Hermione Athena POV
Nakita ko siyang nakaupo sa upuan na katapat ng aking higaan. Nagulat siya nang makita akong nakatayo sa kanyang harapan.
Ilang sandali lang ay bigla na lamang niya akong niyakap. Marahil ay lubha siyang nangulila sa aking paglisan kahapon.
Nakayakap pa rin siya sa akin ngunit nagtaka ako ng maramdaman kong basa ang aking kanang balikat. Nahinuha kong tumatangis siya kung kaya't niyakap ko rin siya upang mapatahan.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko inaasahan na iyakin pala itong si Joshrick ko.
Tinapik-tapik ko ang kanyang likod upang patahanin siya habang nakayakap pa rin sa akin. Maya-maya ay tumahan na siya at umalis sa kanyang pagkakayakap mula sa akin.
"Kumusta naman ang iyong pagsasanay, Mione ko? Pinapakain ka ba ng maayos ni Cassiopeia? Nakakatulog ka ba ng maayos?" - Sunod-sunod niyang tanong sa akin habang pinupunasan ang mga luhang lumandas mula sa kanyang mata
"Isa-isa lang ang tanong, Joshrick ko. Sasagutin ko 'yan isa-isa." - Ani ko
"Ayos lang ang aking pagsasanay. Sa katunayan nga'y nasa pagsasanay pa rin ako. Pinapakain din ako ni Cassiopeia at nakakatulog ako ng maayos sa aming tinutuluyan." - Sagot ko sa kanyang sunod-sunod na katanungan
"Tama na iyan, Kamahalan. Kasalukuyan pa siyang nasa pagsasanay kung kaya't kailangan na naming umalis." - Ani ni Binibining Cassiopeia pagtapos niyang lumitaw na tila ba isang kabute
"Kailangan na naming umalis, Joshrick ko. Hanggang sa muli nating pagkikita at sa pagkakataong iyon, ako naman ang magtatanggol at magliligtas sa inyo." - Pamamaalam ko sa kanya
"Iyon pa rin ang mga bilin ko. Huwag mo iyong kaliligtaan." - Paalala ni Joshrick ko ng kanyang mga bilin
"Aalis na kami, Mahal na Hari." - Paalam ni Binibining Cassiopeia at bahagyang yumukod
Niyakap muli ako ng Mahal kong si Joshrick at gano'n rin ang aking ginawa sa kanya.
"Mag-ingat ka at magbalik ng ligtas. Magpapakasal pa tayo." - Bulong niya matapos niya akong yakapin habang suot ang kanyang nakakalokong ngiti
"Aray naman!" - Hiyaw niya matapos ko siyang batukan
"Ayan ka na naman eh! Ang hilig mo akong asarin." - Medyo may inis kong ani sa kanya
"Huwag kang mag-alala... sa 'yo lamang ako ganito." - Sabi niya sa akin na nakangiti
Tumalikod ako kay Joshrick at humarap kay Binibining Cassiopeia dahil sa nararamdaman kong kilig.
"Tayo na pong umalis, Binibining Cassiopeia." - Ani ko kay Binibining Cassiopeia na tahimik sa isang gilid
"Sige, ipikit mong muli ang iyong mga mata at isipin ang lugar kung saan tayo nagsasanay." - Ani muli ni Binibining Cassiopeia
Ginawa ko ang kanyang sinabi at inisip ang lugar kung saan kami nagsasanay. Inisip ko iyon ng mabuti nang bigla na lamang may malambot na dumikit sa aking labi. Naging dahilan iyon ng aking pagdilat.
Pagtingin ko sa paligid kaming dalawa na lang ni Joshrick ang naririto. Labis-labis na ang naidudulot nitong kilig kaya pumikit akong muli.
Pagdilat ng aking mata ay nasa lugar na ako kung saan kami nagsasanay at kaharap ko ng muli si Binibining Cassiopeia.
Joshel Frederick POV
Natutuwa talaga ako kay Mione ko. Natutuwa akong pagmasdan ang mapupula niyang pisnge sa tuwing siya'y aking inaasar.
Kaya lang... malulungkot na naman akong muli dahil wala siya sa aking piling.
"Kumusta ka, Kuya? Nagtungo ba rito si Binibining Cassiopeia? Kasama niya ba si Athena? Naramdaman ko kasi ang kanilang enerhiya." - Sunod-sunod na tanong ni Paula matapos niya sumulpot sa aking harapan
"Tama ka. Nanggaling nga sila rito ngunit hindi sila nagtagal sapagkat kasalukuyan pa rin siyang sumasailalim sa kanyang pagsasanay." - Tugon ko sa kanyang mga katanungan na mababakas muli ang aking nararamdamang kalungkutan
"Ayos lang 'yan, Kuya. Matatapos rin ang kanyang pagsasanay at sa pagkakataong iyon ay hindi n'yo na kailangan pang magkahiwalay." - Pagpapagaan ng loob sa akin ni Paula
"Batid ko iyon subalit... akin pa ring idinadalangin na sana'y magbalik siya agad mula sa kanyang pagsasanay." - Malungkot ko pa ring ani
"Sige, Kuya. Aalis na muna ako. Magkita na lamang tayo sa hapag-kainan mamayang tanghali." - Pagpapaalam niya
Umalis na siya at naiwan akong muli ng mag-isa sa silid ni Mione ko. Bigla kong naisip ang sinabi ni Marco kanina, tungkol kay Angela.
***** Flash Back *****
"Marco, bakit ilang araw kang nawala?" - Bungad na tanong ni Shone kay Marco
"Iyon na nga ang sasabihin ko, siya si Angela Nicart. Nagkakilala kami sa mundo ng mga mortal at kamuntikan ko na siya masagasaan." - Panimula niyang kwento na mukang nagpa-inis kay Andrei
"Mabuti na lamang talaga'y hindi ko siya natamaan at saka ko na lamang nabatid na isa pala siyang Immortal na tumakas mula sa kamay ng Masamang Angkan." - Pagpapatuloy ni Marco sa kanyang kwento na nagpakuyom sa kamao ni Andrei
Tiningnan ko si Angela. Tahimik lamang siyang nakikinig sa ikinukwento ni Marco. Marahil ay nahihiya siya sa amin dahil nga ngayon lamang niya kami nakita't nakilala.
Ilang sandali ang lumipas ay biglang umalis si Andrei. Napunta ang aming tingin sa kanya habang naglalakad siya palabas.
Marahil ay hindi na niya kinaya pang marinig ang mga ikinukwento ni Marco ukol kay Angela.
Nagbalik sila sa kanilang pagkukwentuhan. Samantalang ako ay pinakiramdaman ang enerhiya ni Andrei at narinig ko na lang ang kanyang alulong.
Nag-teleport ako sa silid ni Mione ko at natulog. Ngunit bago ako makatulog ay naramdaman ko na may isa pang enerhiya malapit kay Andrei.
Kilala niya ang nilalang na iyon at batid kong kaya na niya iyon. Ilang segundo pa ang lumipas ay dinalaw na ako ng antok.
***** End of Flash Back *****
May sapantaha na ako kung ano ang ugnayan sa pagitan nina Andrei at Angela. Subalit hindi ko maaaring sabihin iyon sa inyo. Hahayaan ko na lamang na kayo ang tumuklas.
Nagpunta ako sa gubat na nasasakupan ng Vamperia dahil naroon sila upang magsanay. Pagdating ko ay may kanya-kanya silang katuwang sa pagsasanay.
Naglalaban sina Jason at Marco, Shigure at Angela, Shone at Aphrodite. Sila-sila ang magkakatuwang sa ginaganap nilang pagsasanay.
Naglalaban sila ng mano-mano. Marahil ay kasisimula pa lamang ng kanilang pagsasanay kung kaya't mano-mano muna silang naglalaban.
Nang biglang dumating ang isang nilalang na may malakas na enerhiya at ako ay kanyang inatake.
End of Chapter 37
Edited Date: Mar. 6, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...