A/N: HEY! Sorry kung late ang update :) Babawi ako basta bawi din kayo. :)
JANE POV:
"Ang saya niyo naman! Anong namiss ko? ” lahat kami ay nabalot ng katahimikan.
Parang sa isang iglap nawala ang mga ngiti sa aming labi at napalitan ng iba’t ibang pakiramdam, alam kong hindi malabong mangyari ito. Pero ang di ko inaasahan na sa muli niya pagbabalik ay nakaramdam akong muli ng isang kirot mula sa aking puso. Kirot na kung iisipin ay sakit, pero hindi lang siya basta sakit dahil alam ko sa sarili ko na sa mga oras na ito ay gusto ng tumulo ng aking mga luha.
“Oh! Bro! Your back!” pambabasag ni Red sa katahimikan. “Kailan pa?” dagdag pa niyang muli saka isa-isa na silang naglapitan para yakapin siya, malaban nalang saakin.
“Yes I am back. Actually kararating ko lang.” sagot naman niya. Agad naman siyang napatingin saakin kaya ako nalang ang umiwas ng tingin.
“So hanggang kailan ka dito?” lahat kami nabigla sa tanong ni Ram.
“Kakarating ko lang Bro pinapaalis muna agad ako! Hahaha. Dito na ako for good, and kaya lang naman ako umalis for vacation” sagot niya.
Agad naman silang nagbalikan sa mga pwesto nila kanina.
“Kumusta naman dito? Mukhang ang saya saya niyo ah!” sabi nito habang nakangiti.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya titigan dahil ang laki na ng pinagbago niya, ibang iba na siya physically medyo tumaba pero mas bagay sakanya.
“Ito kasing si Ram for the first time nanlibre!” paliwanag ni Raz saka sila nagtawanan.
“Baka naman inlove siya! Teka sino naman ang lucky girl!” tanong niya, kaya agad nanaman kaming natahimik.
“Si Jane.” Sagot ni Rhean.
Biglang nag-iba ang expression ng kanyang mukha pero alam kong hindi niya ito pinapahalata.
“Bakit Ram gusto mo ba si Jane?” halos maubo ako doon sa tanong niya.
“Bakit ba akong ang topic dito!” sagot ko nalang.
“Ikaw naman Jane hindi kana mabiro!” paliwanag niya.
“Hindi kasi nakakatawa yang biro mo! At hindi magandang tanong yang lumalabas sa bibig mo!” direstahan kong paliwanag sakanya. Halos hindi na tuloy makapagreact ang mga kasama namin.
“Chill! Kararating ko lang tapos ganyan kana ka harsh saakin. Ni welcome back nga wala eh” sabi nito habang nakangisi. Nagbago nga siya pero yung kayabangan niya mas lalong nadagdagan.
“Kaya nga eh! Kararating mo lang tapos ang dami mo ng tanong. Sorry nga pala kong hindi kita mawelcome back, ayoko kasing makipagplastikan sa mga kagaya mo.” Paliwanag ko. “By the way may klase pa kasi ako. Una na ako!” dagdag ko pero nagstop akong muli at tumingin kay Rhean. “By the way Rhean sumabay kana saakin, iwanan mo muna ang magbabarkada!” dagdag kong muli, tumayo naman si Rhean saka sabay na kaming naglakad.
Nang medyo nakalayo na kami ay biglang nagsalita si Rhean.
“BITTER?” tanong niya habang nakangisi.
“Hindi ah! Bakit naman” sagot ko.
“Kasi minahal mo siya pero sinaktan ka niya.” Sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)