Hermione Athena POV
Muli akong nagulat nang makita ko itong lumapit sa akin at kusa rin itong sumuot sa aking leeg. Lumiwanag ulit ito at tila may naramdaman akong enerhiya na dumaloy sa aking katawan. Pakiramdam ko'y nadagdagan ang enerhiya sa aking katawan at mas lalo akong lumakas.
Nang suot ko na ang Mahiwagang Kuwintas ay naamoy ko ang sarili ko. Yak! Ang baho ko na at ang dungis pa. Tsk! Kulang na lang ng grasang nakapahid sa katawan at mukha ko para magmukha na talaga akong taong grass.
Hinanap ko ang palikuran para makaligo na ako. Iniisip ko kung paano ako bumaho at naging madungis gayong wala naman akong ibang pinuntahan liban doon sa bahay at sa kahariang ito. Hindi nagtagal ay nahanap ko na ang palikuran kung kaya't pumasok na ako.
Pagpasok ko ay napadaan ako sa Salamin at tila ba may nakita akong Ivtre este kaluluwa na dumaan. Bumalik ako sa harap ng salamin at doon ko lamang napagtantong ako pala ang nakita ko sa harap ng salamin.
Ang aking buhok ay bumalik muli sa pagiging kulay itim ngunit makintab ito at mas humaba pa. Samantalang ang aking mga mata naman ay ganoon muli ang kulay, kulay itim din subalit may nakikita pa rin akong kulay ginto. Ang aking kutis naman ay lalo pang pumuti at tila ba'y isa akong bituin na kumikinang sa langit.
Naamoy kong muli ang aking sarili. Kadiri talaga, kaya nagsimula na akong maligo. Ilang minuto ang lumipas ay natapos din akong maligo at mag-ayos kung kaya't lumabas ako ng palikuran.
Naisipan kong maglakad kaya lumabas ako ng aking silid at nagsimulang maglakad. Hinayaan ko na lang ang aking mga paa na dalhin ako kung saan. Bawat madaanan ko ay lagi akong namamangha. Sapagkat lahat ng aking mga nasasaksihan ay bago sa aking paningin.
Mas namangha ako nang mapunta ako sa isang lugar dito sa labas ng kaharian ni Ginoong Trinchera na sa aking palagay ay nasasakupan pa rin. Napakaraming halaman at punong-kahoy rito kung kaya't palagay ko ay isa itong hardin. Marami ring kakaibang ibon ang lumilipad sa himpapawid ngunit may isang nilalang ang nakakuha ng aking atensyon.
Nakita ko ang isang napakakisig na nilalang na laging lumalabas sa aking panaginip na nasa ilalim ng puno habang nagbabasa ng aklat. May suot siyang salamin sa mata at medyo magulo ang buhok. Habang matagal ko siyang pinagmamasdan ay lalo akong nabibighani sa kanyang taglay na gandang lalaki.
Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo, Athena? Tandaan mong siya ang iyong Guro!
Nang biglang maalala kong muli ang paghalik niya sa labi ko sa aking panaginip, pakiramdam ko'y ang init ng paligid. Pinagmamasdan ko pa rin siya ngunit sa pagkakataong ito ay nakaupo na ako sa may malaki't patag na bato.
Hindi ko pa rin iniaalis ang paningin ko sa kanya. Subalit nagulat ako no'ng bigla siyang ngumiti at nawala sa aking paningin. Bumilis ang tibok ng aking puso ng dahil doon. Lumingon ako sa paligid ngunit hindi ko siya nakita.
Tumayo ako at akmang aalis na upang bumalik sa aking silid nang biglang may yumakap ng mahigpit sa akin mula sa likuran, tila ba ayaw akong pakawalan at saka nagsalita.
"Aking Itinakdang Prinsesa, batid kong nalungkot ka noong nawala ako sa iyong paningin." - Ani niya at pumunta sa aking harapan habang nakangiti
Bakit ganito ang aking nararamdaman? Ano bang nangyayari sa akin?
Kailan ko lamang siya nakilala ngunit ang bilis na ng tibok ng aking puso sa tuwing tumitingin, ngumingiti at kinakausap ako. Ang kanyang tinig ay tila isang awit ng "Ibong Adarna" sa tuwing aking naririnig. Nabigla ako ng hawakan niya ang aking kamay.
"Huwag ka ng malungkot, irog ko. Sapagkat nais ko lamang na linlangin ka na ako'y nawala." - Ani niya habang nakangiti at nakahawak pa rin sa aking kamay
Ay grabe siya! Kanina tinawag niya ako na "Aking Itinakdang Prinsesa", ngayon naman ay "Irog Ko" na ang tawag niya sa akin.
"You know what, I want to tell you something..." - Ani niyang muli na mukhang kinakabahan pero bakit feeling ko may sasabihin siya na hindi ko magugustuhan
Sasabihin ko sana na ituloy niya na ang sasabihin ng biglang maging emotionless ulit ang itsura niya. May nararamdaman din akong enerhiyang mabilis na lumalapit sa aming dalawa.
Muli akong nabigla ng tumabi siya sa akin ngunit naka-holding hands na kaming dalawa at parehas na kaming nakaharap sa daanan papasok dito sa hardin.
Tumatakbo palapit sa amin si Jason na may hawak na phone habang kasunod niya si Shone na parang umiiyak na.
"Waaaaaaaaaah! Jason ibalik mo ang phone ko huhuhu! Mamamatay 'yong Character ko sa Mobile Legends eh." - Sabi ni Shone na hinahabol si Jason habang umiiyak
Grabe talaga itong si Jason, tsk! Kunin ba naman ang phone ni Shone, 'yan tuloy umiiyak na ng parang bata.
Pumunta naman sa likod namin si Jason na tila ba ginagawa kaming pananggalang laban kay Shone.
"Titigil ba kayo o hindi?" - Ma-otoridad na tanong ni Joshrick na itinaas pa ang kaliwang kaway at naglabas ng isang bolang apoy
Sa tinig pa lang ni Joshrick ay napahinto na 'yong dalawa at tila naging estatwa sa kanilang kinatatayuan. Pagtingin nila kay Joshrick ay agad silang napatakbo ng napakatulin. Marahil ay nakita nila ang bolang apoy sa kanyang kamay.
Pag-alis ng dalawa ay ibinaba na ni Joshrick ang kanyang kamay, kasabay no'n ang pagkawala ng bolang apoy sa kanyang kamay.
Humarap siyang muli sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pangungulila sa minamahal na may kalungkutan.
"I know that I am not the right person to say this to you but I will tell you." - Ani niya sa wikang Ingles
Bumalik na naman ang kabang aking naramdaman kanina.
"Ikaw ang Prinsesang nakatakdang magligtas ng Immortallia at ikaw rin ang nakatakdang maging aking kabiyak. Ako ang kasalukuyang Hari ng mga Bampira at aking nasasakupan ang lupaing ito, ang Vamperia." - May sinseridad niyang pananalita habang hawak ang aking kamay
Wow... Hari pala siya ng mga Bampira kaya pala pula ang mata niya sa aking panaginip.
"Kapatid ko si Aphrodite at ang kanyang tunay na ngalan ay Aphrodite Paula Trinchera. Si Harry na lamang ang magpapatuloy ng iba mo pang dapat malaman." - Dagdag niya pang ani sa akin
Pagtapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay nakita kong tumulo ang kanyang luha at biglang nawala siya ng parang bula. Pagkaalis ni Joshrick ay siyang pagdating ni Ama.
End of Chapter 24
Edited Date: Feb. 12, 2021
W/n: HAPPY CHINESE NEW YEAR!!!
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...