Chapter 32: An Easy Win

195 5 0
                                    

Aphrodite Paula POV

Naayos ko na lahat ang dapat kong ayusin kaya pupunta na ako sa tore. Sa tulong ng aking Kakayahan na Super Speed ay nakarating agad ako sa tore. Pagdating ko ay nakita ko si Kuya na nakatayo habang nakatanaw sa malayo.

"Kuya, handa na ako at ang ating mga kawal sa pagdating ng ating mga kalaban." - Seryoso ko pa ring sabi

"Mabuti kung gano'n." - Seryoso naman niyang tugon sa akin

Hay... magkapatid nga kami. Pa'no kasi lagi kaming seryoso at walang ipinapakitang emosyon kahit na kanino, liban na lamang sa mga nilalang na sobrang malapit sa amin... tulad ni Athena at ni Bibi Shone ko.

"Kumusta ka naman, Kuya? Batid ko na nalulungkot ka sa pag-alis ni Athena sa ating Kaharian." - Tanong ko sa kanya

"Ayos lang ako ngunit hindi ko maiwasan na makaramdam ng kalungkutan dahil sa matagal na panahon bago kami muling magkita at magkasama." - Sagot niya sa aking katanungan habang mababakas sa kanyang tinig ang kalungkutan na kanyang nararamdaman ngayon

"Maging ako'y hindi rin maiwasang malungkot ngunit ayokong tumangis dahil batid ko na hindi niya magugustuhan kung makikita tayong tumatangis." - Ani ko habang nakatingin sa malayo tulad niya

"Nawa'y makabalik siya ng ligtas mula sa kanyang pagsasanay." - Ani niya habang pinupunasan ang tumakas na luha mula sa kanyang mata

Matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lamang kaming nakarinig ng mga yabag ng paa, ilang kilometro ang layo mula sa aming kinatatayuan.

"Magsihanda ang lahat!" - Ma-otoridad kong sigaw

Nagsihanda at naging alerto na ang mga kawal matapos kong sumigaw. Samantalang si Kuya ay bumubulong habang nakapikit at prenteng nakatayo.

Marahil ay bumibigkas siya ng ritwal. Sa aming dalawa kasi ay siya lamang ang may Kakayahang bumigkas ng ibang wika at magsagawa ng ritwal.

Palapit ng palapit ang mga yabag ng paa na aming naririnig. Handang-handa na rin ang aming mga kawal upang makipagdigma sa aming mga kalaban na lulusob.

Nang tuluyan ng nakalapit ang mga kalaban sa lupain ng Vamperia ay agad silang nilabanan ng mga kawal na nasa unahan upang hindi tuluyang makapasok. Subalit malakas din ang mga kalaban kung kaya't nakapasok na sila sa aming lupain.

Nakikipagdigma na ang halos lahat ng aming mga kawal. Samantalang kaming dalawa ni Kuya ay nananatiling nakatayo kung saan kami nakatayo magmula pa kanina.

Maraming mga kalaban ang napaslang at gano'n din sa aming mga kawal dahil sa higpit ng kanilang labanan.

Dumating na sina Shone, Andrei, Jason at Shigure. Handa na rin sila upang makipagdigma. Tumayo sa kaliwa ko si Shone at sa kaliwa naman niya ay si Andrei. Samantalang sina Jason at Shigure naman ay nakatayo sa kanang bahagi ni Kuya.

Malakas ang aming mga kalaban kung kaya't unti-unti na silang nakakalapit sa aming Kaharian. Marami na ring sugatan sa aming mga kawal.

Lumipad si Kuya sa hangin patungo sa lugar kung saan nagaganap ang digmaan.

"Handa na ba kayo upang makipagdigma?" - Tanong ko sa kanilang apat habang hawak ko ang kamay ni Shone

"Oo, handa na kami." - Sagot nina Shone, Jason at Shigure liban kay Andrei na tumango lamang

"Humawak kayo sa balikat namin ni Shone upang mas mapabilis tayo na makarating sa lugar kung saan nagaganap ang digmaan." - Utos ko sa kanila

Sinunod nila ang utos ko kahit na medyo nainis sila ng kaunti sa ginawa kong pag-utos sa kanila. Wala naman kasi silang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil ito ang pinakamabilis na paraan upang makarating kami sa aming patutunguhan.

Nang nakahawak na sila sa balikat namin ni Shone ay agad kaming nag-teleport. Pagdating namin kung saan nagaganap ang digmaan ay nagulat kami sa aming nasaksihan.

Tapos na ang digmaan dahil nakita namin ang mga kalaban na nakahandusay sa lupa at wala ng hininga. Ang mga kawal na pumanaw ay naging abo at inihip ng hangin palayo.

Samantalang ang mga kawal na sugatan lamang ay nakahiga sa lupa. Ang iba naman sa mga sugatan ay nakaupo at nakatayo dahil hindi naman malala ang mga natamo nilang sugat.

Nagbigkas muli si Kuya ng ibang wika at sa isang iglap lamang ay gumaling na ang mga kawal na sugatan, malala man ito o hindi.

Grabe talaga iyong si Kuya. Tsk! Hindi man lamang niya kami hinintay upang makipagdigma. Marahil ay ginamit niya na naman ang kanyang mga kakayahan upang mapadali ang digmaang ito.

"Magtungo na kayo sa inyong mga silid at magpahinga." - Utos ni Kuya sa mga kawal na kakahilom lamang ang mga sugat

Sinunod ng mga kawal ang utos ni Kuya sa kanila kung kaya't unti-unti na silang nawawala sa aming paningin. Nang lahat sila'y nawala na, hindi ko na natiis pang hindi magsalita.

"Kuya, bakit hindi mo kami hinintay at hinayaang makipagdigma? Nais din namin na makipaglaban." - Ani ko na may tampo

"Dahil nais ko ng magpahinga at isa pa. Batid kong napagod kayo kanina sa paghanda at pagtulong sa akin." - Ani niya at saka nawala ng parang bula

Hay... nakakainis naman si Kuya. Tsk! Hindi tuloy ako nakapagpapawis. Pero, may tama siya sa sinabi niya.

"Huwag ka ng magtampo kay Haring Joshel, Irog ko. May punto naman siya sa kanyang mga tinuran. Isa pa, batid kong napagod ka sa pagtugtog ng iyong Violin kanina, gano'n din ako dahil sa pagtugtog ng aking Gitara." - Pagsabi niya ng kanyang opinyon sa akin na hindi ko na sinagot pa

"Prinsepe Jason, mayroon ka bang engkantasyon upang malinis at mawala ang mga katawang iyan?" - Tanong ko kay Jason at nakita ko siyang nakahawak din sa kamay ni Shigure

"Mayroon, Prinsesa Pau este Aphrodite." - Sagot ni Jason na napakamot pa sa kanyang batok dahil kamuntikan niya na akong tawagin sa pangalawa kong pangalan

Kinuha niya ang kanyang Magical Wand at saka ikinumpas. Sa isang saglit lamang ay naglaho na ang mga katawan ng kalaban na nakahandusay sa lupa, pati na ang mga bakas ng nangyaring digmaan.

Nang tapos na siya sa pinagawa ko sa kanya ay naglaho naman silang dalawa ni Shigure sa hangin. Hahahaha! Mukang may Date itong dalawa ah hahahaha!

"Psst!" - Sitsit sa akin na hindi ko pinansin

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko na kaming dalawa na lang ni Bibi Shone ko ang narito.

"Psst! Psst!" - Sitsit niya pa rin ngunit sa pagkakataong ito'y tumingin na ako sa kanya at bigla ko na lang siyang hinalikan na naging dahilan upang maistatwa siya sa kanyang kinatatayuan

"Nais mo bang sa aking silid na lamang ikaw matulog?" - Tanong ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa dahil sa mapupula niyang pisngi

Tumango siya kaya nag-teleport na kami sa aking silid. Siya pa lamang ang nakakapasok sa aking silid, liban kay Kuya dahil... basta alam n'yo na iyon.

"Wow! Ang ganda ng iyong silid, Mahal ko. May sarili ka pang TV at DVD Set." - Namamanghang papuri niya ukol sa aking silid

Grabe naman itong Mahal ko. Masyado naman niya akong pinapakilig.

May TV at DVD Set ako upang makapaglibang kapag wala akong magawa. May mga koleksyon ako ng iba't ibang Genre ng Movies mula sa mundo ng mga Mortal.

"Gusto mo bang mag-Movie Marathon tayo, Mahal?" - Tanong ko sa kanya

Bigla na lamang naging seryoso ang kanyang mukha at unti-unting lumalapit sa akin. Napaatras ako dahil sa ginawa niyang iyon. Bumilis rin ang pintig ng aking puso at mas lalong bumilis pa ito nang wala na akong ma-atrasan at ilang sentimetro na lamang ang layo ng kanyang mukha sa aking muka.

End of Chapter 32

Edited Date: Mar. 1, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon