Chapter 14: The Magical Box

331 11 0
                                    

Hermione Athena POV

"Kasi ano?" - Tanong ni Aphrodite na napakunot pa ang noo dahil sa pambibitin ni Shigure sa sasabihin niya

"Kasi o, tingnan ninyo 'yong mga babae rito sa Cafeteria. Ang sasama ng tingin sa atin." - Bulong ni Shigure na pa-simpleng ngumuso papunta sa direksyon ng mga babae rito sa Cafeteria at mababakas mo ang medyo pagka-ilang

Tama nga siya. Ang sama ng tingin nila lalo na sa 'kin. Siguro dahil sa pagsali nila Marco sa table namin kanina.

Tumingin din si Aphrodite sa kanila at hindi na ako nagulat ng bawiin na nila ang kanilang masasamang titig sa amin lalo na sa akin dahil nga... hahahaha! Ginamit na naman ni Aphrodite ang cold aura niya pati na ang kanyang death glare hahahaha!

"Excuse me... are the three of you done talking? Earlier you said that you're one of our Classmates, don't you?" - Tanong ni Marco habang nakatingin sa akin na ang ibig sabihin ay ako ang ka-usap niya

"Yes, I absolutely said that." - Sagot ko ng walang pag-aalinlangan

"So, may I know what's the name of the two of you? Except Aphrodite because she already introduced herself in front of the class earlier... tulad namin." - Tanong muli ni Marco... ngunit halata pa rin sa kanyang pananalita na hindi pa siya fluent sa pagsasalita ng Tagalog

"Oh yes. I'm Hermione Athena Granger but you can call me Athena. This lady beside me, wearing an eye glasses is Shigure Ginny Swan." - Pagpapakilala ko sa aming dalawa ni Shigure kay Marco

"So, kayo 'yong group mates namin that Professor Lupin said?" - Dagdag niyang tanong na may bakas ng tuwa dahil sa nahanap na niya ang kanyang mga ka-grupo, which is kami nila Aphrodite

"Yes, we are your group mates. Since we talk about what Professor Lupin said earlier, I want us to have a meeting about the Play after our next class for today." - Sabi ni Aphrodite na hindi nakatiis na makisabat sa usapan namin ni Marco

"Hey Marco..." - Sabi ni Jason kay Marco matapos biglang umakbay at may ibinulong, sabay tingin sakin

Hmm... ano kaya ang ibinulong ng playboy na ito?

Napansin kong lumaki ang mga mata ni Marco pagtapos marinig ang ibinulong ni Jason sa kanya. Nang bigla niyang batukan si Jason.

"Ouch! That's hurt you know." - Sigaw ni Jason na napahawak pa sa ulo niya

Hahahaha! Kawawang bata hahahaha!

"Yeah, I knew that's hurt and that's why I did that to you. It's not what you think. I'm just talking to them because they are our group mates." - Sabi ni Marco na kung mag-sermon kay Jason ay parang tatay

"Ok I'm sorry. I'm just kidding. Why are you so Serious?" - Si Jason na sincere naman sa paghingi ng Sorry habang hawak pa rin ang kanyang ulo

***** Kring! Kring! Kring! *****

"Ahmm... excuse guys. I think we need to go to our next class because if we don't... we will be late." - Pagkasabi ko noon, saka lang nila na-realize na nagbe-bell

No'ng na-realize na nila iyon ay sabay-sabay na kami sa paglalakad papunta sa huling klase namin. Pagpunta namin sa room namin ay agad kaming umupo sa mga upuan namin at sina Marco naman ay sa mga bakanteng upuan umupo.

Lumipas ang ilang oras, tapos na ang aming klase sa araw na ito. Ito kaming pito naglalakad sa corridor palabas ng building.

Tama kayo ng iniisip, kasama pa rin namin sina Marco at katatapos lang ng meeting namin tungkol sa gagawin naming Play.

Guess what... ako ang ginawa nilang director kaya mukang ako ang leader. Hahahaha! Okay lang naman sa 'kin ang maging leader dahil nga hahahaha! Na-uutusan ko 'yong mga members ko hahahaha! Pero syempre... pili lang naman 'yong mga inu-utusan ko.

Paglabas namin ng building ay pumunta 'yong apat na korean sa sasakyan nila. Teka... ano SASAKYAN?!

Wow! Mukang mayayaman talaga ang mga OPPA na to ah. Ang gaganda at mukang mamahalin kasi ang mga kotse nila eh. Baka malayo naman ang mga bahay nila dito sa T.U. kaya magdala sila ng sasakyan.

Pagkasakay nila sa kanilang mga kotse, agad nilang pina-andar ang makina nito.

"Do you want to hop in, ladies?" - Tanong ni Jason na may kasama pang pagkindat

Kahit kailan talaga o... Playboy na playboy talaga ang datingan niya.

"No thanks. We don't need a ride kasi malapit lang ang bahay namin dito." - Sagot ko sa tanong niya ng may pilit na ngiti

"Okay Ladies. Take care and see you tomorrow." - Sabi niya na kumindat at kumaway pa bago umalis

Kung sabagay, mabait din naman pala siya kahit na mukang PLAYBOY talaga. Tsk! Pero kung si Bo Gum My Loves ang nag-alok ng Ride sakin... Wala ng patumpik-tumpik pa. Sasakay agad ako  kaya lang hindi eh.

Nga pala, hindi ko na kasama sina Shigure at Aphrodite ngayon dahil nga sa ibang way ang daan nila.

Nandito na ako sa bahay at pagpasok ko, mukang walang tao ngayon sa loob ng bahay namin. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at saka para tingnan kung anong pwedeng lutuin o kainin sa refrigerator.

Pagbukas ko ng refrigerator nakita ko na madaming French Fries. Kumuha ako ng 1/2 kilo at saka hinanda na ang pagpiprituhan.

Piniprito ko na 'yong fries habang naghahalo naman ako ng catsup at mayonnaise sa isang maliit na tasa.

Nang bigla kong maisip na manood ng movie kaya pumunta na ako sa lagayan ng mga CDs at saka naghanap ng magugustuhan kong panoorin.

Marami kaming CDs. May mga K-Drama at iba't ibang genre ng Movies. Naghahanap pa rin ako ng biglang napukaw ng isang kahon ang aking atensyon.

Lalapitan ko sana ito nang bigla kong maalala na nagluluto pala ako ng fries. Hindi pa naman masarap 'yon kapag sunog na. Tsk! Nilapitan at sinilip ko na ang kawali. Nakita kong luto na ang mga fries kaya pinatay ko na 'yong stove at saka ko hinango ang mga fries sa kawali.

Inayos ko na 'yong fries na nasa mangkok  pati na ang sawsawan sa maliit na mesa namin sa living room. Kinuha ko na lang 'yong CD ko na Harry Potter at saka ko pinanood dahil nga na-miss ko iyong panoorin eh.

Kailan kaya ako makakabili ng libro na "Harry Potter and The Cursed Child"? Nang maalala ko yung kahon na nakapukaw ng atensyon ko kanina.

Nilapitan ko ito na para bang may nag-uudyok sa aking kunin at buksan ito. Kinuha ko ang kahon. Ito ay kulay itim na mayroong palamuting medyo may kalakihang laki na pulang hiyas at maliliit naman na mga puting hiyas sa paligid nito.

Kung titignan mong mabuti ang mga palamuting hiyas, makakabuo ka ng disenyo na isang Korona. Bubuksan ko na ito ng may biglang umagaw nito sa aking kamay.

End of Chapter 14

Edited Date: Feb. 2, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon