Hermione Athena POV
Sa haba ng aming nilakad ay sa wakas nakarating na kami sa dining room. Pagpasok namin ay nakita ko sina Marco kasama sina Joshrick, Aphrodite at Shigure nagsisimula ng kumain.
Umupo na kaming dalawa ni Kuya at saka nagsimulang kumain. Ang daming pagkain pero isa lang ang pagkain na nakakuha ng aking atensyon, ang Sinigang na Baboy. Hmm... grabe natatakam ako sa Sinigang na Baboy.
Kumuha agad ako ng mangkok upang paglagyan ng sabaw dahil nais kong makahigop ng mainit-init na sabaw mula rito. Nang nakakuha na ako ng mangkok, agad akong sumandok ng sabaw at agad na hinigop iyon mula sa mangkok.
Hmm... ang sarap talaga. Teka nga... may nalimutan yata ako. Ibinaba ko ang hawak kong mangkok na may lamang sabaw sa ibabaw ng mesa.
Pagkababa ko ng mangkok ay napatingin ako sa paligid at nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Sabay na tumikhim sina Kuya at Joshrick na naging dahilan ng pagbabalik nila sa pagkain.
Nilagyan ko na ng kanin ang plato ko at dinagdagan ng sabaw ang mangkok pati na rin karne ay inilagay ko nang sa gano'n ay makakain na ako.
Lahat kami ay kumain na ng tahimik. Wala kang Ibang ingat na naririnig kundi tunog lamang ng mga kubyertos na aming ginagamit.
Ilang minuto ang lumipas, natapos na kami sa pagkain at ito ako busog na busog. Paano ba naman? Ang sarap ng Sinignag na Baboy na inihain.
Sandali... parang gusto ko maglakad-lakad dahil sa sobrang kabusugan ko ngayon.
Luminga-linga ako ngunit wala akong nakita na ibang naririto kundi ako lang. Liligpitin ko na sana ang mga pinagkainan ko nang biglang may magsalita sa likod ko na naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan pang ligpitin 'yan, aking Mione. Sapagkat tungkulin ng mga Dama ang gawaing iyan." - Ani niya sa akin habang nakasandal sa pinto
Hay... grabe ang tayo niyang iyan ah. Model lang ng pinto ang peg hahahaha! Binitawan ko ang mga plato na aking hawak at lumapit sa kanya.
"Kung gano'n, nasaan ang mga Dama?" - Tanong ko ng nakangiti
"A-ah darating sila ilang sandali na lamang." - Medyo nauutal niyang ani habang hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata
"Eh bakit hindi ka makatingin sa akin?" - Tanong kong muli habang pinipigilan ang aking sarili sa pagtawa
"Hi-hindi ah." - Medyo utal niya pa ring tanggi ngunit namumula na ang kanyang dalawang pisngi
"Hahahaha! Ang cute naman ng Joshrick ko hahahaha!" - Tumatawang ani ko sa kanya habang hawak ko ang kanyang pisngi na naging dahilan ng pagtingin niya sa akin
Hahahaha! Nakita ko na mas lalo pang namula ang kanyang dalawang pisngi kaya hindi ko na napigilan ang aking lubos na paghalakhak.
"O siya hahahaha! Samahan mo na lamang ako maglibot sa 'yong Kaharian. Ang dami ko kasing nakain eh." - Ani kong pa sabay hawak ko sa tyan ko
Nauna na siyang maglakad sa 'kin kaya ito na naman si Ako, naghahabol. Bakit ba kasi kailangan niya magmadali kung pwede naman niya akong hintayin, hindi ba?
Shigure Ginny POV
Naunang umalis si Ginoong Harry at sumunod naman 'yong apat. Pagtapos kausapin ni Cassiopeia si Haring Joshel Frederick ay nagpunta naman ako sa pinagtataguan ng aking Pinuno.
Narito ako sa lihim na pinagtataguan ng aking Pinuno upang i-ulat kung ano na ang nangyayari sa aking misyon.
May nakasalubong akong nagbabantay na kawal sa lagusan papasok ng pinagtataguan kung kaya't tinanong ko siya.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...