AMKG 36 (MarJane)

661 19 0
                                    

A/N: Sana walang magalit saakin </3 feeling ko kasi baka magalit kayo. Pero basta! Kailangan niyo itong tanggapin.

RAM POV:

Matagal na din simula ng ilihim ko ang tungkol sa aking malaking sekreto. Ngayon narin siguro yung tamang panahon para malaman niyo ang lahat-lahat. Since highschool nakikita ko si Jane, nung mga panahong yun napakamahiyain niya parin. Madami ding humahanga sakanya ng palihim, ayaw nilang ipaalam sakanya. Dahil masyadong malalayo ang mga agwat nila sa buhay. Isang simple, mabait, at matalinong babae. Yan din siguro ang dahilan kung kaya't minahal ko siya ng palihim. 

Oo matagal nang panahon ng mahalin ko siya at hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Nasasaktan ako tuwing makikitang nasasaktan siya dahil kay Jeron. 

Balak ko na sana siyang ligawan noon highschool kami. Pero medyo natorpe ako kaya naunahan ako ni Axel. Gustong-gusto kong sirain ang relasyon nila para mapansin ako ni Jane pero hindi ko ginawa yun dahil nakita kung masaya ang babaeng mahal ko. Kahit pa nasasaktan ako, basta't makita ko lang siyang masaya okay na ako doon. Pero nung nagbreak sila, nabigyan ako ng pagkakataong sabihin kay Jane ang lahat. 

Isang araw pumasok na siya ng school, doon ko na sana balak sabihin sakanya. Pero maging ako nabigla, ibang-iba na siya. Hindi na siya yung simpe, yung mabait, nagiba ang pananamit, pagsasalita, at pati ang pagtrato niya sa mga tao sa paligid niya. Ni hindi ko magawalang lumapit sakanya, dahil lagi siyang nagmamaldita at sinasabing wala siyang oras saakin. Sa pangalawang napagkakataon nawala nanaman siya saakin.

Nung nasa colloge na kami, napagdesisyonan kong sabihin na sakanya kahit pa hindi niya ako gusto. Pero nung malaman ko kay Red na nagkakamabutihan si Jeron at Jane, bigla akong nawalan ng lakas ng loob. Hindi ako natatakot kay Jane, natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin ni Jeron dahil lang sa mahal ko si Jane.

Lumipas ang madami pang araw at nalaman ko nalang na naging sila na, ipinangako ko sa sarili ko na maging masaya lang si Jane titigil na ako sa pagmamahal ko sakanya. Pero kahit anong gawin lagi nalang bumabalik ako sa panahong minahal ko siya at hanggang ngayon  mahal na mahal ko parin siya. Ayokong tumigil pero ayoko din naman magpakaduwag, kahit na alam kong hindi niya ako mahal. 

At ngayong alam kong nasasaktan siya ng dahil kay Jeron, gusto kong ako naman ang mabigyan ng pagkakataong ako ang dahilan ng mga ngiti sa kanyang labi. Gusto kong maging masaya siya, hindi dahil pinapasaya ko siya bilang kaibigan. Gusto kong maging masaya siya dahil naipaparamdam ko sakanya na mahal ko siya.

.

.

.

.

.

.

Kaya ito ako ngayon sa tabi niya, mabuti nalang talaga at wala ngayon sila Rhean.

"Alam mo Ms. Sungit wag kang parating nakasimangot, ang ganda mo pa naman." pang-iinis ko, pero hindi ako nagkamali ng sinabi dahil nakita ko siyang ngumiti.

"Alam mo Ram naging corny at bolero ka narin kagaya ni Red." sagot naman niya.

"Jane wala kang klase diba?" tanong ko sakanya.

"Wala bakit?" tanong naman niya.

"Tara! Samahan mo ako ah!" pang-aaya ko sakanya.

Gusto kong manuod ngayon ng sine kaya niyaya ko siya ito narin ang time namin para magbonding sa isa't isa.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong nito.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon