Hermione Athena POV
Umaawit si Joshrick ko ng "For Life" english version by EXO D.O habang naglalakad palapit sa akin.
"This life has twist and turns but it's the sweetest mystery when you're with me. They say a thousand words but no one else is listening, I will be."
Sa pag-awit niyang iyon ay hindi ko maiwasang mamangha sa taglay na ganda ng kanyang tinig.
"Every night and every day, no matter what may come at way, we're in this things together. The dark turns to light. We both come alive tonight. I'm talking about forever."
Tila huminto ang aking paligid at tanging kaming dalawa lamang ang kumikilos dahil ramdam ko ang ibig niyang iparating sa pamamagitan ng waiting iyon.
"Never gonna let you go. Giving you my heart and soul. I'll be right here with you for life. Ooh, baby all I wanna do is spend my every second with you."
Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag-awit at unti-unti na rin siyang lumalapit sa akin.
"So, look in my eyes. I'll be by your side. Yeah, look in my eyes, I'll be by your side, For Life."
Sa pagtapos niyang umawit ay sakto naman na sobrang lapit niya na sa akin.
"Naibigan mo ba ang pag-awit kong iyon, aking Itinakdang Prinsesa?" - Tanong niya ng nakangiti
Hay... kay kisig na nilalang ng aking Joshrick. Nakasuot siya ng tuxedo at naka-brudh up ang buhok.
Ibinigay niya ang mikropono sa isang Dama at inabot ang kumpol ng mga pulang rosas pati na ang ERIBONG o EXO Light Stick.
Kinuha ko ito at saka tinitigan ang mga pulang rosas na ngayong ay hawak ko na. Tiningnan ko rin ang ERIBONG at sinubukan kung gumagana. Umilaw naman ito kung kaya't gumagana nga ito.
Nang may narinig akong napatili dahil sa kilig yata, kaya tiningnan ko kung saan ito nagmumula.
"Waaaaaaaaah! Nakakakilig naman ang dalawang ito, hindi ba Irog Ko?" - Tanong niya kay Shone habang nakahawak sa isang kamay nito
Nakatingin ako kay Aphrodite na hawak ang kamay ni Shone at itong si Shone naman ay namumula ang pisngi hahahaha! Mukang may SOMETHING sa dalawang ito ah.
Narito na kami ni Joshrick Ko sa mesa na nakita ko kanina. Napaka-maginoo naman ng Bibi Loves Ko dahil ipinaghila pa niya ako ng mauupuan at pagtapos ay saka lamang siya umupo.
"Hindi mo pa sinasagot ang aking katanungan, Irog Ko." - Ani niya sabay tingin sa aking mga mata
"A-ah... naibigan ko ang iyong pag-awit ngunit anong okasyon ang mayroon at naghanda ka ng isang espesyal na salo-salo?" - Sagot ko na medyo nautal pa at saka nagtanong
"Wala namang mahalagang okasyon. Naibigan ko lamang na makasama ka sa isang espesyal na salo-salo ngayong gabi. Siya nga pala, nagugutom ka na ba? Nais mo na bang kumain?" - Sabi niya at may pahabol pang katanungan para sa akin
"Hindi naman ako gutom..." - Sabi ko na nahinto dahil sa pagkalam ng aking sikmura
"Hahahaha! Totoo ba? Hahahaha! Ngunit narinig ko ang pagkalam ng iyong sikmura hahaha!" - Ani niya habang tumatawa
Yumuko na lamang ako dahil sa kahihiyan na ginawa ng aking sikmura.
Bakit ba kasi hindi marunong magsinungaling itong aking sikmura?! Tsk! Iyan tuloy pinagtawanan ako.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...