Hermione Athena POV
Iwinaksi ko na lamang sa aking isipan ang tungkol sa mga bagong Professor. Nagtungo na nga sila sa Stage at tumayo sa tabi ni Head Master.
"So, here's your new Professors. Mr.Oh, do you have anything to say?" - Tanong ni Head Master kay Professor Oh at iniabot 'yong Microphone
"Thanks for asking, Head Master Albus Severus Black. I'm sure that you don't really know me, so I will introduce myself. I am pure Korean and I was born here in the Philippines but when I was 10 years old, my family and I were back in Korea. That's for now, so I will be your Professor in Archery and that's all. Thanks for listening." - Pagpapakilala ni Professor Oh na ngumiti ng bahagya at ibinigay muli ang microphone kay Head Master
Wow! So Pure Korean pala siya, kaya pala Korean na Korean ang pangalan niya at hindi lang 'yon. Waaaaaaaaaah! Siya ang magiging Professor namin sa Archery
"How about you, Mr. Imperial?" - Tanong ni Head Master na tinanong si Professor Imperial at inabot ang microphone sa kanya
Kinuha ni Professor Imperial ang microphone. Pansin ko masyadong emotionless 'yong muka niya at wala masyadong gestures na ginagawa. Tila ba pinagbagsakan ng lang it at lupa. Hindi niya ba kayang ngumiti?
"As all you know, students here in great hall. He will be your Professor in Archery, so what subject I will be your Professor?" - Tanong ni Professor Imperial sa wikang Ingles
Grabe! Mukang strict itong si Professor Imperial. Kung sabagay, Martial Arts ang ituturo niya kaya dapat strict siya.
"I guess, you all knew it, right? I am Joshel Frederick Imperial and I will be your Professor in Martial Arts. That's all because you don't need to know who I really am, except our Head Master." - Pagpapakilala ni Professor Imperial na emotionless pa rin at may pagka-sarcastic na pananalita
Wow! Sarkastiko pala talaga si Professor Imperial at parang si Andrei Park, walang emosyon na pinapakita. Para silang may galit sa mundo. Ibinalik ni Professor Imperial 'yong microphone pabalik kay Head Master
"Okay students, since you all knew now who will be your Professors in Archery and Martial Arts Class. You may now go in your respective classes." - Pagtatapos ni Head Master na may maotoridad na pananalita
Inaya ko na nga sina Aphrodite sa pangalawang klase namin which is kay Professor Lupin. Sa 2nd Class na kami pupunta kasi nga nasakop 'yong time namin sa 1st Class ng Announcement.
Ilang minuto ang lumipas, tapos na 'yong klase namin kay Professor Lupin kaya vacant time na namin. Naglalakad kaming pito rito sa corridor. Tama kayo ng narinig, pito nga kami dahil kasama namin sina Marco.
Papunta na kami sa cafeteria para nga kumain. No'ng nasa cafeteria na kami ay nakahanap kami agad ng mesa at sakto sa amin ang upuan.
Nag-presinta sina Marco at Jason na sila na ang mag-o order ng mga kakainin namin. Ilang sandali lang ang lukipas ay dumating na sila.
Ibinigay ni Jason ang order nina Shigure, Aphrodite, at Shone pero kinindatan muna ni Jason si Aphrodite at Shigure. Si Shigure namula ang muka sa pagkindat ni Jason sa kanya. Samantalang si Aphrodite naman ay emotionless pa rin at parang hindi nakita ang pagkindat ni Jason.
Ibinigay naman ni Marco ang order ko at ni Andrei. May napansin ako sa mga order nila... lahat sila Burger at Pineapple Juice lang ang order. Samantalang ako ay Fried Pork Chop with two Rice at dalawang basong tubig.
Medyo nahiya ako ng konti dahil parang pinaparamdam Nika sa aking malakas ako LUMAMON. Pero keri lang dahil ganito talaga ako kumain sa amin maliban lang kapag nagmamadali ako hahahaha!
Hinayaan ko na lang, magsisimula na sana akong kumain nang may maramdaman akong dalawang pares ng mata ang nakatingin sa 'kin.
Tumingin muna ako sa paligid para tingnan kung may nakatingin sa akin pero wala akong nakita dahil ang lahat ay busy sa pagkain.
Isinawalang bahala ko na lang iyon at kumain na lang. Kumain na nga ako at tulad nga ng sinabi ko ay isinawalang bahala ko na lang. Ilang minuto ang lumipas, nakita kong tapos na silang kumain. Samantalang ako ay nangangalahati pa lang sa aking kinakain.
Bahala sila kung ayaw nila akong hintayin basta ako lalasapin ko ang pagkain ko. Magkanya-kanya muna kami.
Ilang minuto muli ang lumipas, nandito na kami sa Archery Class at si Professor Son Oh Gong nga ang Professor namin.
Ngayon ko lang nakita ang loob ng silid na ito. Isa kasi ang silid na ito sa mga ipinagbabawal na silid dito sa Trinchera University at dahil Advance ako mag-isip ay hindi ko na lang inisip kung bakit, kasi nga malalaman ko rin kung bakit hahahaha!
Ngayon, alam ko na kung bakit dahil nga nandito ang mga Busog at Palaso. Kaming magkakaklase lang ang narito sa Archery Room dahil nga ngayong oras na ito ang aming klase sa Archery. Nagulat ako ng bahagya nang may magsalita sa likod ko, si Professor Son lang pala.
"Okay students, form a two line because I will have an Activity after I tell you the Rules that should be follow." - Ani ni Professor Som na Poker face, kumpara kanina sa great hall... mas muka talaga siyang strikto ngayon
"First, you should follow all my orders inside this room specially when it comes to handling the Bows and Arrows. Second, don't touch anything in this room unless I'll tell you. Last but not the least, don't you ever disobey me because if you do... you will never like nor love what will be the consequences, is that clear?" - Pagsabi ni Professor Son sa seryoso at maotoridad niya na pananalita ng rules dito
"Yes, Sir!" - Ani naming lahat na tila ba mga sundalo
Alam niyo na, baka mapagalitan pa kami at baka nga ma-Sample-an pa kami ng sinasabi ni Professor Son na Consequences niya.
"Okay, you may now take your seats." - Utos ni Professor Son sa ganoong tinig pa rin
Kung kaya't umupo na nga kami sa mga upuan na narito at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
End of Chapter 18
Edited Date: Feb. 5, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...