Chapter 1: Her Best Friend

2.5K 42 3
                                    

NO ONE POV

Kasalukuyang nasa kagubatan ang isang dalaga kasama ang kanyang ama upang mangaso. Dala-dala ng dalaga ang kaniyang busog at mga palaso samantalang ang kaniyang ama'y dala ang isang may kalakihang maleta kung saan nakalagay ang mga pa-unang lunas.

Habang naglalakad sila sa gitna ng kagubatan, may nakita ang dalaga na isang usa hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Ang usa ay nanginginain sa mga damo na naroroon.

Tumigil sila sa paglalakad at inihanda ng dalaga ang kaniyang busog bago kumuha ng isang palaso sa lagayan nito. Itinapat ng dalaga ang kanyang pana sa usa at pinatamaan ito sa bandang paanan. Tinamaan naman ang usa sa kaniyang paa na naging dahilan upang matumba siya sa lupa at hindi na nakatakbo pa.

Nang makita ng dalaga na natumba ang usa, agad niya itong nilapitan at tumingin sa kanyang likuran kung saan nakita niya ang kaniyang ama na papalapit din sa usa. Bakas sa mukha ng dalaga pati na sa ama nito ang kasiyahan sapagkat ngbubunga na ang kanilang buwanang pagsasanay.

"Ama! Tingnan mo, nakahuli po ako ng usa!" Ani ng dalaga sa kaniyang ama kasalukuyan ng nasa kanyang tabi.

Pagtapos ngumiti ng ama nito ay nilapitan naman niya ang usa na kasalukuyang natumba sa lupa dahil sa sugat nito sa paa. Inilapag niya ang kanyang maleta sa lupa at binuksan ito. Kinuha niya mula roon ang mga kagamitan na kakailanganin niya sa panggagamot sa usa bago tinanggal ang palaso sa paa nito.

Pagtapos matanggal ng palaso sa paa nito, agad na nilinisan ng kaniyang ama ang sugat ng usa bago ito nilagyan ng lunas at pina-ikutan ng malinis na tela upang hindi mapasukan ng dumi ang sugat nito. Ibinalik na ng kaniyang ama ang mga pinaggamitan nito sa pag-gamot sa usa sa kanyang maleta at saka isinara ito bago muling humarap sa dalaga.

"Tapos ko ng lunasan ang paa ng usa. Tama na muna ang pangangaso dahil oras na upang ikaw ay pumasok sa paaralan." Ani ng ama ng dalaga na may ngiti sa mga labi nang makatayo na ito ng tuwid at hawak na nito sa kaniyang kanang kamay ang kaniyang maleta.

Tumango lamang ang dalaga at saka ngumiti pabalik sa kanyang ama bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Nilagay ng ama ang kaniyang kaliwang braso sa ibabaw ng balikat ng dalaga at saka nagsimulang naglakad pabalik sa kanilang munting tahanan.

Nang makarating sa kanilang tahanan ay agad na nagtungo ang dalaga sa kaniyang silid sa ikalawang palapag upang ihanda ang mga kagamitan na kailangan niyang dalhin sa paaralan. Nang matapos maghanda ng mga kagamitan, nagpalit siya ng kanyang kasuotan at isinuot ang kaniyang pamasok na kasuotan bago bumaba muli sa unang palabag upang hanapin ang kaniyang ama.

Hindi nagtagal ay nakita niya ang kaniyang ama na naka-upo sa harapan ng hapag-kainan habang nagbabasa ng pahayagan at umiinom ng mainit na kape. Lumapit ang dalaga sa kanyang ama at sinabi, "Ama, kailangan ko ng umalis dahil malapit nang magsimula ang klase sa loob ng kalahating oras."

Ibinaba ng kaniyang ama ang binabasa nitong pahayagan sa ibabaw ng hapag-kainan at sinabing, "Sige na anak, mag-ingat ka sa paglalakad at lagi mong gawin ang lahat ng iyong maka-kaya."

Tumango lamang ang dalaga bago nagsimulang maglakad palabas ng kanilang tahanan. Makalipas ang ilang minuto ay dumating siya sa paaralan na kaniyang pinapasukan. Ang pangalan ng paaralang ito ay Trinchera University o mas kilala sa tawag na T.U.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa pasilyo patungo sa punong bulwagan ng paaralan dahil may mahalagang sasabihin ang punong-guro ng naturang paaralan. Head Master ang tawag nila sa kanya sa halip na punong-guro.

Ang dalagang ito ay si Alunsina Fabon. Siya ay may kayumangging kulay na balat at may kulay tsokolate na mga mata. Ang kanyang buhok naman ay kulay itim na sing-itim ng kadiliman sa gabi na may pagka-kulot. Ang hugis ng kanyang katawan ay katamtaman lamang sa katulad niyang may sakto lamang na taas.

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon