JANE POV:
Napakasarap lumanghap ng hangin kapag kasama mo yung mahal mo diba. Kagaya ngayon hindi ko masarap lumanghap kasi hindi ko siya kasama. Nanalo nga kasi sila kaya may victory party ang team nila, niyayaya niya akong sumama. Pero I said no, hindi dahil sa ayaw ko siyang makasama hindi ako sumama dahil gusto kung magawa niya yung gusto niya. Ayoko siyang sakalin sa relasyon namin.
"So I heard boyfriend mo daw yung star player ng school niyo" kung minamalas ka nga naman, ang ganda na sana ng simula ng gabi. Pero dahil may kumausap saakin na IMPAKTA medyo nasira na.
"Oo ano naman pakialam mo?" pahalang kong sagot sakanya. Wag siyang maginarte na parang close kami.
"Mag-ingat ka lang Jane!" sabi nito saakin.
"Wag kang umasta na parang concern ka saakin, don't worry maingat ako. Not like you kung kani-kanino napupunta!" sagot ko sakanya. Sasampalin na sana niya ako pero nahawakan ko ang braso niya."Dont you dare slap me BITCH! Hindi mo ba alam na akong ang reyna ng mga BITCH!"
"Dont you dare call me Bitch! I am not like you!" sagot niya saakin, agad kung binitawan ang braso niya.
"You're right magkaiba tayo! Because I am better than you sister! At kahit kailan hinding-hindi tayo magkakaparehas!" sagot ko saka siya iniwan sa labas ng bahay.
Nanahimik ako tapos, kung ano ano ang sasabihin niya saakin akala mo kung sinong santa, yun pala may tinatagong sekreto.
Agad kung binuksan ang laptop at saka nagumpisang mag facebook. Mga walang kakwenta-kwentang status ang nababasa ko. Pero may isang nakaagaw ng atensyon ko.
Aina Solano- Torres:
I miss @Alexander already ;( Uwi na ikaw baby <3 Miss you.
4LIKES
Tss... para namang may kukuha sa boyfriend niya, kawawa namang wala man lang naglike. Dahil medyo badgirl ako nagpost na rin ako.
Jane Oineza:
Miss him already, @jeronalvinteng :) I love him that's why I trust him. <3
167Likes 12comments
Agad kung binasa yung mga comments.
Ingrid Mendoza: Sweet <3 Reality na yan. Sana magtagal kayo.
Rhean Mendez: Nahawa kana rin @JaneOineza CORNY! But sweet.
John Apostol: Sweet <3 <3
Rosa Rosal: Sweet <3 <3
John Leol: Sweet <3 <3
Rica Apostol: Sweet <3 <3
Bhaby_Kuh: Sweet <3 <3
Samirah Randy: Sweet <3 <3
Charissa Lazo: The best couple
Jaddy Lenin: Kilig Kilig
Aina Solano- Torres: Ang sweet mo naman sa boyfriend mo. Wag kang mag-alala walang aagaw diyan. ;)
Jane Oineza: @AinaSolano-Torres oo naman wala nang aagaw kay Jeron. Depende nalang kung may balak ka ;) Goodluck girl <3
Ano kayang mukha niya ng mabasa yung reply ko sa comment niya. If I know baka umuusok na ang tenga niya sa galit. Pagkatapos kung gumamit ng net ay napadesisyunan kung, matulog nalang. Maaga pa ako gigising bukas.
Maaga akong umalis ng bahay, ayuko kasing makita ang pagmumukha ng IMPAKTA kung ate baka masira lang ang umaga ko.
Bzzzt! Bzzzt!
From: Bave <3
Goodmorning bave <3 Sorry hindi kita natext kagabi, nakatulog na kasi ako :) I love you so much, take a bunch of care my only Bave. See later :*
Text palang niya napapangiti na ako, papaano nalang kaya kapag nakita ko na siya. Hindi na ako nagreply para kunwari galit ako sakanya. Gusto ko lang na lambingin niya ako.
Yuck! What fuck, ano ba itong nangyayari saakin kailan pa ako naging cheesy?
Bzzt! Bzzt! nakangiti ako habang tiningnan yung msg pero nawala yun ng mabasa ko ang walang kwenta messege niya.
From: Unknown number
Hi Jane :) Can we talk? I love you - Axel
To: Unknown number
I'm a busy person Mr. Axel Torres, and as far as I remember you have a girlfriend, at hindi gawain ng matinong boyfriend ang mag I love you sa ibang babae.
From: Unknown number
5 minutes lang please
Hindi na ako nagreply dahil ayukong masira lang ang araw ko, ang pinaka ayaw ko ay yung makulit.
To: Bave <3
I love you too bave <3 see you :* I miss you so much.
Pagkatapos kung isend ay itinago ko na ang cellphone ko sa bag ko. Hindi pa ba sapat na pinayagan ko na siyang magexplain saakin nung nakaraan, ano ba kasing problema niya. Ayokong masira ang relasyon namin ni Jeron dahil lang dito nag-uumpisa palang kami ay ayaw kong matapos ito agad dahil lang sa isang lalaking bumabalik mula sa aking nakaraan.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)