Hermione Athena POV
"Maaari ko po bang malaman kung sino ang sinasabi ninyong Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap?" - Tanong ko kay Tiyo dahil batid kong iyon lamang ang masasagot niya sa mga tanong na nabuo sa aking isipan
"Oo naman. Ang tanyag na Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap ay si Cassiopeia Hera Dumbledore." - Sagot niya sa tanong ko
"Ah ganoon po ba? Kung gayon ay kailan ko po makikita ang aking nakatatandang Kapatid?" - Tanong ko pang muli sa kanya
"Maaari mo na siya makita ngayon. Sa totoo lang, kaya rin kita pinuntahan dito ay para sunduin ka at dalhin sa kanya." - Sabi ni Ama
Napuno ng galak ang aking puso sa sinabi ni Tiyo. Sa wakas makikita ko na ang aking nakatatandang kapatid.
Nagbukas siya ng Portal at inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan. Kinuha ko ang kanyang kamay at sabay kaming pumasok sa Portal na kanyang ginawa.
Anubayan! Mga tamad ba maglakad ang mga nilalang dito kaya lagi nilang ginagamit ang kanilang mga Kakayahan?
Paglabas namin ng Portal ay napunta kami sa isang silid. Isang opisina ang pinuntahan namin at may nakatalikod na swivel chair.
Ilang sandali lang ay humarap ito. Sa pagharap nito ay nagulat ako kung sino ang nakaupo roon. Si Professor Son Oh Gong ang nakaupo sa swivel chair.
Bahagyang nagulat ako subalit agad din akong nakabawi at napangiti. Kaya pala pamilyar sa akin silang dalawa ni Joshrick noong ipinakilala sila ni Head Master dahil sa Malapit silang dalawa sa aking puso.
"Magandang araw aking Pamangkin na Hari, siya na ang iyong nakababatang kapatid. Siya si Hermione Athena Granger este Elementia." - Pagpapakilala ni Tiyo sa akin na bahagyang yumuko
Tumayo siya sa kanyang inuupuan at agad akong binigyan ng mahigpit na yakap. Ginantihan ko rin ang ibinigay niyang yakap sa akin.
"Kay tagal kong inaasam na mayakap ka, aking kapatid. Ang buong akala ko'y hindi na kita makikita at mayayakap ng ganito kahigpit tulad ng ating mga magulang." - Ani niya habang yakap pa rin ako
Ramdam kong nababasa na ang aking balikat kung nasaan ang kanyang mukha. Ilang sandali pa ang lumipas ay umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Alam mo ba simula ng mawala ang ating mga magulang pati na rin ikaw ay nagbago ako, tila ba ako'y naging ibang tao. Naging sinlamig ng yelo ang pakikitungo ko sa mga nilalang na nakapaligid sa akin." - Ani niya habang hawak pa rin ang aking kamay at maluha-luha ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak
"Ngunit ngayong narito ka na sa piling namin ay gagawin ko ang lahat upang mapangalagaan ka." - Ani niya sabay punas ng kanyang mga luha gamit ang isa niyang kamay
"Kung ganoon... maaari na ba kitang tawagin na Oppa este Kuya?" - Sabi ko sa kanya ng nakangiti
"Oo naman, bakit naman hindi bunso hahahaha! Nga pala hindi mo pa pala alam ang tunay kong tunay na ngalan. Ang tunay kong ngalan ay Hector Anthony Elementia." - Ani ni Kuya na humalakhak muna ng tawa bago sinabi ang tunay niyang ngalan
Nakita ko sa peripheral vision kong tumatawa na rin si Tiyo.
"Kuya, maaari ka bang magsalaysay ukol sa ating mga magulang?" - Tanong ko sa kanya
Tumango siya at saka nagsimulang magkuwento. Ilang minuto ang itinagal ng kanyang pagsasalaysay at sa bawat pagsalaysay niya ng mga masasayang alaala niya kasama ang aming mga magulang.
Medyo nakaramdam ako ng inggit. Inggit dahil hindi tulad niya ay hindi ko nasilayan o nakasama man lamang sila habang ako ay lumalaki at nagkaka-edad.
"Tunay pa lang kay buti ng ating mga magulang, Kuya." - Ani ko matapos niyang magsalaysay
"Siyang tunay aking kapatid." - Ani ni Kuya habang nakatingin sa malayo
"Sayang lamang sapagkat hindi ko sila naabutan." - Malungkot kong sabi na naging dahilan ng pagtingin sa akin ni Kuya
"Huwag ka ng malungkot aking Bunsong Kapatid dahil narito naman kaming dalawa ng IYONG ITINAKDANG MAGING KABIYAK. Ayieee! Hahahaha!" - Ani niya naman na tila nang-iinis
"Ihh... Kuya naman eh!" - Sabi ko naman sa kanya na medyo may pagka-inis
"Hahahaha! eh bakit namumula ang iyong dalawang pisnge hahahaha!" - Pang-asar pa ni Kuya na humahalakhak pa rin ng tawa
"Hay... aalis na lamang ako kasi ayaw mong tumigil eh." - Sabi ko sa kanya na may pagkainis pa rin
"Hay naku Bunso, hindi ka naman mabiro." - Ani niya na tumigil na sa paghalakhak
"Magpunta na lamang tayo sa dining room. Batid kong nakararamdam ka na ng gutom." - Sabi ni Kuya sabay lakad palayo
Ito namang si Ako... hinabol ko siya at saka pumulupot sa kanyang braso. Nalimutan kong sabihin na hindi na namin kasama si Tiyo, simula pa noong nagtanong ako ukol kina Ama't Ina.
Aphrodite Paula POV
Hay nakakainis naman si Kuya. Tsk! Ayaw pang sabihin kung sino sa apat na iyon ang nakatakdang maging aking kabiyak.
"Huwag mo nang isipin iyon aking kapatid at sa halip ay tulungan mo na lamang ako." - Suway sa akin ng aking Kapatid
Nalimutan kong sabihin na kasama ko siya ngayon at pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin namin para kay Athena.
"Hay... sige na nga." - Sabi ko na napipilitan
"Ano ng ating gagawin?" - Tanong ni Kuya sa akin
Lumapit ako sa kanya at ibinulong na lamang ang mga naisip ko dahil ayaw kong marinig este mabasa n'yo ang aming mga binabalak, baka sabihin pa ninyo kay Bhessie eh.
"Sang ayon ako sa iyong mga iminungkahi. Ang husay ng iyong mga naisip, aking kapatid. Manang mana ka talaga sa akin. Kailangan na nating isagawa iyan sa lalong madaling panahon." - Sang ayon ni Kuya sa aking mga naisip
"Siyempre naman, Kuya. Napakatalino kaya ng iyong kapatid hahahaha! Pero bago ang lahat, kumain na muna tayo." - Sabi ko pagtapos tumawa
"Oh siya sige. Tayo nang pumunta sa dining room dahil tulad mo ay nakaramdam na rin ako ng pagkagutom." - Sang ayon muli sa akin ni Kuya
Nag-teleport kaming dalawa ni Kuya papunta sa dining room. Ginamit namin ang aming Kakayahan dahil sa laki ng aming kaharian ay tiyak na aabutin kami ng siyam-siyam bago makarating sa aming patutunguhan.
Narito na kami sa dining room at naabutan na naming kumakain 'yong Apat. Pinagmasdan ko silang Apat subalit napako ang paningin ko kay Shone noong makita ko na nakatingin siya sa akin.
Nagkatitigan kami sa isa't isa. Bumilis ang tibok ng aking puso at tila ba may mga makukulit na paru-paro ang paikot-ikot sa aking tiyan.
Siya na mismo ang umiwas ng titig sa akin kung kaya't napatingin din ako sa ibang direksyon. Napansin ko na nakaupo na sa kanyang upuan si Kuya habang may nakalolokong ngiti.
Hay... mukang siya na nga ang sinasabi ni Kuya na nakatakda kong maging kabiyak ngunit hindi ko pa sila masyadong kilala eh. Iwinaksi ko na sa aking isipan ang nangyari kanina lamang at sa halip ay nagsandok na lamang ako ng mga pagkain ng sa ganoo'y makakain na ako.
End of Chapter 26
Edited Date: Feb. 14, 2021
W/n: HAPPY VALENTINE'S DAY!!!
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...