AMKG 5

2K 46 1
                                    

JANE POV:

The game went well to be honest. I'm enjoying it already, dahil bukod sa dami ng naiinis saakin mas dumami ang mas gustong makilala ako, and the fact na may loveteam na nabuo dahil sa "pagmamahalan kuno" namin ni Jeron. It's funny, because this is not what I expected akala ko madami ang maiinis at walang magkakagusto. But then expect the unexpected.

"Ops! Dadaan ang Bitch!" pagpaparinig saakin ni Meg kasama ang mga aliporis niya mga walang mukha. 

"Ops! Tumabi ang mga pangit at baka mabangga ng MAGANDA!" Pang-aasar ko din sakanila. Kilalang kilala ko na yang si Meg ang galing mangasar pero ubod ng PIKON naman.

"Kailan pa naging maganda ang BITCH!" Sabat naman nung mukhang aswang niyang kasama. Hinarangan nila ako kaya hindi na ako makadiresto.

"Ngayon! Hindi mo ba nakikita? You can call me BITCH but I am beautiful than you! Ikaw at kayo. You are all UGLY kaya wala kayong karapatan na maging BITCH! Got it!" sagot sabay taas ng Kilay. Akala mo kung sinong magaganda.

"Hindi kaba nahihiya? Hindi kayo bagay ni Jeron isang babaeng kagaya mo? Bulag na ata si Jeron!" pang-iinis nanaman ni Meg saakin.

"Bakit naman ako mahihiya? Sa ganda kung to na wala sayo?  Edi sana sinabi mo yan kay Jeron ng ikaw ang niligawan niya. But wait parang malabo naman atang magkagusto si Jeron sayo, kung hindi kasi kami bagay MAS hindi kayo bagay. Wanna know why? Isang PRINSIPE at isang basura! Kahit kailan hindi bumagay ang Prinsipe sa isang Basurang kagaya mo!" lintanya ko sakanya, mukhang wala na siya maisagot. 

"Kaya ka naman pala iniwan ni TORRES eh! Ang sama ng ugali mo!" sagot niya saakin. biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko ng marinig ko ang word na yun.

"Hindi niya ako iniwan, tinaboy ko lang siya! At oo masama ang ugali ko eh ikaw? Masama na nga ang ugali mo, amoy ng hininga mo pati ba naman mukha mo! Wow teh inangkin munang lahat huh!" sagot kung muli sakanya.

Hindi na siya muli pang nakapagsalita kaya umalis na rin ako, anong akala  niya nabanggit niya lang ang pangalan na yun maaapektuhan na ako! Past ko na siya, at ang PAST ay kinakalimutan na. PESTENG BABAE!

"BADMOOD?" Pinaglihi ata itong lalaking to sa kabute kung saan saan nalang sumusulpot. 

"OO! Dahil sayo!" sagot agad sabay irap sakanya.

"Ang ganda mo pag nagtataray ka!" Sagot niya saakin. Eversince maganda na talaga ako!

"Eh ikaw? Nakakabwesit ka kapag nangiinis ka!" Pambarara ka naman sakanya saka nag patuloy maglakad.

"Ano bang problema mo?" tanong niya saakin. Wow CONCERN!

"Ano bang pakealam mo?" tanong ko rin sakanya with matching taas pa ng kilay.

"Ikaw na nga tinatanong ikaw pa ang galit" paliwanag niya na halata namang nang iinis.

"Wala kang pake sa problema ko OKAY! You're not even one of my friends para pag sabihan ko ng mga problema ko kaya pwede ba!" Sagot ko sakanya.

"Im sorry!" Huli niyang sagot bago niya ako iwan.

Oo alam kong masakit ako magsalita pero totoo naman lahat ng sinabi ko eh, hindi ko siya kaano-ano kaya wala siyang karapatang alamin ang mga bagay na pinoproblema ko. At isa pa isa rin naman siya sa mga problema ko. 

Pagkatapos ng nangyari ay agad na akong naglakad pero hindi para tumuloy sa klase ko, mas pinili kung dumiresto nalang muna sa garden para mag isip isip. Kailangan ko ng lugar, yung lugar na walang masyadong tao, yung lugar na pwede kung ilabas kung sino at ano talaga ako.

Pagkarating ko ay agad akong umupo sa silong ng puno, tama ako dahil walang masyadong tao ngayon dito. Kapag nandito ako sa punong ito madami akong naaalala, naaalala ko kung sino ba ako dati at kung anong nangyari saakin kaya't bigla akong naging ganito.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon