Chapter 42: Finding an Antidote for Princess Angela

166 3 0
                                    

Hector Anthony POV

Paglingon ko sa aking likuran, nakita ko ang aking mga kawal na unti-unting nauubos habang ang iba'y humihiyaw dahil sa mga natamo nilang sugat.

Pupuntahan ko na sana sila nang bigla kong maalala si Heneral Seol Won na aking napaslang kani-kanina lamang.

Nilingon ko siya sa lupa kung saan nakaratay ang kanyang labi ngunit wala na ito. Nakakapagtaka iyon subalit kailangan ko na munang tulungan ang aking mga kawal.

Gumawa ako ng lindol kung saan naglalaban ang aking mga kawal pati na ang mga masasamang angkan. Iyon ang naging dahilan kung kaya't nawala ang kanilang atensyon sa aking mga kawal.

Gamit ang aking Kaliwang kamay, ginamit ko ang aking Kakayahan na Hangin upang palutangin ang aking mga kawal. Gamit naman ang aking Kanang kamay, gumawa ako ng mga bolang apoy na sakto lamang ang laki at ibinato iyon sa kanila.

Lumikha ng mga pagsabog ang pagbato ko ng mga bolang apoy sa mga kawal ng Masamang Angkan. Dahil sa pagsabog na naganap ay nasunog ang kanilang mga katawan at sumama sa ihip ng hangin ang kanilang mga abo.

Ibinaba ko na ang aking mga kawal at agad namang ginamot ng mga manggagamot ang mga sugatan. May nararamdaman akong enerhiya na lumapit sa akin kung kaya't nilingon ko ito. Nakita kong si Zephyra lang pala ang lumapit sa akin.

Batid kong kilala na ninyo si Zephyra dahil siya ang aking Kalihim ngunit nalimutan kong ipabatid sa inyo na isa rin siyang manggagamot.

Lumapit siya sa akin upang lunasan ang aking mga natamong sugat. Tumayo siya sa aking harapan at itinapat sa akin ang kanyang dalawang palad na tila ba ako'y kanyang itutulak.

Madilim na ang kalangitan ngunit tanaw ko pa rin ang kanyang napakaamong mukha dahil sa paglunas niya sa aking mga sugat, nagliliwanag ang kanyang kamay na nagsisilbing liwanag.

Napatingin siya sa akin nang tapos na niyang lunasan ang aking mga sugat, iyon ang naging dahilan kung kaya't nabaling ang aking paningin sa ibang direksyon.

Sapagkat hindi ko nais na makita niya ang aking pagtitig sa kanyang mukha. Marahil ay naramdaman niya ang aking pagtitig sa kanya habang ako'y kanyang nilulunasan.

"Tapos ko na po kayong lunasan, Kamahalan. May maipaglilingkod pa po ba ako sa inyo?" - Tanong niya habang nakayuko na sa aking harapan

"Ikaw, ayos ka lamang ba?" - Tanong ko habang nakatingin pa rin sa ibang direksyon ngunit kita ko siya sa aking peripheral vision

"Ayos lamang po ako, Kamahalan. Nalunasan ko na rin po ang ibang mga kawal na sugatan." - Sagot niya sa aking katanungan

Magsasalita sana akong muli ngunit may narinig akong tinig na hindi ko inaasahang marinig.

"Mabuti naman ay nagtagumpay kayo sa digmaan na naganap sa pagitan ninyo at ng mga Masamang Angkan." - Ani ng tinig sa aking likuran

Tiningnan kong muli si Zephyra at nakita ko na nakayuko pa rin siya, tila ba hindi siya nagulat sa tinig na iyon.

Humarap ako sa aking likuran upang makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon, ngunit may hinuha na ako kung kanino nanggaling ang tinig na iyon.

Sa aking pagharap ay bahagya akong nagulat sa aking nakita subalit nawala rin ang pagkabigla kong iyon.

Shone POV

Nagapi ko na ang kalaban kong kawal. Inilibot ko ang aking paningin, nang bigla kong makita ang aking Prinsesa na may saksak ng espada mula sa kanyang kalaban.

Agad akong tumakbo patungo sa kanya dahil nakita kong babagsak na siya sa lupa. Hindi ko maiwasang tumangis dahil sa aking nasaksihan na nangyari sa aking si Aphrodite. Hindi siya maaaring mamatay sapagkat makikipag-isang dibdib pa siya sa akin.

Ako ang Prinsipe ng mga Elf at isa ako sa pinakamahusay na manggagawa ng panlunas.

Shone, kailangan mong gumawa ng panlunas. Subalit, kailangan ko muna siyang bigyan ng paunang lunas.

Kumuha ako ng tela mula sa aking kasuotan at ipinantapal ko sa kanyang sugat. Ginawa ko iyon upang mapigilan ang tuluyang pagtagas ng kanyang dugo mula sa kanyang katawan.

Pagtapos kong gawin ang paunang lunas ay dinala ko siya sa sala at inilapag sa mahabang Sofa. Nagtungo agad ako sa kusina upang tingnan kung mayroon pa silang dugo na nakatago.

Binuksan ko ang freezer nila at may nakita akong isang bag ng dugo. Kinuha ko ito at agad na inilagay sa baso, kumuha na rin ako ng kutsara.

Binalikan ko si Aphrodite at saka umupo sa kanyang tabi. Inilapag ko muna ang basong may laman na dugo sa ibabaw ng mesa at kinuha ang patalim sa a king tagiliran.

Gamit ang patalim na iyon ay sinugatan ko ang aking palad at hinayaang tumulo ang aking dugo sa basong iyon, mga ilang patak lang naman ang aking inilagay.

Ito na lamang ang naiisip kong natatanging paraan upang malunasan ang aking irog. Maraming dugo ang nawalay sa kanyang katawan kung kaya't kumuha ako ng isang blood bag at ihinalo ang aking dugo roon.

Gamit ang kutsara ay sumandok ako ng dugo sa baso at dahan-dahang ipina-inom sa kanya iyon. Nawa'y malunasan ng ginawa kong panlunas ang sugat niya sa kanyang tagiliran.

Ipinainom ko lang 'yon sa kanya hanggang sa maubos ang laman ng basong iyon. Hindi na ako nagulat noong nakita kong umangat siya mula sa sofa na kanyang kinahihigaan at biglang nagliwanag ang tagiliran niya kung nasaan ang kanyang sugat.

Hindi rin ako nagtaka na nagliwanag ang kanyang tagiliran kung nasaan ang kanyang sugat, ibig sabihin lamang no'n ay tumalab ang ginawa kong lunas para sa kanya.

Ilang sandali pa ay nawala ang liwanag at kasabay no'n ang pagbaba ng kanyang katawan muli sa kanyang hinihigaang sofa.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Sa paghawak kong iyon sa kanyang kamay ay bigla na lamang dumilat ang kanyang mata at umupo sa kanyang kinahihigaan.

"Anong nangyari kay Prinsesa Angela? Nakita ko siyang nasaksak ng kanyang kalaban, marahil ay malubha ang kanyang kalagayan." - Bungad niyang tanong na may pag-aalala

"Kung gayon ay kinakailangan natin siyang puntahan. Maaari akong makatulong sa panggagamot." - Ani ko sa kanya

Hinawakan ni Aphrodite ko ang aking kamay at nag-teleport kami kung nasaan ang maliit na tanggapan ni Ginoong Harry.

Nakita namin si Ginoong Harry na aligaga sa iba pang mga sugatan. Nakita rin namin si Angela na nakahiga sa isa sa mga higaan na para sa mga pasyente rito sa maliit na tanggapan. Nilapitan ko siya upang makita siya ng malapitan.

Nakita kong may benda siya sa kanyang tagiliran. Kinuha ko ang kanyang kamay at pinulsuhan, nararamdaman kong may pulso pa siya ngunit mahina. Mukang malubha nga ang kanyang kalagayan.

Lumingon ako upang hanapin ang aking prinsesa at natagpuan ko siyang kinakausap si Ginoong Harry. Lumapit ako sa kanila upang mapakinggan ang kanilang usapan at magmungkahi tungkol sa kalagayan ni Prinsesa Angela.

"Maging ako ay naging malubha rin ang kalagayan ngunit naagapan ako. Kasalanan ito ng Masamang Angkan." - Ani ni Aphrodite habang nakakuyom ang kanyang kamay at bakas sa kanyang mukha ang poot na kanyang nararamdaman

"Huwag kang mag-alala dahil malulunasan natin ang natamong sugat ni Prinsesa Angela. Makakahanap tayo ng naaangkop na panlunas para sa kanya." - Ani ko sa kanya habang hawak ko ang kanyang nakakuyom na kamay

"Sa aking palagay, Hindi pangkaraniwang espada ang ginamit na pangsaksak kay Prinsesa Angela. Dahil kung iyon ay pangkaraniwang espada lamang, napahilom ko na ang natamo niyang sugat." - Ani ni Ginoong Harry

Napatingin kaming dalawa ni Aphrodite kay Ginoong Harry nang sabihin niya ang mga salitang iyon, marahil ay tama siya.

"Sa tingin ko'y may lason ang espadang ginamit sa kanya at mukang kumakalat na ang lasong iyon sa kanyang katawan." - Ani muli ni Ginoong Harry

Binalingan ko ng tingin si Angela, may nakikita akong mga maliliit at maiitim na ugat sa kanyang katawan.

Kailangan namin makaisip agad ng pinakamabisang panlunas sa lalong madaling panahon dahil kung hindi agad siya malulunasan ay maaari siyang mamatay.

End of Chapter 42

Edited Date: Mar. 12, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon