Hermione Athena POV
Nararamdaman kong unti-unti ng nauubos ang kanyang hininga. Nang biglang dumilim ang paligid at nawawalan na ako ng kontrol sa katawan ni Mishil.
Bumalik na ang paligid sa dati at nakita kong wala na si Mishil. Nilingon ko ang paligid subalit hindi ko na siya nakita.
Inisip ko kung sino ang maaaring makapagligtas sa kanya ngunit biglang sumingit ang imahe ni Joshrick sa aking isipan.
Dali-dali akong nagtungo kay Joshrick at ramdam kong wala na siyang buhay. Kinakailangan niyang mabuhay.
Gagawin ko ang lahat mabuhay lamang siya kahit kapalit pa nito ang aking buhay.
Hinagkan ko siya sa huling pagkakataon at saka ko itinapat sa kanyang katawan ang aking mga palad.
Bumulong ako ng mga kataga na nagbigay liwanag sa aking palad na nakatapat sa kanyang katawan hanggang sa...
No One POV
Nagmulat ng mata ang hari ng mga Vamperian subalit kasabay nito ang pagbagsak mula sa lupa ng Itinakdang Prinsesa. Nasalo agad ni Haring Joshel si Prinsesa Hermione Athena dahil nga sa malapit sila sa isa't isa.
"Mione ko, gumising ka. Hindi magandang biro ito." - Paggising ni Joshel Frederick, nagsisimula ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata
Pilit na ginigising ni Haring Joshel Frederick si Prinsesa Hermione Athena subalit hindi ito nagmumulat ng kanyang mga mata. Napasigaw siya ng napakalakas, halos mabasag ang lahat ng babasaging bagay sa Vamperia.
Narinig nina Aphrodite, Shone, Shigure, Jason, Harry at lahat ng nilalang sa buong Vamperia ang sigaw ng kanilang Hari.
Hindi nagtagal ay lumapit ang lahat sa nakahilatang Prinsesa sa lupa upang makiramay sa pagpanaw ng kanilang Itinakdang Prinsesa.
"Nakakalungkot mang isipin, aking Kapatid na Hari. Subalit kailangan nating tanggapin ang pagpanaw ni Hermione." - Pag-aalo ni Aphrodite sa kanyang kapatid na tulad niya'y tumatangis
Iniluhod ni Aphrodite ang kanyang kanang tuhod at saka yumukod bilang pagbibigay pugay sa namayapang Prinsesa.
Gano'n din ang ginawa ng lahat bilang pagbibigay galang. Nang biglang dumating si Cassiopeia at ang Hari ng Elementallia.
Nabigla sa kanyang nasaksihan si Haring Hector Anthony dahil sa nakita niya ang kanyang kapatid na nakalupasay sa lupa at wala ng buhay.
Napatangis si Haring Hector Anthony habang lumalapit sa kanyang kapatid. Maging ang tinaguriang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap ay napatangis subalit may bigla siyang nakitang pangitain sa kanyang isipan.
Cassiopeia Hera POV
May biglang lumabas na pangitain sa aking isipan. Nalulungkot ako sa pangitaing aking nasaksihan.
Tiyak na mapupuno ng paghihinagpis ang dalawang kaharian kapag nangyari na ang pangitaing aking nasaksihan.
Hinanap ng aking balintataw si Haring Hector Anthony upang ipabatid sa kanya ang pangitaing aking nasaksihan. Agad ko naman siyang nakita kung kaya't nag-teleport ako sa kanyang harapan.
"Hari ng Elementallia, kinakailangan nating magtungo sa Vamperia sapagkat may mangyayari na kailangan mong masaksihan." - Ani ko kay Haring Hector Anthony
"Ano naman ang mangyayari na dapat kong masaksihan?" - Tanong niya sa akin
"Sumama ka na lamang." - Ani ko sabay hawak sa kanyang balikat
Sa isang iglap lamang ay nasa Vamperia na kami. Natupad na ang pangitaing aking nasaksihan. Tiningnan ko si Haring Hector na unti-unting tumutulo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.
Nakita niya ang kanyang kapatid na nakahilata sa lupa habang hawak ni Haring Joshel Frederick sa kanyang mga bisig at tumatangis.
Dali-daling lumapit si Haring Hector Anthony sa kanyang kapatid na walang malay at maririnig rin ang pagtangis ng bawat nilalang na narito sa Vamperia.
Sa digmaang naganap, nagaganap at magaganap pa lamang, mapa-Immortallia man o mundo ng mga Mortal, maraming buhay ang mawawala at maraming pamilya ang mawawalan ng kaanak.
Patuloy lamang ako sa pagmamasid ng mga nangyayari sa paligid at hindi alintana ang mga luhang tumakas mula sa aking mata, nang may lumabas na namang pangitain sa aking isipan.
"Namatay ang Itinakda upang iligtas ang lahat pati na ang kanyang kasintahan. Subalit hindi pa tapos ang digmaan sa pagitan ng mabubuti at masasamang nilalang. Patuloy pa rin ang paglaganap ng kasamaan sa dalawang mundo. Matitigil lamang iyon kung magkakaisa ang pitong kaharian sa pagsugpo nito." - Ani ko sa malakas na tinig kung kaya't napatigil sila sa pagtangis at napatingin sa akin.
Haring Joshel Frederick POV
Bigla akong nagkaroon muli ng lakas at enerhiya. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang nakangiting muka ng aking sinisinta na ilang buwan ko ring hindi nasaksihan.
Napabalikwas ako ng tayo nang makita ko siyang pumikit at unti-unting bumabagsak sa lupa. Agad ko siyang sinalo at pilit na ginigising upang imulat niya ang kangyang mga mata.
Subalit hindi na niya ito iminumulat. Hindi ko na rin naririnig ang tibok ng kanyang puso. Napagtanto kong wala na siyang buhay dahil sa hindi ko naririnig ang pintig ng kanyang puso.
Ito na ba ang katapusan ng kanyang buhay?
Dapat hindi na lamang niya ako iniligtas kung kapalit naman no'n ang kanyang buhay. Isa akong walang kwentang kasintahan sapagkat hindi ko nailigtas ang aking iniibig.
Patuloy lamang ako sa pagtangis, nang may bigla akong maramdaman na mga enerhiya. Hindi ko na ito nilingon pa dahil batid kong sina Hector at Binibining Cassiopeia lamang ang dumating. Marahil ay napansin nila ang pagtangis ng lahat dahil sa paglisan ng Itinakda.
Lumapit si Hector at tulad naming lahat ay nagsisimula na rin siyang tumangis. Samantalang si Cassiopeia ay nananatili pa rin sa kanyang kinatatayuan at tulad ng lahat ay nagsisimula na ring tumangis.
"Namatay ang Itinakda upang iligtas ang lahat pati na ang kanyang kasintahan. Subalit hindi pa tapos ang digmaan sa pagitan ng mabubuti at masasamang nilalang. Patuloy pa rin ang paglaganap ng kasamaan sa dalawang mundo. Matitigil lamang iyon kung magkakaisa ang pitong Kaharian sa pagsugpo nito." - Ani ni Cassiopeia sa malakas na tinig
Napatingin ang lahat sa kanya nang dahil do'n. Magsasalita sana si Paula nang biglang magsalitang muli si Binibining Cassiopeia.
"Muling mabubuhay ang pinakamakapangyarihang pinuno ng mga Masamang angkan upang tapusin ang nasimulan ng kanyang alagad na si Mishil. Subalit hindi pa mangyayari iyon dahil kinakailangan pa ng sapat na panahon upang mabuhay siya. Sa pagbabalik ng pinakamakapangyarihang pinuno ng masamang angkan, may magbabalik rin na batid kong ikagagalak ninyo." - Dagdag ni Cassiopeia sa kanyang mga sinabi at saka biglang naglaho.
End of Chapter 45
Edited Date: Mar. 15, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...