AMKG 12

1.4K 26 0
                                    

 

JANE POV:

Maaga akong umalis ng bahay ayaw ko kasing makita yung pag mumukha ng evil sister ko at baka kung ano pang magawa ko sakanya. So ito na nga ngayon sa may garden ng school wala pang masyadong tao siguro kasi nga maaga pa. Hindi ko nalang sinabi kay Jeron ayoko namang maistorbo ang tulog niya.

"Ang aga mo naman ata ngayon?" nagulat nalang ako at napatingin kung sino yung nagsasalita.

"Hey!" bati ko nalang kay Rhean bago tumabi saakin. "Bakit ang aga mo ngayon bes?" balak kong tanong sakanya.

"Wala lang naman, ang boring din kasi sa bahay." paliwanag niya na parang may dinadalang malaking problema.

"May problema ka noh? Spill it out bes, kaibigan mo ako" sabi ko naman saka tinap yung braso niya.

"Bes break na kami ni Jayson" sabi niya sabay hagul-gol.

"What? Akala ko ba wala na kayo nun? Nakipagbalikan ka sakanya?" sunod-sunod kung tanong sakanya.Minsan talaga tanga rin itong bestfriend ko.

"Mahal ko siya bes... " sabi niya saka ako niyakap.

Kung pwede ko lang sanang akinin yung problema niya para hindi ko na siya nakikitang umiiyak ngayon, gagawin ko yun para sa bestfriend ko.

"Makakahanap ka rin ng much better" sabi ko between our hug.

Masakit na makita mo yung bestfriend mo na umiiyak, yung bestfriend mo na nagpapatawa sayo kapag may problema, yung nagbibigay ng advice kung kailangan mo. Yung bestfriend na nandyan pag kailangan mo o kahit hindi mo kailangan. Alam kung nasasaktan siya pero alam ko ring kaya niyang lagpasan ang lahat nang yun dahil alam kong malakas siya.

Pagkatapos niyang umiyak ay nagpasama siya sa comfort room para maayos niya ang mukha niya kahit na may problema siya nagagawa niya paring tumawa.

"Ops!" napatingin nalang kaming dalawa nang may biglang mag salita. "Mukha atang yaya yang kaibigan mo? Mugtong-mugto ang mata, nagmumukha na siyang panda" pang-aasar ni Aina.

"Alam mo Aina wala naman talaga akong balak makipagtalo sayo eh! Kaya kung pwede lang lumayas ka rito. " sabi ni Rhean.

"Bakit kasi hindi ka kayang tulungan ng kaibigan mong malandi?" tanong nito kay Rhean at agad tumingin saakin.

" *pak* " napahawak nalang siya sa pisngi niya dahil sa malakas kung pagsampal. "Unang una walang malandi dito! Malaban nalang siguro sayo. Pangalawa kung may nilandi man ang isa saamin dito atleast gusto din kami at pangatlo anong karapatan mong ipasa saamin ang mga gawain mo?" bara ko sakanya, wala sana akong balak patulan siya kanina eh kaso pinainit niya ang ulo ko.

"Alam mo Jane wag kang magmalinis lahat naman kasi tayo dito malalalandi" sabi niya.

"Tama. Lahat tayo malalandi kaso nga lang yung sayo parang halos cinareer muna." sagot ko naman sakanya. "Alam mo kung ako sayo titigil na ako dahil pag ako napuno sayo, ipapakita ko sayo kung sino at ano na yung bagong Jane. " banta ko sakanya.

"Wow natakot naman ako!" sabi niya na halatang nang-aasar.

"Hindi mo ako kilala, kung BITCH ka MAS SUPER BITCH ako! Wag kang haharang sa dinadaanan ko kung ayaw mong mameet nang maaga si Satanas!" huli kung sabi sakanya, sabay hinila si Rhean palabas ng comfort room.














AINA POV:

"Hindi mo ako kilala, kung BITCH ka MAS SUPER BITCH ako! Wag kang haharang sa dinadaanan ko kung ayaw mong mameet nang maaga si Satanas!" Huli niyang sabi bago umalis sa cr.

Oo nga nagbago na talaga siya pero hindi ako natatakot sa mga banta niya. Kung naging bitch man siya, bitch parin naman ako hanggang ngayon.

"Huwaaat? Tanga kaba Margaret? Kailangan kumalat yan!" sigaw ko sa mga alipores ko.

"Kapag ginawa namin ito, tiyak kami parin ang masisisi." sabi niya.

"Hindi naman malalaman yan eh. Tayo lang ang nakakaalam nito" mahinahon kong paliwanag sa kanila.

"Kahit na! Ni minsan walang kumalaban kay Jane dito. Sorry Aina, we can't do this" sabi niya sabay walk out.

Bakit ba ang tatanga ng mga tao dito sa school na ito, wala lang may lakas nang loob na kalabanin ang Jane na yun. Mygosh! Napakapathetic nila, napapaapi sila sa isang babaeng walang kwenta? Pwes kung sila oo ako hindi, gagawa ako ng paraan para siraan ang Jane na yan.

Hindi ako papayag na hindi siya mapabagsak, madami siyang kasalanan saakin at gagawin ko ang lahat para sirain ang buhay niya.

"Aina!" nabalik ako sa realidad ng marinig kung tawagin ang pangalan ko.

"Hey babe!" agad akong tumakbo upang salubungin si Axel.

"Ano ba talagang problema mo?" tanong niya saakin na may tonong galit.

"Wala. " simple ko lang sagot pero hindi siya nakontento.

"Alam mo Aina lahat ng gusto mo binigay ko na! Kaya kung pwede lang tigilan mo na ang pang gugulo kay Jane!" singhal niya saakin. Okay! Yung babae nanaman na yun.

"Alam mo Axel tumigil kana sa kahibangan mo! Hindi ka na niya mahal kaya wag ka ng umasang babalik pa siya sayo!" sigaw ko din sakanya.

" *PAK* Tutal matagal-tagal narin akong nagdusa mas maganda kung tapusin nalang natin ito. Im sorry Aina pero hindi kita mahal. " sabi niya saka umalis sa aking harapan.

Bakit ba kailangang ako ang magdusa? Bakit kailangang ipamukha saakin ng mundo na wala nang tao ang magmamahal saakin. Lahat nalang kinukuha saakin ng babaeng yan, lahat nalang ng bagay na akin napupunta sakanya. Pagsisisihan niya ang lahat ng ito.










JANE POV:

Ayaw kung nakikitang ganito si Rhean, ayukong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko.

"Ano ba Rhean! Stop na nga please! Madami pang lalaki." sigaw ni Red na halatang kanina pa naririndi sa pagiyak ni Rhean.

"Pakealam ko!" sigaw din ni Rhean sakanya.

"Asan naba kasi si Jeron?" tanong ni Raz saakin.

"Ewan ko nga eh!" sagot ko nalang. Actually kanina pa kami naghihintay, pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Ni hindi nga magreply sa mga text ko eh.

KRING! KRING! (Wag kayong OA tunog yan ng phone :D)

"Hello?" tanong ni Raz doon sa kabilang linya. "What? Amerika?" sino naman kaya ang kausap ng mokong na ito. "Sige ako ng bahalang magpaliwanag" huli niyang sagot bago niya patayin yung phone niya.

"Sino yun?" sabay sabay na tanong namin sa kanya.

"Si JERON" Sagot naman niya.

"Asan na daw siya?" tanong ko sakanya.

"Nasa Amerika siya ngayon" Sagot niya, ay sa AMERIKA la----- What?

"Amerika? Anong ginagawa niya don?" tanong ko kay Raz na medyo napalakas yung boses ko.

"Dinala daw yung Lolo niya doon para mapakita sa magaling na espesyalista "paliwanag naman ni Raz saamin. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Aah.." huli ko nalang na sagot sakanila.

Hindi ko mapigilan hindi magtampo sakanya, bakit hindi nalang niya sinabi saakin. Ano pang halaga kung girlfriend niya kung hindi ko alam ang mga nangyayari sakanya.

Siguro nga biglaan, and as his girlfriend kailangan ko siyang intindihin. 



Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon