AMKG 23.1

911 32 0
                                    

JANE POV:

Now I know kung bakit feeling ko pumapayat ako XD nandito kasi ako ngayon sa harap ng salamin at isa lang nakikita ko at napansin ko. Na kahit kagigising ko lang ay maganda parin ako (Hahaha) actually hindi talaga yun ang napansin ko, I figured out na medyo pumayat ako because my chubby face has gone :( 

May pasok ako ngayon pero mamayang 10 pa yun, 8 palang at madami pa akong time. Una kung ginawa ay ang maligo at pagkatapos ay magaayos ako ngayon, matagal-tagal narin nung huli akong mag-ayos. Alam kung kahit hindi ako mag-ayos maganda pa din naman ako (Hahaha ulit). Mabilis din naman akong natapos, pagkatapos ay umalis na din ako ng bahay.

AFTER 30 MINS.

Naglalakad na ako ngayon papasok ng gate, nakita palang nila ako ay andami ng nagbulungan, BULONG na rinig ko. Wala naman akong balak sawayin, o sungitan sila dahil maganda masyado ang araw ko para lang ipasira sa mga katulad nila. 

"Jane!" napalingon ako dun sa tumawag saakin, at nakita ko si Rhean with a big smile na kasama ang 4 na unggoy. Agad akong lumapit sakanila. 

"Tititigan niyo nalang ba ako?" tanong ko dun sa apat na halos hindi na makapgsalita, agad naman silang nagtawanan.

"Anong meron?" tanong saakin ni Rhean pagkaumpo ko palang sa tabi niya.

"Wala." simple kung sagot sakanya. 

"Baka naman nagpapaganda" pang-aasar naman ni Ren. 

"Ako magpapaganda? Kanino naman? And hindi ko kailangang magpaganda dahil maganda na talaga ako" chill kung sagot sakanila. 

"Jeron ano okay ba?" nakakalokong tanong ni Raz sa kanyang kaibigan. Tinapunan lang ni Jeron ito ng masamang tingin saka nagpatuloy sa pagtitig saakin. 

"Alam niyo tumigil nga kayo! nakikita niyong inienjoy ni Jeron ang view eh" pang-aasar din ni Rhean. 

"Kayo kaya ang tumigil! Wala namang ginagawa si Jeron eh!" pagtatanggol ko naman sakanya. "At ikaw naman Jeron tumigil kana sa kakatitig mo saakin at baka matunaw na ako" dagdag ko pa sakanya.

"Alam niyo mukhang magiging masaya ang Aquintance party natin next week" paliwanag ni Red saamin.

"Kung bakit kasi naimbento pa ang event na yan!" sagot ko agad saka sumimangot. "Kung hindi sana nangialam ang isa diyan edi sana wala akong pinoproblema ngayon!" parinig ko naman sakanya. 

"Dapat nga magpasalamat kapa eh!" sagot naman niya, agad akong napatayo dun.

"What do you mean? na magthathank you  ako sayo? In your dreams!" sagot ko sakanya saka umupo ulit. 

"Alam mo Jane kung hindi ko ginawa yun edi sana pinagtatawanan ka nanaman nila Aina!" paliwanag din niya.

"PINAGTATAWANAN NG FIANCE MO! Palibhasa hindi mo macontrol yang FIANCE MO!" Sagot ko sakanya, at talaga diniinan ko pa yung Fiance.

"Hindi ko na FIANCE yun noh!" pasigaw naman niyang sagot saakin. "Dahil umpisa palang ay may mahal na ako iba" dagdag pa niya. 

"Hindi mo kailangang sumigaw! At kawawa naman yang mahal mo at may nagmamahal sakanya na mayabang na katulad mo!" sigaw ko din sakanya.

"So kawawa ka?" ako ka----- anong sabi niya, hindi ako makapagsalita at sa isang iglap ay napatahimik niya ako. 

"Ops! May kasama kaya kayo!" singit naman ni Red. "Ano Jane may isasagot ka ba dun sa banat ng kaibigan namin?" dagdag niya na halatang nangaasar.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon