AMKG 15 (First half)

1.1K 24 2
                                    

JANE POV:

Ano bang nangyayari sakanya? Hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga ikinikilos niya. Napagdesisyunan na naming bumalik ng Manila dahil sa umalis na rin naman si Jeron, wala ni isa saamin ang may alam kung anong nangyayari sakanya.Kaya naman nagdesisyon kaming doon nalang pagusapan kung ano ba talaga ang problema.

“Napansin ko simula nung may natanggap na text si Jeron parang nagiba ang kilos niya” sabi ni Raz na may mukhang nagaalala. TEXT?

“TEXT? As in text messege?” tanong naman ni Rhean na mukhang nagtataka.

“Oo. Kasi nung pagdating niya dito nung isang gabi, bigla nalang nagvibrate yung phone niya tapos nung binasa niya ay parang nag iba ang aura niya” kwento ni Raz saamin.

“Baka naman may problema lang kaya ganun” paliwanag naman ni Ram.

“Kilala ko si Jeron ang problema ay hindi niya dinadala. O baka naman may nangyayari nang hindi natin alam” sagot naman ni Red.

Ano nga ba ang nangyayari sakanya.

“Bakit kaya hindi nalang natin siya sorpresahin? Dun nalang tayo magstop sa bahay nila, nang sa ganun matanong na rin natin siya.” Suggest ni Ram.

“Oo nga!” masaya ko naman sagot.

After 30 minutes.

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay niya, medyo kinakabahan din ako dahil nag away kami bago siya umalis.

“Tara na!” Yaya naman ni Rhean kaya sunod-sunod na kaming naglakad. Nasa umanahan silang lahat samantalang ako nasa pinahuli. Papasok na ako nang bigla akong natigil dahil tumigil din sila sa may pintuan.

“Hindi ba kayo t----“ Sabihin niyong mali tong nakikita ko? Hindi pwede?

“Ano ito? JOKE?” tanong ko habang sila nabigla dahil sa alam nilang nakita namin sila.

Pwede bang magkunwaring wala akong nakikita. I'm just dreaming, can someone tell me. 

“Hindi to JOKE Jane totoo itong nakikita mo!” sabi niya saakin, doon ay mas lalong kumulo ang dugo ko.

“Jeron!!!!!!! Ano to?” tanong sakanya, saka siya pinaghahampas.

“I’m sorry Jane! Aina is my Fiance” doon ay parang dunurog ang puso ko. Bakit ba ganito? Tama na please!

“Jeron kung galit ka saakin pagusapan na natin ito.” Sabi ko sakanya na parang nagmamakaawa.

“Sorry!” sabi niya.

“Can’t you see? Alam mo kasi Jane walang magmamahal sayo. Alam mo kung bakit? Dahil wala kang kwenta at hindi ka karapat-dapat mahalin!” sigaw niya saakin.

"Bakit? Sino kayo para parusahan ako ganito? Hindi niyo ba alam kung anong mararamdaman ko. Lokohan nalang ba ang lahat sa mundo!" tanong ko sakanila pero isa lang ang gusto kung sumagot at siya yun, gusto kung marinig kung bakit at kung paano nangyari.

"Hindi mo ba talaga nagegets? No one loves you! Kahit nga pamilya mo eh!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"*Pak* Ano masaya na kayo? Damn it! Ito ang tatandaan mo Aina, ginalit mo ako ngayon malalaman mo kung sino talaga ako!" banta ko sakanya,pero parang wala lang. Saka ako tumingin kay Jeron "At ikaw! Break na tayo diba? Salamat with pleasure!" Sabi ko saka pinunansan ang luha sa aking mata.

Ito na siguro ang isa sa mga masasakit na nangyari saakin. Hindi ko alam kung paano ko lalagpasan ang mga ito,at kung paano ako magsisimula na wala na siya. Hindi ako galit at yun ang dahilan kaya mas nasasaktan ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,basta ang alam ko ay gusto ko ng ibalik ang dating ako. Ang dating ako na kinamumuhian ng lahat, ang dating ako minamahal ng lahat at ang dating ako naging dahilan para mahalin niya. Ibabalik ko hindi dahil gusto kong bumalik siya,ibabalik ko yun dahil yun lang ang paraan para mawala na ang sakit sa puso ko.

Ayoko ng masaktan. Pagod na pagod na akong masaktan fuck! 











Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon