Maria Paula De Jesus POV
Nang marinig ko ang anunsyo ni G. Antonio Garcia, ang aming head master tungkol sa pagdadagdag ng Martial Arts at Archery bilang dagdag na asignatura na aming kailangang pasukan ay agad akong nagpunta sa aking nakatatandang kapatid. Gamit ang isa sa aking mga kakayahan, ang teleportasyon ay umalis ako sa punong bulwagan.
Hindi namansin ng lahat ang ginawa ko dahil nakatutok ang kanilang atensyon sa anunsyo na sinasabi ng aming head master, mas lalo na ang aking matalik na kaibigan na si Alunsina. Sapagkat narinig niya lamang ang salitang "Pamamana" ay halos maghugis puso na ang kaniyang mga mata.
Pagkarating ko sa opisina ng aking nakatatandang kapatid, nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang itim na swivel chair habanag nakakunot ang kaniyang noo. Nagbabasa siya ng mga papeles tungkol sa kaniyang mga kumpanya at iba pang bagay.
Hindi agad ako napansin ng aking kapatid, marahil ay hindi lamang mga papeles na tungkol sa kaniyang mga kumpanya ang binabasa. Siguro ay iniisip niya rin ang mga suliranin ng aming kaharian sa Vamperia.
Binati ko siya upang makuha ko ang kaniyang atensyon at mapansin niya ako bago ko simulan ang aming pag-uusap.
"Kuya, bakit nadagdagan po ang klase na kailangan naming pasukan? Batid mo naman po na hindi pa ito ang tamang panahon upang kayo ay magkita." Tanong ko sa aking nakatatandang kapatid na nagbabasa pa rin ng mga papeles sa kaniyang harapan.
"Mas nakabubuti kung magkikita kami ng mas maaga kaysa sa ating inaasahan. Nang sa gayon ay hindi lamang siya sa pamamana mahusay kundi pati na rin ang paglaban gamit ang mano-mano." Sagot niya sa aking katanungan habang patuloy pa rin sa pagbabasa.
"Nalalapit na ang kaniyang ika-labing walong kaarawan kung kaya't natitiyak ko na malapit na siya matagpuan ng mga kalaban. Bago pa iyon mangyari, dapat na handa siya. Kapag mahusay na siya sa parehong larangan, tuturuan natin siyang kontrolin ang kaniyang mga kakayahan." Pagpapaliwanag ng aking nakatatandang kapatid sa akin.
"Tama ka riyan, kuya." Ani ko bilang pagsang-ayon sa kaniyang mga sinabi.
"Ngunit, sa tingin mo kailan niya malalman kung ano ang nakatadhana sa kaniya na nakasaad sa propesiya?" Tanong kong muli.
"Sa aking palagay, sasabihin din ni Ginoong Isagani ang nakatadhana sa kanya pati na ang tungkol sa propesiya." Sagot niya muli sa aking karagdagang katanungan.
"Kung gayon ay babalik na ako sa Trinchera University. Marahil ay hinahanap na niya ako. Kuya, mauna na ako." Pagpaalam ko sa kaniya bago nag-teleport sa palikuran ng Trinchera University.
Nang makarating ako sa palikuran ng paaralan, lumabas ako ng palikuran at agad na nagtungo sa silid-aralan ni Alunsina. Pagkarating ko roon ay wala na siya. Marahil ay naglalakad na siya pauwi ngayon.
Wala na rin ang ibang mag-aaral kung kaya't naisipan kong gamitin ang isa ko pang kakayahan, ang super speed. Ginamit ko iyon at sinundan siya. Madali ko na lamang siyang masusundan dahil alam kong dadaan siya sa kagubatan na pagmamay-ari ng kaniyang ama.
Hindi nagtagal ay nakita ko nga siya na naglalakad sa kagubatan, binantayan ko lamang siya ng tingin. Nang malapit na siya sa kaniyang bahay, umakyat ako sa itaas ng puno at sinundan na lamang siya ng tingin habang pumapasok sa loob.
Nang makapasok siya sa loob ng kanilang tahanan, naisipan ko ng umuwi dahil batid ko na pina-plano ng aking kapatid na bisitahin si Alunsina kahit pa nasa labas lamang siya ng tahanan nito. Nag-teleport akong muli ngunit sa pagkakataong ito ay nagtungo ako sa bahay na pansamantala kong tinutuluyan. Pagkarating sa aking silid ay agad akong nagpalit ng kasuotan bago humiga sa kama.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...