Chapter 43: The Last Will

160 4 0
                                    

No One POV

Matapos sabihin ni Ginoong Harry na nalason si Prinsesa Angela ay tiningnan siya nina Prinsesa Aphrodite at Prinsipe Shone.

Nakita nila ang mga Itim na Ugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Angela, senyales na kumakalat ang lason.

"Prinsipe Shone, hindi ba't isa ka sa pinakamahusay na manggagawa ng mga panlunas?" - Biglang tanong ni Ginoong Harry

"Tama po kayo, Ginoong Harry at dahil ito'y iyong nabanggit, naalala ko na ako ang gumawa ng panlunas sa natamong saksak ni Prinsesa Aphrodite kanina." - Tugon ni Prinsipe Shone sa tanong ni Ginoong Harry, nang maalala niya ang kanyang ginawang panlunas kanina

"Mukang nalason din si Aphrodite ng kanyang kalaban kung kaya't hindi gumaling agad ang kanyang sugat, kahit na mayroon siyang kakayahan bilang bampira na magpagaling ng kanyang sarili." - Ani pang muli ni Prinsipe Shone na nagpa-isip lalo kay ginoong Harry

"Kung gano'n, ano ang mga sangkap ng ginawa mong panlunas? Maaaring ito rin ang angkop na lunas laban sa lason na nasa katawan niya." - Mungkahi ni Ginoong Harry

"Hmm... Maaari nga ngunit hindi naman siya isang bampira kung kaya't may posibilidad na hindi ito tumalab." - Tugon ni Prinsipe Shone kay Ginoong Harry habang ang kanyang kanang kamay ay nasa kanyang baba samantalang ang kanyang kaliwang kamay ay naka-alalay sa kanyang kanang siko, tila nag-iisip

"Hindi ba't maaaring ipanlaban sa lason ang isa pang lason?" - Singit ni Prinsesa Aphrodite kung kaya't napunta sa kanya ang atensyon nina Ginoong Harry at Prinsipe Shone

"Maaari. / Oo." - Sabay na sagot nina Ginoong Harry at Prinsipe Shone

"Kung gayon, maaari kayong gumawa ng panlunas gamit ang aking dugo dahil isa itong lason sa lahat ng uri ng nilalang liban sa mga Mortal at kapwa naming Bampira." - Aning muli ni Aphrodite

"Sige... Ako ng bahalang gumawa ng panlunas." - Pagkukusa ni Shone at ihahanda na sana ang mga kasangkapan ng biglang magsalitang muli si Aphrodite

"Subalit... Maaaring maging kalahating Lobo at Bampira siya ng dahil sa aking dugo." - Dagdag ni Aphrodite

"Huwag kayong mag-alala sa magiging bunga ng magagawang panlunas gamit ang iyong dugo dahil batid kong makakaya niya ang magiging pagbabago sa kanya." - Singit naman ni Ginoong Harry sa usapan nina Aphrodite at Shone

Nagsimula na nga si Shone maghanda ng mga kasangkapang gagamitin sa paggawa ng panlunas. Kumuha siya ng maliit na palayok at sandok.

"Ginoong Harry, mayroon po ba kayong halamang gamot na Wolfsbane?" - Tanong ni Shone

"Mayroon d'yan sa may aparador na lagayan ng mga halamang gamot." - Sagot ni Ginoong Harry habang ginagamot ang ibang mga kawal na sugatan

Tiningnan ni Shone ang aparador at hindi nagtagal ay nakita niya rin ang halamang gamot na kanyang hinahanap. Kinuha niya ito pati na ang lagayan at itinabi sa palayok.

Kinuha niya ang iilang dahon ng Wolfsbane at hiniwa ng pino. Nang mahiwa na niya iyon ng pino, piniga niya ang mga ito at inilagay ang katas sa palayok.

Matapos makatasan ang Wolfsbane, kinuha niya ang palayok kung saan nakalagay ang katas at lumapit kay Aphrodite.

"Patakan mo na ito ng iyong dugo, Mahal ko." - Ani ni Shone ng naka-ngiti

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon