Chapter 4: The Current Vampire King

1K 28 1
                                    

THIRD PERSON POV

Nang magising si Alunsina ay ikatlo na ng hapon. Habang naka-upo sa kaniyang kama, bigla niyang naalala ang takdang aralin na ibinigay ng kaniyang propesor na si Gng. Aniag. Agad siyang tumayo sa pagkaka-upo at inayos ang kaniyang higaan bago pumunta sa mesa kung saan siya mag-isang nag-aaral.

Tiningnan niya ang ibabaw ng naturang mesa upang makita kung naroon ang takdang aralin na kailangan niyang sagutan at ipasa bukas. Nang makitang naroon ang papel na iyon ay umupo siya sa upuan na nasa harap ng mesa at sinimulang itong sagutin. Sinagutan lamang niya ang takdang aralin na iyon hanggang sa siya ay matapos.

Matapos niyang magsagot ay idiniretso niya ang kaniyang paa dahil sa naramdaman niya itong namanhid. Bahagya niya itong minasahe hanggang sa mawala ang pamamanhid nito. Nang mawala na ang pamamanhid nito ay iniunat naman niya ang kaniyang likod. Habang iniuunat niya ang kaniyang likod, hindi niya sinasadyang makita ang orasan na nasa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng kaniyang higaan.

Nakita niya sa orasan na iyon na ika-anim na pala ng gabi kung kaya't napagpasyahan niyang lumabas sa kaniyang silid at bumaba sa unang palapag ng kanilang tahanan. Nang makababa sa unang palapag, nakarinig siya ng mga ingay na sa tingin niya ay nagmumula sa kusina dahil sa pagtunog ng mga bakal. Nalanghap din niya ang amoy ng ginigisang bawang at sibuyas na naging dahilan upang kumalam ang kaniyang sikmura.

Dali-dali siyang nagtungo sa kusina at pumasok sa loob nito. Nang makapasok sa loob ay nalaman niya na tama ang naamoy niya dahil nakita niya ang kaniyang ama na naghahalo ng mga sangkap sa isang medyo may kalakihang kawali.

"Ano po ang inyong niluluto, Ama?" Tanong ni Alunsina nang makalapit sa kaniyang ama.

"Magluluto ako ng Tinolang Manok at tiyak akong mapaarami ka ng kain dahil sa sarap nitong lulutuin ko," Sagot ni ng kaniyang ama habang inilalagay ang mga hiniwang manok at gulay sa kawali.

"Mukang matatagalan pa bago tayo makakain," Biro niya sa kaniyang ama na pinalungkot pa ang kaniyang muka upang maging kapani-paniwala.

Hinalo muna ng kaniyang ama ang kaniyang niluluto gamit ang sandok bago ito takpan ng takip na gawa sa salamin at ipinatong ang sandok na ginamit sa isang malinis na platito.

Tiningnan niya si Alunsina at sinabing, "Kung ganoon ay sabihan mo ang iyong tiyan na maghintay muna ito dahil mamaya pa siya makaka-kain."

Seryoso niya iyon sinabi kay Alunsina habang nakatitig sa isa't isa at saka biglang natawa dahil sa kanilang kabaliwan na sinabi. Nahinto lamang ang kanilang tawanan ng malanghap nila ang amoy ng sariwang sayote. Tinanggal ni Isagani ang takip ng kaniyang niluluto at kinuha ang sandok na nakapatong sa platito para haluin ang mga sangkap sa loob ng kawali.

"Huwag kang mag-alala anak, matatapos ako sa pagluto nito sa loob lamang ng kalahating oras. Tiyak na makaka-kain na rin tayo," Ani niya habang inilalagay ang isang pitsel ng tubig sa kawali na kaniyang pinaglulutuan.

"Mukang medyo matagal pa nga po, kung gayon, maaari po ba muna ako manood ng telebisyon habang nagluluto pa po kayo?" Tanong niya sa ama bilang paghingi ng permiso.

Tumango lamang ang kaniyang ama ng tatlong beses bilang pagbibigay permiso. Nagtungo siya sa sala, binuksan niya ang telebisyon pati na ang DVD player at hinanap ang korean drama na nais niyang panoorin. Nakuha ang atensyon niya ng isang korean drama na may pamagat na "Ruler of the Mask" kung kaya't kinuha niya ito sa lagayan at inilagay ang CD na laman nito sa DVD player.

Nang masiguradong binasa na ng DVD player ang CD, kinuha niya ang remote nito bago umupo sa sopa. Habang nanonood, hindi niya maiwasang hindi mamangha sa korean drama na ito dahil sa mga nagaganap sa mga tauhan nito na ginampanan ng mga beterano at pinakasikat na mga aktor at aktress sa bansang Timog Korea.

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon