Hermione Athena POV
Paglabas namin sa loob ng portal ay nagulat ako sa aking mga nasasaksihan.
Kamangha-mangha ang lugar na ito sapagkat tila napunta ako sa gubat kung saan yumukod ang mahiwagang puting usa sa harap ni "Snow White".
Hindi mo na nanaisin pang umalis dito kapag napunta ka dahil sa sobrang ganda at hiwaga nito. Nabalik ako sa aking sarili ng magsalita si Ama.
"Ipagpaumanhin mo ang aking paggambala sa iyong pagkamangha, Anak. Nais ko lamang sabihin na tayo ay nasa mundo na ng mga Immortal." - Pagpapa-alam ni Ama na hindi ko binigyang pansin
May maliliit na taong may pakpak na lumilipad, may nakita rin akong nilalang na kalahating lawin at liyon. Tila ba nasa mundo ako nila "Harry Potter" at "Snow White" dahil sa aking mga nasaksihan ngayon na sa pelikula ko lamang nila nakita.
Natigil akong pagmasdan ang paligid noong hinawakan ni Ginoong Trinchera ang aking kamay at bigla na lamang kami napunta sa lugar na tila ba kami ay nasa taong 1892.
"Narito tayo sa aking kaharian sapagkat may nais akong ipakilala sa iyo na tiyak akong ikakagulat at ikatutuwa mo." - Ani niyang may ngiti sa mga labi na ngayon ko lamang nasaksihan
Hinawakan niyang muli ang aking kamay at naglakad. Sumusunod lamang ako at hindi alintana ang pagkailang ko sa paghahawak ng kamay sa aking kamay.
Ay grabe siya... mag-HHWW ba naman kami. Alam kong alam niyo kung ano ang meaning ng HHWW kaya hindi ko na kailangan pang sabihin kung ano iyon.
Sumusunod pa rin ako at medyo nagulat pa ako noong huminto kami sa isang lugar dito sa kanyang kaharian na sa tingin ko ay sala nila.
Ang liwanag ng lugar na ito. Nalimutan kong sabihin na umaga na rito. Sandali... bakit pakiramdam ko ay hindi lang kami ang narito?
Tinatanong n'yo siguro kung bakit? dahil nakakaramdam ako ng ibang enerhiya at sa palagay ko'y marami sila. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung paano ko iyon naramdaman.
"You can now come out there." - Ma-otoridad at walang emosyon niyang pagsasalita
Grabe siya oh. Kanina ngiting ngiti samantalang ngayon, ni isang emosyon ay wala kang mababakas.
Unang lumabas ay si Ama subalit nagulat ako sa mga taong sumunod na lumabas. Lumabas mula sa pinto sina Aphrodite, Shigure, Marco, Jason, Shone at Andrei. Nagtaka ako kung paano sila napunta rito sa mundo ng Immortallia.
"Sapagkat sa mundong ito ay tunay kaming nabibilang tulad mo, aming Itinakdang Prinsesa." - Sabi ni Shigure sa seryosong pananalita at yumukod silang lahat sa aking harapan
"Ano ba kayo. Hindi n'yo kailangan yumukod sa akin dahil itinuturing ko kayong tunay na kaibigan at isa pa hindi ako sanay." - sabi ko sa kanila
"Magpahinga ka muna aking itinakdang Prinsesa sapagkat batid ko na hindi pa nagsi-sink in ang mga nangyayari sa iyo. Isa pa, hindi ka nakatulog kanina hindi ba?" - Mahabang ani ni Ginoong Trinchera na tila alam ang aking nararamdaman
"Paula, maaari mo bang samahan ang aking Itinakdang Prinsesa sa kanyang magiging silid?" - Ani niya kay Aphrodite
May itatanong sana ako sa kanila eh. Kaso nga lang, tama si Ginoong Trinchera na wala akong tulog kung kaya't tulad ng sabi niya ay magpapahinga na muna ako.
Hinawakan ni Aphrodite ang braso ko at nagulat na lamang ako noong bigla kaming napunta sa isang silid.
Ang ganda ng silid na pinagdalahan niya sa 'kin. Ang kulay ng dingding ay puti samantalang 'yong kisame nama'y tila kalangitan sa gabi na may buwan at maraming kumikinang na bituin.
May iba't ibang kasangkapan dito na tila ba'y nasa "Hogwarts" ako. Ang higaan ko naman ay kulay pula na may linyang kulay ginto at may disenyong hindi ko mawari kung ano ngunit iyon ay kulay itim.
Nagulat ako noong sumigaw ng malakas si Aphrodite. Sa gulat ko ay bigla ko na lamang siyang nasuntok.
Hahahaha! Kawawa naman 'yong Best Friend ko hahahaha! Nasuntok ko, 'yan tuloy may pasa na siya. Hihingi na sana ako ng paumanhin, nang muli akong nagulat ng makita kong biglang nawala ang pasa niya.
"Hay naku Athena, huwag ka nang magtaka kung nawala agad 'yong pasa ko dahil alam mo naman na hindi tayo pangkaraniwang nilalang, hindi ba?" - Ani niya nang makita Niya ang gulat sa aking mukha
"O siya... magpahinga ka na nga mamaya na lang namin ikukuwento sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman. Matulog at magpahinga ka na muna, BIRTHDAY GIRL. Sige, alis na ako ah." - Ani niyang muli na mababakas ang tunay na ngiti sa kanyang muka at biglang nawala
Pag-alis niya, nahiga ako sa kama at pinagmasdan ang silid na pinagdalahan sa akin ni Aphrodite.
Ang silid na ito ay tila sadyang ipinagawa at pinaayos para lamang sa akin. Paano ko nasabi? Dahil narito ang halos lahat ng hilig ko.
Masaya ako dahil sa naisip kong iyon. Sana tama ang naisip kong iyon dahil kapag nagkagano'n ay tiyak na isa ito sa pinakamagandang handog na natanggap ko ngayong araw ng aking kaarawan.
Ilang sandali lang ay dinalaw ako ng antok kung kaya't nahiga ako ng maayos at natulog.
Aphrodite Paula POV
Hahahaha! Nakakatuwa ang itsura ni Athena noong nakita niya 'yong magiging silid niya hahahaha! Halatang nagulat siya sa itsura ng magiging silid niya eh hahahaha!
Kaya nga lang ay nasuntok ako dahil sa gulat. Pero inferness ah... ramdam kong lumabas na nga ang kapangyarihan niya dahil sa sinuntok niya agad ako noong nagulat siya.
Naglalakad na ako papunta sa sala ng makasalubong ko ang Hari ng Elementallia. Nagtaka ako kung bakit hindi siya lumabas kanina noong lumabas kami nila Marco kung kaya't naisipan kong tanungin na lamang siya.
"Hari ng Elementallia, maaari ba kitang matanong?" - Tanong ko sa kanya at tumango naman siya senyales na siya ay pumapayag
"Ahm... nais ko lamang itanong kung bakit hindi ka lumabas kanina sa iyong pinagkukublian noong kami ay lumabas upang magpakita sa Itinakdang Prinsesa?" - Tanong ko sa kanya ngunit na nanatili pa rin siyang walang emosyon tulad ng aking Kapatid na Hari
"Sapagkat batid kong nananatili pa ring ipinoproseso ng kanyang isipan ang lahat ng mga nangyari at nalaman niya sa mismong araw ng kanyang kaarawan." - Sagot niya sa gano'n pa ring itsura
"Oh siya... mauuna na ako sa iyo marahil ay pagod ka na rin at nais mo ng magpahinga." - Ani ko sa seryoso kong itsura
Tumango siyang muli kung kaya't umalis na ako sa kanyang harapan at bumalik sa sala. Pagdating ko sa sala ay tahimik silang lahat na naka-upo sa mga sofa. Nang may naramdaman akong enerhiya na hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari.
Paglapit ko pa lalo sa kanila ay may nakita akong isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ni Ginoong Harry at may katabi siyang isang maliit na batang tigre.
Sa tingin ko ay sa kaniya nagmumula ang enerhiyang iyon dahil siya lang naman ang hindi ko kilala rito. Pero... ang cute talaga no'ng Batang Tigre na kasama niya.
End of Chapter 22
Edited Date: Feb. 8, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
Viễn tưởngSi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...