JANE POV:
Bakit kaya ang boring boring ngayon? Nandito kasi ako ngayon sa may garden, sa may silong ng puno. Kanina nga ay nakita kong si Sebastian na parang may hinahanap kaya nagtago ako, if I know mangungulit nanaman ang mayabang na yon.
“Hi.” Nabalik ako sa realidad ng may biglang nagsalita nilingon ko kung sino yun.
“Ow! Jeron” yun nalamang ang naisagot ko. So ano naman ang ginagawa niya ditto. “Bakit?” dagdag ko pa.
“Madalas ka dito noh?” tanong niya saakin.
“Oo. Kapag wala akong magawa.” Sagot ko habang minumurder ang mga grass.
“Talaga bang hindi mo na ako maalala?” tanong niya saakin, kaya napatingin nalang ako sakanya.
“Hindi na eh. Siguro hindi talaga meant to be” paliwanag ko sakanya, saka nagbago ang expresyon ng mukha niya. Parang may tumusok na puso ko ng makita ko siyang nalulungkot.
“Buti kapa Jane hindi mo kami naaalala, ni hindi ka nasasaktan. Pero kami nasasaktan kami dahil hindi mo na kami maalala.” Paliwanag naman niya.
“Alam mo Jeron hindi naman kasi lahat ng bagay kailangan mong maalala. May mga bagay din kasing hindi mo na dapat pang alalahanin para hindi kana masaktan” sagot ko naman sakanya, ewan ko kung saan galing yun at kung paano naisagot iyon.
“Jane mahal pa rin kita!” sabi nito habang nakatitig saakin. Doon ay nadama ko ang sinseredad niya. Hindi ako makasagot din parang masaya ako na hindi ko maipaliwanag. “Jane kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataong iparamdam at ipaalala sayo ang mga alaalang nalimutan mo, gagawin ko yun.” Dagdag pa niya, doon ay tuluyang bumuhos ang luha saaking mata.
“Bakit ba kayo ganyan saakin? Bakit niyo ako pinahihirapan? Mahal niyo ako pero bakit ako walang maalala. Bakit hindi ako naging masaya? Pilit ko na kayong pinagtatabuyan pero lapit kayo ng lapit saakin at ipinararamdam niyo saakin na kailangan kong maguilty. “ sunod-sunod kung tanong sakanya.
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at doon ay pinunasan niya ang luhang pumatak saaking mata.
“Hindi bagay sayo ang umiiyak” sabi nito na mayroong ngiti sa kanyang labi. “Wag kang magagalit kong pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo, ito lang ang magagawa ko para maiparamdam sayo ang pagmamahal ko. “ dagdag pa niya. "Kung okay lang mas magandang maging magkaibigan muna tayo." dagdag kung ulit kaya napangiti siya, hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, niyakap ko siya bigla.
Hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang tibok ng puso niya, parang kakaiba parang masaya ako sa nangyayari. Nabalik ako sa realidad at agad kumalas sa pagkakayakap sakanya. Mygad! Nakakahiya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya umalis na lamang ako, at naglakad palayo sakanya. Bakit? Andaming tanong na gusto kong masagot. Ano ba talaga ang meron ako noon?
Pagdating ko ng bahay ay agad akong nahiga saakin kama sa pagkakataong iyon ay bumuhos nanaman ang aking mga luha. Agad ko itong pinunasan at agad akong pumunta sa may cabinet ko, habang nagkakalkal ako ng mga gamit ay may nakita akong maliit na box, ewan ko pero kinuha ko siya at saka umupong muli sa kama. Agad ko itong binuksan at may nakita akong mga larawan…. Hindi lang basta larawan… Larawan na kasama ko si Jeron.
Nakita kong masaya ako dito kitang kita saaking mga ngiti ko. Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. At doon ay may mga nakikita akong alaala… Sa mall isang lalaking masungit at isang babaeng masungit ang nagsasagutin, ngunit hindi ko makita ang kanilang mga mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)