Chapter 7: The Another Vision and the Suspicion

656 20 2
                                    

NO ONE POV

Nang umalis sina Victoria at Alunsina sa kanilang silid-aralan, nakita nilang naghihintay sa labas ng kanilang silid-aralan si Paula. Lumapit sina Alunsina at Victoria sa naghihintay na si Paula at nginitian.

"Naghintay ka ba ng matagal?" Bungad na tanong ni Alunsina kay Paula na may ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi naman, kararating ko lang din." Tugon naman nito sa kaniya na walang kaemo-emosyon ang muka.

"Nga pala, kasama ko nga pala ang kaklase ko na bago nating kaibigan. Siya si Victoria Asuncion." Pagpapakilala ni Alunsina sa kasama niyang kaklase kay Paula.

Tiningnan ni Paula si Victoria na tila ba sinusuri ang buong pagkatao nito. Hindi nagtagal ay bahagyang napangiti si Paula at saka tumango.

"Ayan, magkakilala na kayo," Masayang ani ni Alunsina bago bumaling kay Victoria para bumulong. "Pagpasensyahan mo na si Paula, ganiyan talaga yan."

Ngumiti si Alunsina at sinabing, "Tara, sabay-sabay na tayong pumunta sa Canteen. Alam kong gutom na rin kayo."

Nagsimula na silang tatlo maglakad patungong canteen. Nang makarating sila roon ay agad silang humanap ng bakanteng mesa at saka ito in-okupa.

"Ano gusto ninyong kainin? Ako na ang mag-o order." Tanong ni Alunsina sa kanila.

"Huwag ka ng mag-abala, ako na lang mag-order ng sakin." Sagot ni Victoria

"Sige na, sabihin mo na kung ano gusto niyo kainin. Libre ko naman sa inyo iyon." Ani naman niya nang tumanggi si Victoria.

"Sigurado ka?" Ani ni Victoria na tinanguan lamang ni Alunsina.

"Sige, kung ganon ay potato fries lang at mango juice." Dagdag na ani ni Victoria sa kaniya na may nahihiyang ngiti.

"Burger and Pineapple juice." Sagot naman ni Paula.

Matapos marinig ni Alunsina ang mga gusto nilang kainin, nagpunta na siya sa counter ng canteen at pumila.

Habang nakapila si Alunsina sa harapan ng counter, naalala ni Victoria ang kaniyang naramdaman nang nagkabanggaan silang dalawa kanina sa may harap ng gate ng school. Naramdaman niya na si Alunsina na nga ang kaniyang hinahanap, ang nilalang na kailangan niyang bantayan at protektahan ano mang mangyari.

Iyon ang dahilan kaya nakipag-kaibigan siya kay Alunsina at kailangan niyang gawin ang kaniyang tungkulin.

Ang na-okupa nilang mesa ay malapit sa entrance ng canteen at kasalukuyang nakaupo roon sa mga upuan sina Victoria at Paula.

Ramdam din ni Victoria na hindi isang tao si Paula dahil sa enerhiya nito na kailanman ay hindi magkakaroon ang isang tao. Batay sa enerhiya ni Paula, naramdaman niyang hindi ito isang ordinaryong bampira.

Bahagyang nagitla si Victoria nang naramdaman niya ang malamig na titig ni Paula sa kaniya subalit agad niyang itinago ang pagkagitla niyang iyon.

Kinalma ni Victoria ang sarili upang malaman kung may ideya ba si Paula kung anong uri ng nilalang siya.

"Ipapakilala mo kung sino ka." Malamig na sabi ni Paula sa kaniya.

"Hindi ba't ipinakilala na ako kanina ni Alunsina sa 'yo na akoo si Victoria Asuncion?" Ani naman niya kay Paula na isinawalang bahala ang malamig na pakikitungo nito sa kaniya.

"Hindi mo ako malilinlang," Ani muli ni Paula na  may kaunting pagka-inis.

"Batid kong alam mo na hindi ako tao at batid ko rin na kahit IKAW ay hindi tao." Dagdag pa ni Paula sa kaniyang sinabi na binigyang diin ang salitang "ikaw".

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon