Chapter 5: The Dream

854 27 0
                                    

THIRD PERSON POV

Ang kalahati ng tao sa mundo ng mga mortal ay mahimbing nang natutulog. Samantalang sa mundo ng mga immortal ay nagsisimula pa lamang ang panibagong araw. Sa mundo ng mga immortal, may isang binatang hari ang mag-isang kumakain ng kaniyang almusal. Makikita sa kaniyang wangis ang kalungkutan habang ina-alala sa kaniyang isipan ang alala sa kaniyang mga magulang pati na ang nakababatang kapatid na noon ay nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang makaramdam ng isang enerhiya. Batay sa lamig ng enerhiyang ito, alam niya na dumating ang hari ng mga bampira. Agad niyang binitawan ang kubyertos na hawak sa ibabaw ng hapag-kainan at uminom ng tubig.

Pinunasan niya ang ang kaniyang labi gamit ang serbiliyeta bago ito inilapag sa ibabaw ng mesa. Pagtapos ay sumandal siya sa likod ng inuupuan at saka tiningnan ng malamig ang Hari ng Vamperia.

"Ano ang iyong dahilan at naparito ka, Hari ng Vamperi?" Tanong niya sa malamig na tinig dahil sa paggambala ng bampira sa kaniyang pagkain ng almusal.

"Nais ko lamang ipabatid sa iyo na ang iyong nakababatang kapatid, ang prinsesa ay nasa mabuting kamay," Sinagot ng bampira ang kaniyang katanungan gamit ang malamig at mababang tinig nito.

"Kung gano'n," Ani niya subalit agad na nahinto nang magsalitang muli ang bampirang hari.

"Nais ko rin na samahan mo ako na magtungo sa mundo ng mga mortal." Dagdag ng bampirang hari na naging dahilan para magulat siya ngunit agad din namang nakabawi.

"Paano ka nakatitiyak na sasama ako sa 'yo sa pagpunta sa mundo ng mga mortal?" Tanong niya sa bampirang hari na may kaunting pagka-inis sa kaniyang tinig.

"Sapagkat doon naninirahan sa mundong iyon ang itinakdang prinsesa na iyong kapatid." Sagot ng bampirang hari sa kaniyang katanungan ng hindi nagbabago ang tono ng tinig at amosyon nito.

"Paano siya napunta sa mundong iyon?" Tanong niyang muli ngunit sa pagkakataong ito ay napalitan ng pagtataka ang inis na nasa tinig niya kanina.

"Malalaman mo lamang ang dahilan kung sasama ka sa akin na pumunta sa mundo ng mga mortal." Pagsagot muli ng bampirang hari sa kaniya bilang pagkumbinsi rito sa sumama sa kaniya.

"Kailan naman tayo magtutungo sa mundong iyon?" Pagtatanong niyang muli ngunit ngayon ay tuluyan na siyang nakumbinsi ng bampirang hari.

"Kung maaari ay ngayon na," Sagot muli ng bampirang hari sa kaniyang katanungan.

"Hindi mo na kailangan magdala ng mga kagamitan liban sa iyong espesyal na sandata." Ani ng bampirang hari na tila ba inuutusan ang binatang hari samantalang pareho naman sila na kasalukuyang hari ng kanilang mga kaharian.

"Kung gayon, ibibilin ko muna sa aking kalihim ang pamumuno sa aking kaharian pati sa sa aking mga nasasakupan." Ani niya na hindi pinansin ang tono ng pananalita nito na tila ba inuutusan siya.

Ginamit ng binatang hari ang kaniyang kakayahang lupa upang hanapin ang kaniyang kalihim. Nang mahanap niya ito, ginamit niya naman ang kaniyang kakayahang hangin at bumulong ng mga salita na nais niyang sabihin sa kaniyang kalihim.

Pagtapos niyang sabihin sa kaniyang kalihim ang mga dapat nitong gawin, kinuha niya sa ibabaw ng hapag-kainan ang kaniyang espesyal na sandata. Ang kaniyang espesyal na sandata ay tila ba isang pluma na ginagamit sa pagsulat.

Nang hawak na niya ang kaniyang espesyal na sandata ay lumapit siya sa bampirang hari. Hinawakan naman siya ng bampira sa kaniyang kanang balikat at sa isang iglap lamang ay wala na sila sa kaniyang kaharian. Tiningnan niya ang paligid, nakita niyang nasa kakaiba siyang lugar na may kakaibang bahay.

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon