Joshel Frederick POV
Dahil sa iniulat ni Binibining Cassiopeia ay agad kaming nag-teleport ni Mione ko sa kanyang silid.
Ginamit ko ang aking kakayahan na Telepathy upang maka-usap ko ang kapatid kong si Paula upang kausapin siya sa kanyang isipan.
"Paula..." - Bungad kong ani sa kanyang isipan
"Ano iyon, Kuya?" - Tanong niya
"Kailangan mo nang pamunuan ang ating mga punong kawal at pulungin mo sila sa punong bulwagan upang pagpulungan ang tungkol sa iniulat ni Binibining Cassiopeia." - Wala ng paligiy-ligoy kong sabi
"Masusunod, Kapatid kong Hari." - Ani niya
Matapos kong kausapin si Paula sa kanyang isipan ay humarap ako kay Mione ko upang kausapin siya ng masinsinan.
"Mione ko, kailangan mo ng magsanay at sumama kay Binibining Cassiopeia. Sapagkat lulusob ang ating mga kalaban sa inyong Kaharian, pati na rin dito sa Kaharian ko." - Ani ko sa kanya at umiwas ng tingin dahil nagsisimula na naman tumakas ang mga butil ng luha sa aking mga mata
Umalis ako sa kanyang harapan at kinuha ko ang kanyang mga bagahe. Inilagay ko ang iba pa niyang mga gamit doon sa bagahe niya. Nilagyan ko rin ito ng salamangka upang hindi mabuksan ng sino man liban na lamang sa kanya.
Pasimple kong pinunasan ang mga luhang tumakas mula sa aking mga mata at humarap muli sa kanya.
"Mahal ko, nakakalungkot man isipin na kailangan nating maghiwalay ngunit kailangan. Sapagkat kailangan mo ng matutunang palabasin at kontrolin ang iyong mga kakayahan." - Dagdag ko pang ani sa kanya
"Tama ka, Joshrick este Haring Joshel. Kailangan ko na ngang magsanay at matutunang palabasin at kontrolin ang aking mga kakayahan dahil tungkulin kong iligtas ang ating mundo, pati na rin ang kabilang mundo." - Ani niyang seryoso at mababakas sa kanyang mukha na siya'y desidido
Binuhat ko na ang kanyang bagahe at hinawakan ang kanyang kamay. Nag-teleport kami pabalik sa hardin dahil batid ko na nasa hardin pa si Binibining Cassiopeia.
Pagdating namin doon sa hardin ay nakita namin si Binibining Cassiopeia na nagninilay-nilay habang nakalutang sa hangin.
"Narito na ang mga gamit ng Itinakdang Prinsesa at handa na siya upang sumama sa 'yo." - Seryoso kong sabi kay Binibining Cassiopeia na dahilan ng pagdilat ng kanyang mga mata
Inilapag ko ang bagahe ni Mione Ko at sakto naman na nakatapak na siya sa lupa.
"May nais ka pa bang sabihin sa Itinakdang Prinsesa bago pa namin lisanin ang iyong kaharian?" - Tanong sa akin ni Binibining Cassiopeia
"Sabihin mo na dahil tiyak akong matatagalan na naman bago ang muli ninyong pagkikita." - Ani niya makalipas ang ilang segundong katahimikan
"Mayroon nga." - Tugon ko sa kaninang tanong sa akin ni Binibining Cassiopeia at humarap sa aking mahal
"Mahal ko, alagaan mong mabuti ang iyong sarili at huwag na huwag kang magpapagutom kung saan ka man dalhin ni Cassiopeia." - Panimula ko sa mga nais kong ipabatid sa kanya
"Bilisan mo ang iyong pagkatuto at pagsasanay ng sa ganoon ay makabalik ka agad sa aking piling." - Ani ko na pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha at paggaralgal ng aking tinig
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...