JANE POV:
Pagkatapos ng usapan namin ay bigla nalang umihip ang masamang hangin. Bigla kasing nag iba ang aura ni Jeron ng makita niya si Axel.
"Ano bang ginagawa niyan dito?" tanong saka tinapunan ng masamang tingin si Axel.
"His my friend, and okay na naman kami eh. I hope na maging okay na din kayo" paliwanag ko sakanya saka nag smile.
"If you want me to stay, paalisin mo siya" sabi nito na medyo ikinabigla ko,agad agad siyang tumayo at iniwan ako. The HELL! Anong problema niya.
Agad din akong tumayo,hindi upang sundan siya kundi para puntahan si Axel.
"Gusto kung maging masaya ka” sabi ni Axel saakin bago umalis dito sa Palawan. Alam kong medyo awkward na magsama sila ni Jeron dito sa resthouse kaya siya na mismo ang nagpresintang umalis.
“Jane gusto kong maging masaya ka kaya ipapaubaya na kita sakanya, pero sa oras na umiyak pangako babalik ako at babawiin kita.” Dagdag pa niya, siguro kung mahal ko pa itong lalaking ito baka nagtatalon na ako sa kilig.
“Salamat at naiintindihan mo ako Axel” sagot ko nalang sakanya.
“Bye” paalam niya saka ako niyakap.
Pagkaalis na pagkaalis niya ay tumalikod na rin ako, tataas na sana ako upang makapagpahinga ngunit agad bumungad saakin ang pinakamamahal kong lalaki.
“Anong sabi niya?” tanong nito na mukhang galit. Seloso naman niya.
“Wala umalis na nga eh” sagot ko na kunwari’y galit din sakanya.
“Bakit parang malungkot ka pa at umalis siya?” tanong nito kaya napataas ang kilay ko at kumulo ang dugo ko. Ano bang problema niya.
“Pwede ba Jeron umalis na nga yung tao eh. At hindi ako malungkot kaya wag ka ngang praning” paliwanag ko sakanya, agad siyang umupo dun sa sofa at halatang hindi sang-ayon dun sa sinabi ko.
“Baka naman mahal mo na siya ulit? Nawala lang ako Jane!” sigaw niya saakin.
“Ayoko ng away Jeron! Stop it!” sagot ko sakanya, sa totoo lang parang nag-iba siya since bumalik siya.
“Ayaw mo ng away? O baka naman umiiwas ka lang?Common Jane sabihin mo na para hindi ako nagmumukhang tanga!” sigaw niya saakin kaya medyo na bigla na ako. Bakit ba siya ganito? NapakaBIPOLAR niya parang kanina ang sweet niya pa eh.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi ko na siya mahal” paliwanag ko sakanya.
“Hindi mo na siya mahal? Niloloko mo ba ako? Umalis lang ako tapos pag balik ko madadatnan ko kayong magkasama? Now Jane anong gusto mong isipin ko?Na ang girlfriend ko nilalandi ang EX niya?” biglang nagpintig ang tenga ko
“*PAK*” kaya ang resulta ay nasampal ko siya. “How dare you! Umalis ka nga Pilipinas pero wala kang narinig saakin. Ni paalam o salita hindi mo sinabi saakin, tapos nung bumalik na tinanggap kita agad. I am really excited to see you Jeron kahit pa malaki ang tampo ko sayo. Kanina nung dumating ka ang saya ko nga eh, tapos nung nakapagusap tayo para akong batang gustong magtatalon sa tuwa. Okay pa naman tayo kanina diba? And tell me anong nangyari?. Because of AXEL nga ba talaga kaya ka nagkakaganyan? Jeron wala akong nilalandi! At hindi ako MALANDI wala ni sino man ang may karapatang sabihin saakin ang salitang yan, kahit ikaw pa! You're just my boyfriend! Kung may problema ka sabihin mo! Hindi yung sinasabihan mo ang nang mga bagay na hindi ko naman ginawa. Ngayon kong nagsasawa kana saakin, my door is open you can leave walang pipigil sayo” sabi ko sakanya, na walang luhang pumapatak sa mata ko. Agad ko siyang tinalikuran.
“Im sorry Jane” bulong niya na akala niya siguro ay hindi ko narinig.
Akala ko naman matagal pang mangyayari ito at makakapaghanda pa ako pero sabi nga nila EXPECT THE UNEXPECTED. Masyado nang masakit ang salitang MALANDI lalo na’t sakanya pa mismo nanggaling. Agad akong huminga nang malalim at dun bumuhos ang luha saaking mata. At sa pagdaan ng oras ay hindi ko na pala namalayang nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)