Chapter 19: The Unordinary Shadow

261 8 0
                                    

Someone POV

Tapos na ang klase namin kay Professor Lupin kaya pupunta na kami sa cafeteria para kumain dahil vacant time na namin. Nakahanap agad kami ng table kaya umupo na kami.

Nag-presinta sina Jason at Marco na sila na ang mag-o order ng kakainin namin. Ilang sandali lang ay dumating na sila at ibinigay na nila ang mga pagkain namin.

Actually, natutuwa ako dahil hindi pinapansin ng Aking Irog si Jason sa pagkindat sa kanya. Napansin ko rin na talagang malakas kumain si Athena dahil sa aming pito, siya lang ang may order ng Friend Pork Chop with two Rice at dalawang basong tubig.

Siguro ay nagtatanong kayo kung sino ako noh? Actually, may clue na nga kayo kung sino ako  hindi ba? Okay, back to story na tayo.

Nang tapos na kaming kumain liban kay Hermione Athena, ay hinintay namin siyang matapos. Kung tutuusin, nagbabantay rin ang dalawang Hari at sa tingin ko'y naramdaman ni Hermione Athena ang tingin nila sa kanya.

Nang matapos ng kumain si Hermione, naglakad na kami patungo sa Archery Class namin. Hindi nagtagal ay narito na kami sa Archery Room dahil nga Archery Class na namin.

Bigla kong naalala 'yong announcement kanina ni Head Master sa great hall. Napaka-strikto talaga nila kahit kailan at dapat kang matakot sa kanila dahil kapag gumawa ka ng hindi nila gusto ay tiyak na malalagot ka.

Napabalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa likod namin. Si Professor Son lang pala ang nagsalitang iyon. Kung kanina sa announcement ay may ngiti sa mga labi niya, ngayon ay wala na.

Tapos na niyang sabihin ang kanyang mga rules kaya pinaupo na niya kami. Ipinaliwanag niya na rin kung paano gagawin ang Activity na sinasabi niya. Infairness ah... mas mahusay pa silang magsalita ng wikang ingles kaysa sa aming apat.

"This is not actually an activity but this will serve as your group activity, got it?" - Pagkaklaro ni Professor Son sa activity na kanyang pinapagawa

"I want you to have a research about Archery. As I said earlier, this will serve as your group activity but I'll group you into four. I have a List of your names and as I call your name you should go to your group." - Ani ni Professor Son

Huh?! RESEARCH?! Kainis akala ko hahawak agad kami ng mga Busog at Palaso... I mean ng Bow and Arrows, hindi pa pala. Gusto ko na hawakan 'yong nakita kong Bow eh... ang ganda kasi. Buti na lang kaya ko pang pigilan ang inis ko.

"Okay! First group are Athena, Aphrodite, Shigure, Shone, Jason, Marco and Andrei. Second group are Maine, Ana, Marie, Blah, Blah, Blah." - Pagtawag ni Professor Son sa mga pangalan ng mga magiging magka-group na hindi ko na masyadong pinakinggan pa

Buti na lang ka-group ko ang Itinakdang Prinsesa at ang Aking Irog, hindi namin ka-grupo 'yong may hindi magandang gagawin sa Itinakdang Prinsesa.

"It's settled now. So, you may go to your group and start your research. Oh! By the way, you may use your mobile phone so that you can't leave here in this room." - Ani ni Professor Son bago lumabas ng Archery Room

Hermione Athena POV

Huh?! Research?! Anubayan! Akala ko ito na ang pagkakataon ko upang maipakita ang kakayahan ko sa paghawak ng Busog at Palaso. Hindi pa pala dahil mag-research daw muna eh. Pero okay lang at least puwedeng gumamit ng phone hahahaha!

Speaking of research... hahahaha! I-search ko nga 'yong mga pictures nina Bibi Xiao Lu ko, Kyungsoo Mahal at Bo Gum My Loves hahahaha!

Umupo na nga kami at hinayaan ko na lang sila na mag-search samantalang ako ito, nag-search ng mga pictures hahahaha!

Nagtataka siguro kayo kung bakit ayaw kong mag-search about Archery... kasi nga alam ko na. Gusto niyo i-kwento ko pa sa inyo? Kaya lang huwag na kasi nga nagsu-search ako ng mga pictures ni Bibi Xiao Lu ko, Kyungsoo Mahal at ni Bo Gum My Loves eh.

Pagkatapos kong mag-search ng mga pictures, nakita kong tapos na rin sila mag-research. Nang biglang pumasok si Professor Son.

"Students, are you done to search about the Archery?" - Tanong ni Professor

"Okay, it will be your presentation since it's already time. So, every group should have a presentation by tomorrow or your score in the group activity will become zero." - Ani ni Professor Son na wala na namang emosyon, hindi tulad kanina sa great hall

Hay naku! Hindi man lang magpakita ng ibang emosyon si Professor Son, parang si Professor Imperial. Kaya lang... feeling ko mas malala si Professor Imperial

"Okay Class! You may now go to your Martial Arts Class." - Ani ni Professor Son na nakatingin sa 'kin

Hmm... bakit kaya siya nakatingin sa 'kin? Siguro nagagandahan siya sa DIYOSANG tulad KO hahahaha!

Hay naku Athena, magtigil ka nga. Akala ko ba may MGA ASAWA at BOYFRIEND ka na hindi ba? - Ms. W

Hahahaha! Oo nga pala hahahaha! Gwapo naman si Professor Son eh kaya lang... mas GWAPO sina Bo Gum My Loves, Kyungsoo Mahal at Bibi Xiao Lu ko hahahaha!

Nga pala, nandito na ako sa Martial Arts Class. Wait... AKO!?

Lumingon ako sa paligid ko, wala 'yong mga kaklase ko kahit sina Aphrodite ay wala rin. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng kakaibang presensya pero wala naman akong makita na pinanggagalingan no'n.

"Mapapasa akin ka rin, Mahal na Prinsesa." - Bulong sa 'kin ng kung sinong nilalang kung saan ko naramdaman ang kakaibang presensya na iyon

Nang maramdaman kong wala na ang kakaibang presensya na iyon ay lumingon ako sa aking  paligid. Nakita ko si Professor Imperial na walang emosyon pa rin ang muka ngunit bakit parang... nakakita ako ng pag-aalala sa kanyang mga tingin sa akin?

Ilang minuto ang lumipas ay dumating sila Aphrodite na may pag-aalalang tingin sa akin at kasunod noon ay ang pagpasok din ng mga kaklase namin.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ganoon ang tingin nila sa 'kin at bakit napansin ko na ngumisi si Maine?

Parang may nangyayari na hindi ko alam... isinusumpa ko sa ngalan ng Lolo ko, aalamin ko kung ano iyon.

"You may now take your seat." - Ani ni Professor Imperial sa ma-otoridad na pananalita

Umupo kaming lahat sa mga upuan pero siyempre tumabi ako kina Aphrodite.

Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari sa 'kin kanina. Bakit nakakaramdam ako ng mga hindi ordinaryo?

Isa pa, lagi kong napapanaginipan 'yong lalaking dilaw ang mata na pinatay ng lalaking may pulang mata na hinalikan ako. Kailangan ko na talagang malaman kung anong nangyayari sa akin.

End of Chapter 19

Edited Date: Feb. 6, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon