakalarawan, at hinding hindi yun mawawala at walang makakapalit dahil nag iisa lang siya ditto.

Naramdaman kong medyo gumalaw siya kaya nagtulog tulugan nalang ako.

JANE POV:

Nagising akong parang masaya dahil siya ang una kung nakita, napakagwapo niya. Sayang nga lang at hindi na pwedeng maging kami. Hindi ko rin alam kong bakit hindi na pwede, basta ang sabi lang ng puso ko ay tumigil na ako.

Isang lalaking kagaya niya, ang nakapagpabago at nakapagpaniwala saakin sa kung ano anong bagay. Isang lalaking nagbigay saakin ng pagkakataong magbago, maging masaya, at matutong lumaban, siya rin ang dahilan kung kaya’t nagmahal ko. Siya man ang naging dahilan ng isang malaki kong pagsubok sa buhay, siya din naman ang dahilan kong bakit kailangan kong bumangon. Hindi para ipakita sakanyang kaya ko, kundi para ipakita ko sakanya na mahal na mahal ko siya kaya ako lumalaban. Siya ang lalaking pinakamamahal ko, hindi man kami pang hanggang dulo. Atleast man lang naranasan kong mahalin siya at mahalin niya ako.

Matapos man ang lahat saamin, mawala man ang mga nararamdaman naming sa isa’t isa hindi ko parin maitatagong sobra sobra ko siyang minahal, ng walang hinihinging ano mang kapalit.

“Baka matunaw na ako niyan!” agad nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa kayabangan niya, sana lagi nalang siyang tulog.

“Anong tingin mo sa sarili mo yelo?” pambabara ko sakanya, agad naman siyang natawa.

“Hindi naman, yung titig mo kasi saakin parang gusto mo na akong halikan eh.” Pacool niyang paliwanag!

“Tsk! Ikaw hahalikan ko? Ni hindi mo pa nga nagawang magtoothbrush eh! Duh” nandidiri kong sagot sakanya.

“Sige sabi mo eh, basta kong gusto mo akong halikan okay na okay lang saakin.” Paliwanag niya.

Hindi ko na siya pinansin pa dahil bumangon na ako saka lumabas ng pintuan ng padabog!

“Okay ka lang?” tanong saakin ni Rhean, pagbaba ko.

“Mukha ba akong okay? Yung mayabang nay un tsk!” pagmamaktol ko saka tinusok yung hotdog.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon