Aphrodite Paula POV
Na-cute-an talaga ako sa batang tigre ngunit hindi ko ito ipinahalata at sa halip ay umupo ako sa bakanteng Sofa.
"Magandang araw sa inyo, mga Kamahalan. Batid ko na nagulat kayo sa aking biglaang pagdating at marahil ay hindi ninyo ako kilala o kahit natatandaan man lamang. Kung kaya't magpapakilala na muna ako sa inyo. Ako si Cassiopeia Hera Dumbledore, mas kilala bilang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap." - Ang sabi ng babae na may kasamang batang tigre
"Kung gano'n... ikaw pala ang nagpabatid kina Haring Hermes at Reyna Artemis tungkol sa nakatakda sa aking Itinakdang Prinsesa?" - Tanong ng Kuya ko sa usual niyang itsura at pananalita
"Ganoon na nga." - Sagot ni Cassiopeia na tila ba hindi na-aapektuhan sa pananalita ng aking kapatid
Siya pala ang tanyag na Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap. Inferness ah... ang ganda niya kahit na halata na sa mukha niya na may edad na siya.
Patuloy pa rin silang nag-uusap samantalang sina Ginoong Harry ay tahimik pa ring nakikinig sa usapan nila. Ako? Ito naiinip na at tila nakakaramdam na ng antok kaya nag-teleport ako sa aking silid at agad na humiga sa aking higaan upang matulog.
Someone POV
Nakita ko ang aking Irog na ginamit ang kapangyarihang mag-teleport. Hay... napakamainipin at antukin talaga ng aking Irog.
Nang wala na siya ay nakinig na ako sa pinag-uusapan nina Haring Joshel Frederick at Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap.
"Ano ang iyong dahilan at naparito ka?" - Tanong ni Haring Joshel na as usual ay poker face pa rin
"Kasama ko ang aking alaga na si Inuyasha, siya ang ginamit kong mensahero upang ipadala ang liham na nakita mo sa iyong silid." - Ani niya habang hinahaplos ang ulo ng batang tigre na kanyang katabi
"Narito ako upang ipabatid sa iyo, mahal na Hari ng Vamperia na hindi magtatagal ay lulusob ang ating mga kalaban sa Kaharian ninyo at ng Elementallia para hanapin ang Itinakdang Prinsesa. Kailangan na niyang malaman ang lahat ng tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Isa pa, kami ng Itinakdang Prinsesa ay may pagkakatulad sa isa't isa..." - Ani ni Binibining Cassiopeia na ibinitin pa ang huling pangungusap
"Kung iyong mamarapatin, nais kong ako na lamang ang magsanay sa Itinakdang Prinsesa upang makontrol niya ng maayos ang kanyang mga kakayahan." - Ani ni Binibining Cassiopeia sa nais niyang mangyari
"Totoo ba 'yan? Maaari bang kami na lamang ang magsanay sa kanya?" - Sunod-sunod na tanong ni Haring Joshel na wari ko'y nalulungkot malaman ang balitang iyon
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man magpakita ng emosyon ang Mahal na Hari ay tiyak akong labis siyang nalulungkot sa ibinalita ni Binibining Cassiopeia.
"Nakakalungkot mang isipin ito para sa iyo ngunit mas maganda kung ako ang magsasanay sa kanya. Tulad nga ng aking tinuran ay may pagkakatulad kaming dalawa ng Itinakdang Prinsesa." - Sagot ni Binibining Cassiopeia sa tanong ni Haring Joshel
"Ilang araw pa ang kanyang pamamalagi sa akin?" - Tanong muli ni Haring Joshel
"Sa tingin ko hanggang sa tanggap na niya ang nakatakda sa kanya. Sapagkat kailangan na niyang magsanay sa lalong madaling panahon." - Sagot muli ni Binibining Cassiopeia
"Wala ka na bang iba pang iuulat? Kung wala na'y maaari ka nang umalis." - Sabi ni Haring Joshel na poker face pa rin ngunit may napansin akong isang butil ng luha ang tumakas mula sa kanyang mata
Tumango at yumukod si Binibining Cassiopeia bago umalis. Samantalang kami nila Ginoong Harry ay tahimik pa ring nakaupo.
Nang biglang tumayo si Ginoong Harry at umalis sa sala. Marahil ay gusto niyang mapag-isa muna si Haring Joshel kaya tumayo rin ako at umalis. Sumunod naman 'yong apat sa akin.
Nagtungo ako sa landas na patungo sa mga silid. Naramdaman ko ang enerhiya ni Shigure na nawala, marahil ay tutungo siya kung saan niya nais.
Pumunta ako sa silid namin. Oo namin. Nalimutan kong sabihin na magkasama kaming apat sa isang silid. Nang nakarating na kami sa aming silid, humiga ako sa aking higaan at saka natulog.
Hermione Athena POV
Nasa gubat ako at may nakita akong lalaking may dilaw na mata. Kinakalaban niya ang lalaking may pulang mata, malabo ang kanilang mga mukha. Subalit nagulat ako nang magbagong anyo ang lalaking may dilaw na mata at naging isang itim na lobo.
Napasigaw ako sa gulat kung kaya't napunta ang atensyon nila sa akin. Nang tumingin silang dalawa sa akin, agad akong napatakbo. Habang tumatakbo, lumingon ako at nakita kong hinahabol ako ng itim na lobo kaya tumakbo ako ng mabilis.
Paglingon kong muli sa likod ay nagbalik nang muli sa kaninang anyo ang lobo at nakita kong hawak na ng lalaking may pulang mata ang puso ng kalaban niya.
Tumakbo akong muli dahil sa aking nasaksihan. Subalit nagulat akong muli nang makita ko ang lalaking may pulang mata sa aking harapan habang unti-unting lumalapit.
Tatakbo pa sana ako ngunit sa isang iglap lamang ay ilang sentimetro na lang ang layo niya sa 'kin at nang dahil doon ay malaya ko ng natititigan ang kaniyang mukha.
Ang kaninang malabo niyang mukha ay malinaw ko nang nasaksihan at nabigla na lamang ako noong ako'y hinalikan niya sa labi.
***** ***** ***** *****
Napanaginipan ko na naman iyon ngunit sa pagkakataong yaon ay malinaw ko ng nakita ang kaniyang mukha. Si Ginoong Trinchera ang nakita ko at siya pala ang humalik sa akin.
Hala! Bakit mabilis ang tibok ng aking puso na tila ba tumakbo ako ng mabilis sa Olympics?
Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso, nang bigla kong naalala 'yong Mahiwagang Kahon na ibinigay sa akin ni Ama este ni Tiyo. Dali-dali akong tumayo sa aking higaan at hinanap ito. Nakita ko naman ito sa ibabaw ng study table. Kinuha ko ito at umupo sa aking higaan.
Binuksan ko ang Mahiwagang Kahon. Subalit agad akong napapikit dahil nagkaroon ng matinding liwanag ang kahon. Pagdilat ng aking mata ay nakita ko ang isang kuwintas na nakalutang sa hangin.
Ito ay isang gintong kuwintas na may pendant na pulang dragon. Ang pendant na pulang dragon ay may bilog na hiyas na kulay puti't itim sa kanyang kamay. Kung alam ninyo ang simbolo ng Yin at Yang ay 'yon iyon.
End of Chapter 23
Edited Date: Feb. 11, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...