AMKG 39

762 27 3
                                    

JANE POV:

Nabasa ko na yung sulat mo, don’t worry hindi ako galit. Alam mo Jeron natatawa ako sa sarili ko habang ginagawa ko ito messege na ito, naiimagine ko kasi kung gaano ako KATANGA. Alam mo bang hanggang ngayon nasasaktan parin ako, pero sabi mo nga wala ka ng pakialam saakin. Kung alam ko lang na hahantong tayo sa ganito hindi na sana ako nagmahal pa. Anyway, wala na akong magagawa dahil nangyari na kailangan ko nalang sigurong tanggapin na hindi tayo MEANT TO BE na wala tayong HAPPY ENDING. Hindi ko alam kung anong dapat itawag saakin TALUNAN ba o TANGA? Hahaha, nakakatawang isipin na kahit iniwan muna ako at umalis ka ay MAHAL na MAHAL parin kita. Lahat sila actually sinasabing mag MOVE ON na ako, gusto nilang lumaban na ako. Pero AYOKO! Alam mo ba kung bakit? Kasi wala kana, wala na yung mahal ko na karapatdapat ipaglaban. Pero lahat yun nagbago simula nung mabasa ko yung sulat mo. Alam kong alam ikaw din ang dahilan kaya ko binago ang sarili ko, kaya siguro tama din ikaw ang maging dahilan para ibalik ko yung binago ko. Ewan ko kung babalik ka pa, at kung babalik ka man hindi ko alam kong kailan. Gusto kong maghintay pero pinipilit kong WAG NALANG! Dahil ikaw na mismo ang nagsabi saakin na HINDI MO NA ALAM KONG MAHAL MO PA AKO. Masakit, mahirap pero kailangang TANGGAPIN na kahit na nasaktan man kita o nasaktan mo man ako. Atleast diba naging MASAYA tayong dalawa sa piling ng isa’t isa.

So I think ito narin ang daan para sabihin ko sayong PINALAYA na din kita dito sa PUSO ko, pasensya kana kong hindi ko nasabi sayo ng harapan ah. Hindi kasi ako naging kasing lakas mo nung mga panahong ipinagtatabuyan muna ako. I’m very very sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo, umaasa ako na balang araw KAYA NA KITANG TINGNAN SA MATA NG WALA NA AKONG SAKIT NA NARARAMDAMAN, UMAASA DIN AKO NG PAGDUMATING NA YUNG PANAHON NA YUN. ALAM KO NA SA SARILI KO NA HINDI NA IKAW YUNG TINITIBOK NG PUSO KO.

Salamat sa mga memories I promise makikita mo din akong OKAY.

                                       -Jane Elizabeth Oineza.

Ito yung note na sinned ko sakanya sa FB account niya, isinulat ko ito sa notebook ko para lagi kung nababasa. Matagal din akong naghintay sa isasagot niya pero nabigo ako, at yung puso ko nalang ang kusang napagod. Sa ngayon, hindi ko pa napaninindigan ang ibang nakalahad diyan, siguro hindi pa naman ganun katagal simula ng mangyari ang mga bagay-bagay saamin.

Pero kada nakikita ko siya, nakikita ko ang picture bumabalik saakin yung mga masasayang bagay na nangyari saamin, at kasabay ng pagsayang yun ay ang pagpatak ng luha ko. Dahil sa kabila ng mga nangyari ay nandito parin siya sa puso.

Sa pagpatak ng luha ko ay isa lang ang mensaheng hatid nito ito ay ang katagang “HANGGANG NGAYON NASASAKTAN PARIN AKO DAHIL MAHAL KO PARIN SIYA” alam kong hindi na tama ang nararamdaman ko pero hindi ko maiwasang hindi maalala yung mga panahanong MASAYA KAMING NAGMAMAHALAN.

AUTHOR’S POV:

Hi. Buti nalang may POV din ako :) Anyway kailangang ako muna ang magtake over ng pagiging bida dito. Hahaha! Char <3

Hapon na pero kitang kita sa mata ni Jane ang pagkalungkot dahil sa pagdating ng isang lalaking minahal niya na bigla nalang nawala sa buhay niya. Nasa kalagitnaan niya siya ng pagiisip ng may lumapit sakanya isang estudyante.

“Hi. “ bati nito sakanya, hindi ito pinansin ni Jane tinuloy niya lang ang pag-iisip.

Alam kong malungkot ka, pero hindi naman sapat na hindi mo pansinin ang mga tao sa paligid mo dahil lang sa sakit nandyan sa puso mo.” Sabi ng dalaga. Agad napatangin si Jane pero biglang nawala ang dalaga.

At sa isang iglap ay nagising nalang siya. Nakatulog siya sa sobrang pag-iisip at hindi niya akalaing may makakapagsabi sakanya ng ganun.

“Okay ka lang.” tanong sakanya ni Ram na katabi niya ngayon sa isang upuan.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon