Heneral Seol Won POV
Dahil sa natutuwa akong paglaruan ang Hari ng Elementallia, bigla akong may naisip na makadadagdag sa tuwang aking nararamdaman.
Naisipan kong sugatan ang bawat bahagi ng kanyang katawan upang masaksihan ko kung gaano katibay ang kanyang depensa.
Dinala ko naman siya sa isang isla na napapalibutan ng dagat. Ang isla ay may iilang puno't mga bato ngunit higit na mas marami pa rin ang mga buhangin at tubig sa paligid nito.
Nakita ko siyang hingal na hingal habang nakatayo sa buhanginan dahil sa pagbabago ng lugar kung nasaan siya ngayon. Ito na ang tamang pagkakataon upang gawin ang aking binabalak.
Kinuha ko ang aking espada at unang sinugatan ang kanyang mga binti. Napaluhod siya dahil sa ginawa kong pagsugat sa kanyang binti.
Harry Apollo POV
Kasalukuyan akong narito sa aking maliit na tanggapan habang ginagamot ang mga sugatang kawal nang biglang may tumawag sa aking ngalan kung kaya't nilingon ko ito.
"Ginoong Harry!" - Sigaw ni Prinsipe Marco sa aking ngalan habang buhat sa kanyang mga bisig si Prinsesa Angela
"Ginoong Harry, maaari mo bang lunasan ang natamong saksak sa kanyang tagiliran?" - Ani niya matapos niyang ilagay si Prinsesa Angela sa isang higaan
Agad kong sinuri ang kanyang itsura. Maputla na ang kulay ng kanyang balat at malapit ng mangitim ang kanyang labi, pati na ang kanyang mga kuko.
Dinama ko ang kanyang pulso at naramdaman kong mahina na ang pintig nito.
"Mahina ang kanyang pulso at nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang buhay. Nauubusan na rin siya ng dugo sa katawan, marahil ay hindi naagapan ang pagtagas ng dugo palabas mula sa kanyang katawan." - Ani ko sa kanya matapos kong pulsuhan si Prinsesa Angela
"Malulunasan mo siya, Hindi ba?" - Tanong niyang muli habang tumatangis
"Sa totoo lamang, hindi ako nakakatiyak kung makakaya ko siyang lunasan dahil sa maraming dugo ang nawala mula sa kanyang katawan." - Malungkot kong tugon sa kanyang katanungan
Dahil sa aking sinabi, napahagulgol siya ng iyak at tanging ang kanyang pagtangis lamang ang maririnig sa apat na sulok ng aking tanggapan.
"Ngunit gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang malunasan si Prinsesa Angela." - Dugtong ko sa aking mga sinabi na nagpatigil sa kanya mula sa pagtangis
"Sa ngayon ay kinakailangan mo munang magpakatatag at tulungan ang iba pang may kailangan ng tulong." - Payo ko sa kanya
Tumango siya ng dalawang bases bilang pagsang-ayon sa payo ko sa kanya at pinunasan ang bakas ng mga luha na lumandas mula sa kanyang mga mata.
Matapos niyang punasan ang kanyang pisngi ay lumabas na siya ng aking tanggapan. Samantalang ako naman ay agad na gimamit ang aking kakayahan at ginamot ang natamong saksak ni Prinsesa Angela.
Kasalukuyan siyang wala sa ulirat habang aking nilulunasan. Lumipas ang ilang sandali, ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya. Subalit hindi ko na kaya pang lunasan ang kanyang natamong sugar.
Masyado ng marami ang dugo na nawalay sa kanyang katawan dahil sa malalim na sugat na kanyang natamo.
Hector Anthony POV
Mula sa gubat ay bigla na lamang ako napunta sa isang isla na napapalibutan ng tubig. May mga iilang mga puno't bato samantalang ako ay nananatiling nakatayo habang hinihingal dahil sa sunod-sunod kong pag-iwas mula sa mga atake ng aking kalaban.
Pinagmasdan ko ang paligid. Nararamdaman kong nananatili pa rin ako sa aking kaharian subalit iba ang nakikita ng aking paningin.
Nabigla ako ng aking naramdaman na may humiwa sa aking mga binti kung kaya't napaluhod ako dahil sa sakit.
Pinakiramdaman kong mabuti kung nasaan ang aking kalaban dahil naisip ko na may balak pa siyang sugatan ako sa iba pang bahagi ng aking katawan.
Naramdaman ko na kung nasaan siya kung kaya't ginamit ko ang aking Kakayahang Lupa upang magkaroon ng lindol na makakapapigil sa kanyang konsentrasyon.
Biglang nawala ang isla at napunta akong muli sa sa Elementallia. Nakita ko siyang nakaupo na sa lupa, marahil ay nawala na siya sa kanyang konsentrasyon dulot ng lindol na aking ginawa.
Itinayo na niya ang kanyang sarili at gano'n din ako. Pilit ko ring itinayo ang aking sarili kahit mahapdi ang aking sugat na mula sa kanyang pag-atake.
"Ako si Heneral Seol Won, ang magiting at pinakamatapat na Heneral ni Binibining Mishil." - Buong lakas niyang sabi
"At isa ako sa magiging tulay upang mapagtagumpayan niya ang kanyang minimithi!" - Dagdag niya kasabay ng pag-atake sa akin gamit ang kanyang espada
Bago pa man ako masaksak ng kanyang espada ay agad kong ginamit ang aking Kakayahang Hangin at ikinulong siya sa loob nito.
Dahil do'n ay hindi niya magamit ang kanyang kakayahan. Naikulong ko na siya at dahil sa ako'y kanyang pinaglaruan, siya ay akin ding paglalaruan.
Pilit siyang kumakawala sa aking ginawang hawla ngunit kahit anong gawin niya'y hindi niya magawang makawala.
Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ng iyong kakayahan at hininga.
Ginamit ko naman ang aking Kakayahang Tubig upang lagyan ng tubig ang hawla na aking ginawa at maipiit si Heneral Seol Won sa loob nito.
Hindi siya makalangoy paangat ng tubig dahil sa bigat ng kanyang baluti at sandata. Hindi na nakayanan ni Heneral Seol Won kung kaya't nawalan siya ng buhay na tila ba isang basang sisiw hahahaha!
Itinanggal ko na ang tubig pati na ang hawla at siya'y bumagsak sa lupa ng walang buhay. Nakakapanghinayang na mawalan ng isang magiting at matapat na Heneral.
Bihira na lamang sa isang nilalang ang magbuwis ng buhay upang matupad ang mithiin ng kanyang Pinuno.
"Alam mo, Heneral Seol Won? Nanghihinayang ako sa 'yo. Lubhang napakagiting mo para lamang ibuwis ang iyong buhay nang dahil lamang sa masamang mithiin ng iyong pinuno, na kahit kalian ay hindi matutupad." - Ani ko sa nakahilatang si Seol Won ng imiiling matapos kong makalapit
Tinititigan ko lamang ang Heneral ng may bigla akong marinig na mga hiyaw sa aking likuran.
End of Chapter 41
Edited Date: Mar. 11, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...