Hermione Athena POV
Ilang araw na ang lumipas, ito na ang araw ng Play namin at kinakabahan na agad ako kahit na mamaya pa naman iyon. Narito kami ngayon sa silid-aralan namin kung saan nagtuturo si Professor Mcgonagall habang kasalukuyan siyang nagtuturo. Nang biglang tumunog 'yong bell.
***** Kring! Kring! Kring! *****
Inayos na ni Professor Mcgonagall ang mga gamit niya at saka umalis. Siguro nagtataka kayo kung bakit wala ng pinapagawang homework or take home test si Professor Mcgonagel noh? kasi nga raw kopyahan lang kaya ganoon.
Dumating na si Professor Lupin and as usual, bumati siya samin at umupo. Binati rin namin siya at saka niya kami pina-upo. Pagkaupo namin, biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Professor Lupin
"Arrange the chair in the side and prepare yourselves for the play that you will do today." - Ani Professor Lupin na nakatingin sa aming lahat
Oh my! Ito na ang tamang panahon para magsa-dula huhuhu! Kami pa naman ang mauuna at kinakabahan na ulit ako huhuhu!
***** One Hour Later *****
Whooo! grabe nakaka-kaba ah pero buti na lang natapos namin ang Play ng matiwasay. Ito kami ngayon naglalakad na papuntang cafeteria.
Tulad ng araw araw naming ginagawa sa cafeteria, naghanap kami ng mauupuan. Nakahanap na kami ng mauupuan malapit sa bintana subalit labing dalawa ang upuan. Sobra sa aming pito ang maaaring upuan pero ayos lang at least may paglagyan 'yong mga props namin.
Hay! Grabe talaga... Sana hindi mahaba ang ibigay na marka ni Professor Lupin sa ginawa naming pagsasadula.
Ako pa lang ang narito sa table namin dahil sila Marco at Jason ulit ang nag-presintang nag-order ng kakainin namin sa counter. Sina Shone, Andrei, Shigure at Aphrodite ay nagpapalit pa ng damit.
Naghihintay lang ako na dumating sila nang may maramdaman akong may nakatingin ulit sa 'kin. Hindi na ako lumingon dahil alam kong wala naman akong makikita na nakatingin sa akin.
Sa totoo lang, ilang araw ko ng nararamdaman na may nakatingin sa akin at kapag tumingin naman ako sa paligid ay wala namang nakatingin sa akin. Tulad ng mga nakaraang araw, hindi ko na lang iyon pinansin.
Ilang oras ang lumipas, ngayong ay nasa loob na ako ng bahay. Nasa loob ako ng aking silid at nakapagpalit na rin ako ng damit. Nakahiga na ako ngayon sa aking higaan.
Grabe! Nakakapagod ang araw ko ngayon ah. Hay! Ang sarap talaga humiga. Nang biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari ilang araw na ang nakalilipas.
Bakit gano'n ang nangyari sa 'kin? Sino 'yong bumulong sa 'kin? Multo? Kung multo nga, bakit siya nagpaparamdam sa akin?
Habang iniisip ko ang mga tanong na iyon ay nakaramdam ako ng antok kaya natulog na lang ako.
No One POV
Sa mundo ng mga Immortal ay mayroong isang babae na tumatakas mula sa kamay ng mga masasamang nilalang ngunit sa pagtakbo niyang iyon ay nakakita siya ng isang kweba kung kaya't pinasok niya iyon.
Sa pagpasok niya sa kwebang iyon na akala niya'y maaari niyang pagtaguan ay nagulat siya sapagkat iba ang nasasaksihan niya.
Siya ay nasa gubat ngunit may kakaiba sa lugar. Ramdam niya na wala siya sa kaniyang mundo kung kaya't ginamit niya ang kanyang kakayahan, kaya niyang malaman kung saan ang pinakamalapit na tahanan na maaari niyang tuluyan at maaaring makatulong sa kanya.
Sa gabing iyon na kay lalim na ay kanya pa ring tinahak ang daan na bato ngunit sa hindi inaasahan ay may dumating na rumaragasang sasakyan. Siya'y nasagasaan ng rumaragasang sasakyan kung kaya't nawalan siya ng malay.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...