Chapter 25: The Deal between the Siblings

273 6 0
                                    

Hermione Athena POV

"Masarap ba ang iyong naging tulog?" - Bungad na tanong sa akin ni Ama

"Opo Ama, masarap po ang aking naging tulog." - Sagot ko sa tanong ni Ama

"Hmm... sa totoo lang kulang pa ang iyong mga nalalaman ukol sa iyong tunay na pagkatao." - Biglang ani ni Ama matapos ang ilang segundong katahimikan

"Ganoon po ba Ama? Ano pa po ba ang hindi ko nalalaman?" - Tanong ko at saka muling umupo sa malaking bato na inupuan ko kanina

"Batid mo nang ikaw ang nakatakdang maging kabiyak ni Haring Joshel Frederick at magligtas sa mundong ito. Ikaw rin ang Prinsesang anak nina Reyna Artemis at Haring Hermes." - Ani niya

"Subalit lingid sa iyo na mayroon ka pang nakatatandang kapatid at ako ang kakambal ng iyong tunay na Ama." - Dagdag ni Ama este ni Tiyo sa nais niyang sabihin

"Talaga po Ama este Tiyo? May nakatatanda po akong kapatid? Nasaan po siya?" - Sunod-sunod kong tanong

"Sa totoo lang, nakilala mo na siya. Kahapon, noong nalaman mong isang Immortal sina Marco ay naroon din siya sa sala. Subalit hindi siya lumabas sa aming pinagkukublian." - Sagot ni Tiyo sa aking sunod-sunod na natanong

OMG! Kilala ko na 'yong kapatid ko kaya nga lang ay hindi ko alam kung sino. Hay... nakakalungkot naman, nakita ko na pala ang aking kapatid subalit hindi ko man lamang iyon nalaman.

"Huwag ka ng malungkot pamangkin ko dahil makikita mo na siya mamaya at mayroon ka pang hindi nalalaman..." - Ani ni Tiyo na dahilan ng aking pagtingin sa kanya

"Nagpunta kahapon ang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap at ipinabatid niya sa amin na kailangan mong magsanay na kontrolin ang iyong mga Kakayahan. Ang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap ang magsasanay sa 'yo dahil sa kayong dalawa ay may pagkakapareho raw." - Tuloy tuloy na ani ni Tiyo

Sino naman kaya ang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap? Paano niya nasabing kaming dalawa ay may pagkakapareho?

Joshel Frederick POV

Marahil ang iba sa inyo ay hindi pa ako kilala kung kaya't magpapakilala muna ako. Ako si Joshel Frederick Trinchera, ang Hari ng mga Bampira sa Vamperia.

Ako ang may-ari ng Trinchera University at nakatatandang kapatid ni Aphrodite Paula. Pumasok ako sa Trinchera University bilang Propesor na nagngangalang Joshel Frederick Imperial upang masilayan at mabantayan ang aking Itinakdang Prinsesa.

May mga paraan ako upang malaman ang mga nangyayari sa aking paligid lalong-lalo na sa mga nilalang na malapit sa akin. Huwag n'yo ng tanungin kung ano ang paraan na iyon because it's for me to know and for you to find out.

Sige na, Joshrick este Haring Frederick sabihin mo na. - Ms. W

Tigilan mo ako Ms. W teka... saan mo nakuha ang tawag mong iyan sa akin? Mayroon ba akong hindi alam na kailangan kong malaman?

Well, it's for me to know and for you to find out. - Ms. W

Hay... gaya-gaya naman ng linya tsk! Balik na ako sa pagsasalaysay.

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako napaluha noong lumisan ako sa harap ng Aking Itinakdang Prinsesa. Naluha ako dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang aking nararamdamang kalungkutan.

Tama na. Baka ako ay humagulhol ng iyak at maglabas ng banye-banyerang luha rito.

Pag-alis ko sa harap ng Aking Itinakdang Prinsesa ay narito na ako sa aking silid. Iniisip ko kung paano ko ipapakita at maipagtatapat ang aking pag-ibig sa kanya dahil batid kong nalalabi na lamang ang araw ng aming pagsasama.

Ilang sandali lang ay may naramdaman akong enerhiya at batid kong kay Paula nagmumula ang enerhiyang iyon.

"Aking kapatid na Hari, batid ko na lubhang nalulungkot ka sa iniulat ni Binibining Cassiopeia ngunit kailangan nating gawin iyon dahil para naman iyon sa kanyang ikabubuti." - Seryosong pananalita ng aking Kapatid

"Batid ko iyon Paula subalit hindi ko pa rin maiwasang isipin na matagal na naman siyang mawawalay sa akin." - Malungkot kong sabi sa kanya

"Maiba ako... sino kila Marco ang nakatadhanang maging aking kabiyak?" - Tanong niya upang maiba ang aming pinag-uusapan

"Hmm... sa totoo lang ay hindi ako maaaring maki-alam diyan dahil maaaring mabago ang hinaharap kapag sinabi ko sa iyo kung sino siya." - Sagot ko na may nakalolokong ngiti

"Ihh! Kuya naman eh. Sabihin mo na sa akin kung sino siya." - Pagkukumbinsi niya ng nakanguso habang nagpapa-cute sa akin

Inatake na naman siya ng kanyang pagka-isip bata.

"Ipagpaumanhin mo aking kapatid subalit hindi maaari." - Sabi ko sa kanya ng may pagmamatigas

"Sige na Kuya... kapag sinabi mo kung sino ay tutulungan kita sa iyong Itinakda este kay Bhessie." - Sabi niya na nagpapa-cute pa rin pero nakahawak na sa damit ko

Hahahaha! Nakakatuwa talaga itong si Paula hahahaha! Sana ganiyan din ka-cute si Mione ko kapag nakanguso hahahaha!

"Sige, papayag ako na sabihin sa 'yo kung sino siya ngunit sa isang kundisyon." - Pagsuko ko

"Ang sabi mo ay tutulungan mo ako subalit isang pahiwatig lamang ang maibibigay ko. Sapagkat hindi ko talaga maaaring sabihin kung sino siya." - Seryoso kong sabi sa kaniya

"Sige na nga." - Napilitan niyang ani habang nakanguso pa rin

Someone 2 POV

Nakapikit ako ngunit gising ang aking diwa. Ramdam ko na may kasama akong iba rito at sa aking palagay ay hindi rin siya pangkaraniwang nilalang.

"Batid kong gising ka na subalit mukang ayaw mo pang imulat ang iyong mga mata. Batid ko rin na batid mo ng hindi ako isang pangkaraniwang nilalang na tulad mo." - Tuloy-tuloy niyang sabi na naging dahilan upang idilat ko ang aking mga mata at mapatingin sa kaniya

"Kung gano'n, sino ka?" - Seryoso kong tanong habang nakatingin sa kanya

"Hindi ko pa maaaring sabihin kung sino ako ngunit natitiyak ko sa 'yo, hindi ako isang kalaban at batay sa iyong kasuotan noong muntik na kitang masagasaan ay isa kang takas na bihag mula sa Immortallia kung saan din ako nanggaling." - Seryoso niya ring sabi sa akin

Kung gayon ay isa rin siyang Immortal ngunit saang Kaharian siya nabibilang?

End of Chapter 25

Edited Date: Feb. 13, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon