AMKG 17(Second Half)

1.1K 18 1
                                    

BZZT! BZZT!

Nabalik nalang ako sa realidad ng mag vibrate ang phone ko, agad kung nilabas ito at tiningnan kong sinong nagtext.

From: Jeron Teng

Hi. Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandal lang.

Anong trip nito? Ano bang pag-uusapan naming?

To: Jeron Teng

Tungkol saan ba yan? Hindi ba pwedeng sabihin muna ngayon? Baka kasi hindi importante yan at masayang lang ang oras ko.

From: Jeron Teng

IMPORTANTE LANG KAHIT NGAYON LANG PLEASE NANDITO AKO SA PARK SA LABAS NG VILLAGE NIYO.

To: Jeron Teng

K. Pero hindi ba uso sayo small letter? Puro capslock ah, may galit ka?

Bukod sa bastos na itong lalaking to hindi pa marunong magreply, agad na akong lumabas at kailangan ko pang puntahan ang lalaking yun.

After 5 minutes ay nakarating din ako.

“Ano bang importanteng sasabihin mo? At kailangan mo pa akong paglakadin papunta ditto?” bungad ko agad sakanya.

“Buti nalang pumunta ka” sagot niya na parang ewan.

“Malamang nakakatakot kaya yung ALL CAPSLOCK mong text” pambabara ko saka umupo sa swing. “ So ano na nga?” tanong kong muli sakanya.

“Alam mo Janey namiss kita” sabi nito saka hinawakan ang kamay ko habang nakaluhod.

“O tapos? Wag mong sabihing yan lang ang sasabihin mo saakin? Mygad! Inaaksaya mo lang ang oras ko” sabi ko sakanya saka tinaasan ng kilay.

“Ganyang-ganyan ka din nung una kitang makilala, napakasungit at napakamaldita” pagpapatuloy niya. “Jane pwede ba nating ibalik yung dati? Yung JARON LOVETEAM?” tanong niya na may ngiti sa labi.

“Ibalik ang dati? Wala na yun Jeron, at ibalik ang JARON sino bang gumawa ng loveteam nayon? Ang baduy naman, sabihin mo nga saakin ang CHEAP diba?” sagot ko sakanya.

“Alam mo dati ang saya saya natin, halos para na nga tayong corny eh.” Paliwanag na naman niya saakin.

“DATI! Tapos na yun wag mo ng ibalik pa.” mahinahon kong sagot sakanya saka tumayo.

“Not until nawalan ka ng alaala, lahat ng masasayang bagay lahat ng masasayang pangyayari satin nabura din. Lahat ng kakornihan, lahat ng kabaliwan natin pag magkasama nawala nalang ng parang bula. Mas matatanggap ko pang nawala nalang lahat ng alaala mo kaysa naaalala mo lang ay yung bagay na nakasakit sayo at ako hindi mo man lang matandaan.” Sabi nito saakin.

“Alam mo MR. JERON ALVIN TENG wala akong balak patulan ang mga drama mo, kung naalala mo man lahat ng nangyari noon. Bakit hindi mo itry na magpaaksidente nang wala ka naring maalala tapos wala ka naring problema. At tungkol naman diyan sa feelings mo saakin, itry ko kayang ibaon sa lupa ng mamatay na kung meron mang nangyari noon mas magandang mag moveon nalang at harapin nalang natin yung mga panibagong pwedeng mangyari satin. Magiging masaya ka din, tiwala lang” paliwanag ko sakanya bago ko tuluyan siyang iwan.

Sa totoo lang ang drama niya hindi bagay sakanya, kasi lalaki siya at mas lalong hindi bagay sakanya kasi mukha lang siyang umaarte.

Pagdating ko ng bahay ay agad akong tumaas ng kwarto at chineck ang facebook ko. At doon bumungad saakin ang mga dati ko ng post tungkol sakanya at pati narin ang mga post niya saakin.

Jane Oineza:

Miss him already, @jeronalvinteng :) I love him that’s why I trust him. <3

 

Jane Oineza:

Having fun with my present and future @jeronalvinteng.

Jane Oineza:

Hangout with my BEST BOYFRIEND @jeronalvinteng. <3 <3

Jeron Teng:

Hi bave <3 Iloveyou and you’re my everything. <3 @janeoineza

Jeron Teng:

Ikaw na lang ang magiging misis ko ah <3 Iloveyou Bave.

Jane Oineza:

Your always be my HONEY my LOVE my DESTINY and my FOREVER <3 @jeronalvinteng.

 

Nang mabasa ko ang mga ito ay natatawa nalang ako sa aking sarili, bakit ba ang badoy ko? Tch! Agad ko naman itong denelete kahit madami pa itong LIKES. Pagkatapos kong madelete ang lahat ay nagpost ako ng panibagong status.

Jane Oineza:

I am so CORNY pala at the past :D Yuck! Wala talagang forever lalo na kung sa panahon natin ngayon. Tch!

180LIKES

Jeron Teng: Mayroong FOREVER! Tayo FOREVER tayo diba?

Nababaliw na ba siya, eh anong pakialam ko sa paniniwala niya?

Jane Oineza: Ows? May forever? Tayo nga nagkahiwalay eh, wag kang magpapaniwala diyan.@Jeronalvinteng

Jeron Teng: Wag na tayong ganito. Please bumalik ka na saakin.

Jane Oineza: Aso kaba? Habol ka kasi ng habol ng taong ayaw naman sayo eh. You're getting married right? Bakit hindi mo nalang pagtuonan ng pansin ang FIANCE mo : ) mas magandang gawin yun. Kaysa naman asa ka nga asa kahit wala namang pag-asa : )

Minsan nakakabanas din eh, bakit ba kailangan niyang magcomment or either mag papansin? Isa pa ngang post ng tumigil na ang makulit na ito.

Jane Oineza:

HINDI NA NGA KASI KITA MAALALA! At HINDI NA KITA MAHAL.Wag ka ng UMASA dahil masasaktan ka na nga mapapasama pa ako. Darn! @jeronalvinteng.

Oo alam kung mali ang ginawa ko pero naiirita na kasi talaga ako sa mga ginagawa at sinabi niya. Nagmumukha na kasi siyang tanga tas sa harap ng tao napapahiya at nagiging masama ako. And I hate it so much.










A/N: Bakit ko ba ito sinulat? Ako tuloy yung nasasaktan :( Wala na ba talagang JARON? Corny daw oh :/ Ito na siguro yung pinakanasaktan akong nasulat ko.

Anyways :) Next half will be updated na. Ipapakilala ko na sa inyo si Ariyah :)

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon