Chapter 35: Came Back Home

156 4 0
                                    

Marco POV

Sinampal niya ako na nagpabalik sa aking katinuan. Napalingon ako sa kanan ko dahil medyo malakas ang pagkakasampal niya sa akin.

"Aray naman! Masakit iyon ah." - May kaunting inis kong sabi sa kanya

"Nakatulala ka kasi at hindi ko batid kung paano ka babalik sa iyong katinuan, kaya sinampal kita." - Sabi niya sa akin

"Hay... hayaan mo na nga. Ayos ka na ba? Pati ba ang iyong mga dadalhin ay ayos na?" - Tanong ko sa kanya

"Oo, ayos ng lahat." - Tugon niya sa aking tanong

"Oh siya, magtungo na tayo sa labas." - Sabi kong muli sa kanya

Nagsimula na akong maglakad patungo sa labas at ramdam ko na nakasunod siya sa akin kung kaya't ipinagpatuloy ko lamang ang aking paglalakad.

Pagdating ko sa labas ay gumawa ako ng isang portal ngunit iba ito sa ginagawang portal ni Ginoong Harry dahil ang gawa kong portal ay nakalatag sa lupa.

"Mauna ka na, Bea. Isa iyang portal na patungo sa Immortallia." - Sabi ko sa kanya

"Huh? D'yan tayo daraan? Baka naman madumihan tayo n'yan." - Tanong niya

"Oo, ayaw mo ba? Kung ayaw mo ako na ang mauuna." - Sabi ko at tumalon na ako sa Portal

Angela POV

Tumalon na si Marco sa loob ng portal. Samantalang ito ako, nakatayo pa rin sa lugar kung saan ako nakatayo magmula pa kanina. Pa'no ba naman kasi ako tatalon d'yan?

Unang-una, muka itong kumunoy na lalamon sa iyo ng buhay kapag tumapak o tumalon ka. Pangalawa, parang madudumihan ako pati na ang suot kong damit. Panghuli, hindi ako sanay dumaan sa mga ganyang uri ng portal, nahihilo ako.

"Angela! Tumalon ka na sa portal dahil malapit na itong magsara." - Sigaw ni Marco na nasa loob ng portal

Nang sumigaw si Marco sa loob ng portal at sinabing malapit na itong magsara. Napatingin ako sa portal at nakita kong unting-unti na itong nagsasara kung kaya't tumalon na ako dahil wala naman akong ibang pagpipilian.

Tumalon ako ng nakapikit ang mata dahil pakiramdam ko mahihilo na ako. Nakapikit pa rin ako ngunit ramdam ko ang dalawang bisig na sumalo sa akin. Ramdam ko rin ang mainit niyang malalim na paghinga. Nagpabilis ito sa tibok ng aking puso.

"Maaari ka ng bumaba. Ramdam ko rin na unting-unti ng nababali ang aking mga bisig dahil sa sobrang bigat mo." - Ani ni Marco na halatang nahihirapan na sa pagbubuhat niya sa 'kin

Napadilat ako sa sinabi niya. Agad akong umalis sa kanyang mga bisig. Subalit ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Batid ko na mabigat ako kung kaya't hindi mo na ito kailangan pang sabihin." - May pagtataray kong ani sa kanya

"Isa pa, hindi ko hiniling sa iyo na ako'y saluhin mo. Subalit nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo na sinalo mo ako." - Ani ko sabay talikod sa kanya

Tumalikod ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay sobrang init na nagiging sanhi nang pagkapula ng aking pisngi.

"Nalimutan kong sabihin. Narito na tayo sa Kaharian ng Vamperia." - Sabi ni Marco na naging dahilan ng pagtingin ko sa paligid

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko nga na nasa Kaharian kami ng Vamperia. Napatunayan ko iyon dahil sa amoy ng mga kawal.

Marahil ay nagtataka kayo kung paano ko nalaman na Bampira sila batay lamang sa kanilang amoy. Ngunit hindi ko muna ipapabatid sa inyo kung paano hangga't hindi ko pa nakikita ang aking kapatid.

Jason POV

Tapos na ang digmaan sa pagitan namin at ng mga lumusob na kalaban. Gumamit ako ng engkantasyon upang maglaho ng parang bula ang mga katawang wala ng buhay.

Pagtapos maglaho ng mga bangkay ay gumamit naman ako ng isa pang engkantasyon upang mapunta kami ni Shigure sa hardin kung saan malapit ang lawa.

Pagdating namin ay naglakad-lakad muna kami sa gilid ng lawa at nag-usap ng kung ano-ano habang magkahawak ang aming mga kamay.

Nais niyo bang malaman kung tungkol saan ang aming pinag-usapan? Kaya lang... tinatamad akong magkwento eh hahahaha!

Napagod kaming maglakad kung kaya't umupo muna kami sa damuhan at sumandal sa puno. Pumikit ako ngunit magkahawak pa rin ang aming kamay.

Gising pa rin ang aking diwa dahil nakikiramdam ako sa paligid. Naramdaman ko na bumigat ang aking kanang balikat kung kaya't idinilat ko ang aking mata. Nakita ko si Ginny na nakatulog na pala.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking Wand at nagbigkas ng engkantasyon. Sa isang iglap lang ay nakarating na kami sa kanyang silid.

Inihiga ko siya ng maayos sa kanyang higaan at saka tinanggalan ng sapatos. Kinumutan ko na rin siya dahil baka siya ay lamigin. Tiningnan ko ang kanyang mukha.

Napakarikit niya talaga at napakabuti. Mas gusto ko pa siyang magmukhang Manang dahil sa kanyang kasuotan na nakakapagkubli sa tunay niyang kagandahan, kaysa naman magsuot ng mga modernong damit na animo'y kinulang sa tela.

Napunta ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi. Tila ba... ang sarap nitong tikman. Ano kayang lasa ng kanyang mapupulang labi?

Hoy Jason! Magtigil ka nga, tandaan mo hindi ka manyak... mapang-asar lang. Isa pa, iniibig mo siya at ng dahil doon ay iginagalang mo ang bawat pasya niya.

Ay sus! Maka-alis na nga lang at ng makapagpahinga. Baka kasi may magawa ako na hindi ko PA dapat gawin.

Gumamit muli ako ng engkantasyon at napunta na ako sa aming silid. Pagdating ko'y agad akong humiga sa aking higaan at natulog.

***** Kinabukasan *****

Narito kaming lahat sa hapag-kainan at kumakain ng agahan, liban kay Prinsesa Hermione dahil nga nasa pagsasanay siya ngayon.

Malapit na kaming matapos kumain nang may maramdaman akong enerhiya na hindi pamilyar. Subalit ramdam ko rin ang enerhiya ni Marco na papalapit sa amin.

Nang tapos na kaming kumain lahat ay agad kaming umalis ng dining area at nagpunta sa Sala. Pagdating sa Sala ay naabutan namin si Marco na nakaupo sa isang upuan katabi ang isang babae na hindi ko kilala.

Tiningnan ko si Haring Joshel Frederick at sina Aphrodite. Subalit ang naging reaksyon ni Andrei ang nakakapagtaka. Kung dati'y hindi ka makakakita ng kahit anong reaksyon, ngayon ay mababakas sa kanyang mukha ang pagkabigla at saya.

Andrei POV

Tapos na kami kumain ng agahan at patungo na kami sa Sala upang tagpuin si Marco at ang kanyang kasama. Pagdating namin sa Sala, nakita namin si Marco na may katabing isang babae habang nakaupo sa upuan.

Nakita ko pa lamang ang likurang bahagi ng naturang babae ay may naramdaman akong kakaiba sa kanya at batay sa kanyang amoy, magka-uri kami't parehas ng pinagmulang Angkan.

Nabigla ako sa kanyang pagharap. Ang laki na ng kanyang pinagbago magmula no'ng huli naming pagkikita at pagkakasama. Mukhang natagpuan ko na ang isa sa mga matagal ko ng hinahanap.

End of Chapter 35

Edited Date: Mar. 3, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon