Hermione Athena POV
Paglabas namin ng silid-aralan ni Shigure Ginny ay sakto namang hinihintay ako ni Aphrodite sa labas. Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Shigure Ginny at lumapit kay Aphrodite na kasalukuyang nakatayo na ngayong ng maayos.
Nang nasa harapan na kami ni Aphrodite ay roon ko lamang binitawan ang kaliwang kamay ni Shigure Ginny at saka ngumiti sa kanilang dalawa.
"Aphrodite, siya si Shigure Ginny Swan. Ang magiging bago nating kaibigan." - Pagpapakilala ko sa kanya habang nakalahad ang kamay ko sa harapan ni Shigure
"Shigure, siya naman si Aphrodite. Siya ang sinasabi ko sa 'yong best friend ko na gusto kong ipakilala sayo." - Pagpapakilala ko naman sa kanya kay Aphrodite matapos kong ibaling sa kanya ang tingin ko
Nang walang umiimik sa kanilang dalawa ay papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napansin ko na nakayuko lang si Shigure habang nilalaro-laro ang kanyang dalawang daliri. Mukang nahihiya at naiilang siya kay Aphrodite.
Paano ba naman kasi hindi siya maiilang at mahihiya kung titig na titig sa kanya si Aphrodite habang walang ipinapakita na emosyon. Tsk! sinapian na naman siya ng pagiging cold.
"Hay... Aphrodite, magiging kaibigan na natin siya mula ngayon kaya huwag ka na maging cold sa kanya." - Ani ko kay Aphrodite matapos kong magbuntong hininga
Subalit hindi pa rin niya binabago ang kanyang expression at titig na titig pa rin siya kay Shigure. Mukang kailangan ko pa magpaliwanag.
Fine! Magpapaliwanag na ako para lang nagsalita at mabago na ang mga titig niya kay Shigure. Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Nakabanggaan ko siya kanina sa may gate at nakita kong pareho kami ng hilig. Dahil doon kanya inalok ko siya maging kaibigan." - Pagsasalaysay ko sa mga nangyari kaninang umaga
"Okay." - Malamig niyang ani ngunit titig na titig pa rin siya kay Shigure
"Hay... Kumain na nga lang tayo. Gutom na ako eh." - Yaya ko sa kanila habang naka-akbay pareho sa kanila
Habang nakapatong ang dalawang braso ko sa kanilang balikat ay maglakad na kami papuntang Cafeteria dahil nga nakaramdam na ako ng gutom.
"Hanap na kayo ng mapu-puwestuhan natin. Ako na lang ang mag-i order sa counter." - Pagpi-presinta ko na tinanguan lang nila
"Anong gusto n'yong i-order?" - Tanong ko bago sila maghanap ng mapu-puwestuhan
"Burger and pineapple juice." - Malamig pa ring sabi ni Aphrodite na mukang may sapi pa rin
"Iyon na lang din ang sa akin. Ito ang ipambayad mo ng order ko." - Nahihiya ngunit nakangiti niyang at saka inaabot ang perang galing sa bulsa niya
"Hay naku! Huwag na. Libre ko na kayo ngayong araw." - Pagtanggi ko sa perang inaabot niya habang nakangiti
"Kung gano'n... Salamat sa pag-libre." - Pagpapasalamat niya na nginitian ko lang at saka umalis para magpunta sa counter
Pagdating ko sa counter ay medyo mahaba ang pila kung kaya't pumila ako roon sa pila na medyo nabawasan na. Buti na lang talaga tatlo ang pila lagi rito tuwing break time. Wala akong magagawa kundi pumila at naghintay ng pagkakataon ko kahit ramdam na ramdam ko na ang pagkagutom.
Shigure Ginny Swan POV
Pagtapos kunin ni Hermione 'yong order namin ay umalis na siya para pumunta sa counter. Libre niya ang kakainin namin ngayon. Ang bait naman niya.
No'ng nagkabanggaan kami kanina ni Hermione sa gate, naramdaman kong siya na nga ang Itinakda na dapat kong bantayan at protektahan. Iyon ang dahilan kung bakit ako nakipagkaibigan sa kanya at nang sa gano'n ay magampanan ko ng maayos ang aking tungkulin.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...