JANE POV:
Taas noo akong naglakad papasok sa campus at lahat ng madaanan ko ay tumatabi para bigyang daan ang kanilang reyna
"Hey!" kabute ata itong lalaking to kung saan-saan sumusulpot. Agad siyang umakbay saakin na akala mo kung close kami.
"Chansing na yan!" pagbibiro ko sakanya.
"Gusto mo naman!" pabiro niya ring sagot habang naglalakad kami.
"Mukha mo!" sagot ko sakanya. This past few days medyo nagiging close narin kami ng mokong na ito.
"Manunuod kaba?" tanong niya saakin, bakit naman kaya niya naitanong.
"I don't know!" pakunwari kung sagot sakanya. If nagbabasa talaga kayo alam niyo na kung anong sagot sa tanong niya.
"Awww!" sabi nito na akala mo parang nasaktan. " Manuod kana kasi ikaw ang energy ko eh!" banat niya, agad naman akong napangiti at parang may butterfly sa tiyan ko.
"Banat? Corny mo rin! Tignan ko!" sagot ko sakanya nang nakangiti pero biglang nawala ang ngiti ko ng makita kong makakasalubong ko sila.
"What's wrong?" tanong ni Jeron saakin na mukhang worried agad kung hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"Sumakay ka lang okay" paliwanag ko sakanya, sabay haplos sa mukha niya.
Nagtama ang mata naming, at nakita kung hindi parin talaga siya nagbabago, siya parin yung dati. Wala akong makitang emosyon sakanyang mukha, habang papalapit kami sa isa't isa.
"Hi Jane!" Bati saakin ni Aina na halatang nang-iinis dahil agad niyang pinulupot ang braso ka braso ni Axel.
"Hi!" sagot ko sabay taas ng kilay.
"Wala kabang balak ipakilala yang kasama mo?" tanong niya muli. Agad kung tingnan siya Jeron ng MAKISAKAY-KALANG na look.
"Wala. Baka kasi agawin mo siya eh" pangaasar ko sakanya, agad naman nandilim ang paningin niya. "Dont be serious Aina i'm just kidding, masanay kana ganito na kasi ako eh!" sabi ko rito saka nginitian. "By the way! This is my Boyfriend Jeron Teng" pagpapakilala ko sakanya " Jeron this is Aina and His boyfriend Axel" agad namang nakipagkamay si Jeron sakanila.
"My BOYFRIEND Alexander David Torres or Axel nice to meet you Jeron!" diniinan pa talaga niya yung boyfriend. Hahaha! As if may mang agaw sa boyfriend niya.
"And Babe! I just want you to know that Axel is my ex BOYFRIEND!" Pangiinis ko rin, marunong ako makipagsabayan kaya hindi ko hahayayang talunin lang ako ng kayaga niyang talunan.
Agad napangiti si Jeron sa sinabi ko mukhang alam na niyang may namamagitang tensyon sa pagitan naming tatlo.
"So why did you break up?" tanong ni Jeron, kung sinuswerte ka nga naman. Agad napatingin si Axel saakin hinihintay siguro kung anong isasagot ko.
"Inagaw kasi siya saakin, ng isang ASONG ULOL!" Sagot ko sakanya, at doon pa lang ay parang halos sasabog na sa galit si Aina.
" Axel wala kabang balak igreet si Jane?" pangiinis ni Aina na halatang bumabawi.
"Hi Jane!" bati niya, napangiti ako agad sa sinabi niya.
"Oh hi Alexander David Torres" bati ko nalang ko rin sakanya. Iaabot sana niya ang kamay niya pero hindi ko yun tinanggap. "Sorry! Hindi na kasi ako basta basta nagpapahawak kung kani-kanino eh, baka kasi mapasahan ako ng GERMS na galing sa IBA" Pang-aasar kong muli. Hahahaa! natatawa talaga ako sa mga mukha nila. Halatang hindi makapaniwala na si Jane ang kaharap nila.
"Sige mauna na kami. " pagpapaalam ko sabay hinila na paalis si Jeron. "May mga mas IMPORTANTE pa kasi kaming bagay na dapat asikasuhin" dagdag ko saka nagsmile.
Agad na kaming umalis ni Jeron.
"Are you okay?" tanong saakin ni Jeron.
"Of course I am" sagot ko nalang at biglang tumahimik.
"If you need someone to talk to i'm just here!" agad akong napangiti sa sinabi niya. Napakacaring niya kaya siguro madaming humahangga sakanya.
"Thanks" sagot sabay yakap. Bakit ganun feeling ko kapag kasama ko siya lagi ako ligtas, ano ba tong nararamdaman ko.
Agad na niya akong hinatid sa class ko, buong umaga ay tahimik ako dahil kasama ko sa iisang classroom ang ex ko. At hindi ako mapalagay dahil kasama ng boyfriend ko ang ex bestfriend ko. Ano ba itong mga naiisip ko masyado nang OA.
AXEL POV:
Nasaktan ko siya, iniwan ko siya, pinagpalit ko siya bakit ko lahat nagawa yun kung alam kong sakanya lang talaga ako sasaya. Minahal ko siya at hanggang ngayon mahal ko parin siya, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sakanya. Ibang iba na siya, yung looks niya at pati pagsasalita niya iba narin.
"Okay ka lang?" tanong saakin ni Manolo, kaibigan ko siya at siya ang kasama namin ni Aina na lumipat dito. "Nakita mo siya ano?" dagdag pa niyang tanong saakin.
"Ibang-iba na siya Bro!Parang hindi na siya yung Jane na kaharap ko kanina. Sa mga salita palang na binitawan niya nakitang kung sobrang laki ng galit niya saamin at mas lalo na saakin. Yung tingin niyang dating nakakatunaw saakin, pati yun nawala na din. Dahil kung tingnan niya ako kanina pa napakalamig niya saakin, punong puno ng galit" sagot ko sakanya.
"Ikaw kasi Bro eh! Dapat sana pinaglaban mo, hindi ka sana sumuko. Alam mo kung ginawa mo yun dati baka hanggang ngayon masaya ka parin, masaya kayo sa piling ng isa't isa" Paliwanag niya saakin.
"Sana nga nagawa ko yun dati para wala akong pinagsisihan ngayon" mahinahon kung sabi sakanya. Namimiss ko na ang dating Jane, gusto kong lumapit sakanya para kausapin man lang siya pero hindi ko man lang magawa kasi natatakot ako.
Natatakot akong tuluyang mawala yung dating Jane dahil lang sa mga kapalpakan ko dati, gusto kung ayusin ang lahat. Kung pwede lang sana bumalik sa nakaraan para naayos ko man lang sana at hindi na umabot dito. I wish I can be her happiness, pero baka malabo ng mangyari yun.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)